Flashback
“What do you mean, Ma’am,” gulat kong pahayag.
I was in the middle of sketching new designs for our presentation when my boss suddenly approached me. Sa sobrang pagkabigla ko sa sinabi niya, bahagya kong nagurihan ang ginagawa. Just great! Now I have to start again.
“A-ano po iyon Ma’am?” I asked nervously, nalilito pa din sa sinasabi ng boss ko.
“What I’m trying to say is I want you to persuade Architect Jayce Guerrero to accept this project. Hindi siya pumayag ng ako ang lumapit. Maybe if you try then we can make him change his mind. What do you think? Hindi ba’t magkakilala kayo?”
My boss looked at me, and there was a glint of hope in her eyes.
Hindi ko alam kung paano magrereact. Nagsisink-in pa kasi sakin na kalat na sa kumpanya na kilala ko ang isang sikat na Architect, at most-sought bachelor na si Jayce Guerrero. At kasalanan ito ng over supportive kong kaibigan na walang preno ang bibig.
Parang na-sense niya ata na iniisip ko siya dahil ng tumingin siya sa akin at guilty siyang ngumiti at nag peace sign pa.
Guerrero Architecture firm is one of the newest rising successful firms in the industry.
Ang sabi may limit ang projects na tinatanggap nila siguro ay dahil nag-uumpisa pa lang sila at kakaunti pa ang mga staffs. Ang sabi ay they mostly prioritize their big clients. No wonder they did not accept this project. Malaki rin naman ang Castelle but then maybe they were just booked or whatever their reason is.
“Ma’am hindi ko po kasi kaya iyong hinihingi niyo. Matagal na po kasi simula ng magkausap kami at baka hindi na niya ako tanda.”
Ang pakla sa dila nung huli kong sinabi. Paano ko ba sasabihin ng hindi nasisisante na iyon ang taong pinaka-ayaw kong makita? Hangga’t maaari ayokong nasasalihan ng personal ang trabaho because I’m professional but this would probably be an exemption.
Hindi ko yata kaya na makita ang lalaking iyon!
“I did not know na mayroon ka din palang kahinaan Ms. Kali. I’m always amazed at your capability despite being a newbie in my company. You always surprises me pero bakit yata parang nawawala na dedication at passion sa trabaho na palagi mong ipinakikita?”
Wala akong masabi dahil tama si Ma’am. Competitive ako at kahit imposible ay ginagawan ko ng paraan because I want to prove myself. Na deserve ko ang posisyon ko at hindi ko lamang ito nakuha basta basta.
Ang laking sampal sa ego ko ng sinabi ni Miss and I can’t help but to criticize myself dahil bakit nga nawawala na ang mantra ko na maging propesyonal? Why am I being emotional all of a sudden?
Daig ko pa ang nasa hotseat at kahit pwede naman akong tumanggi ulit hindi ko naman masikmura ang mga what ifs at consequences sa desisyon na gagawin ko.
My position in this company is still unstable and with that I still need to prove myself kaya masyado ko talagang pinupush ang sarili ko. Call me a career obsessed but this is all I have. Hindi ako mayaman at matalino, ito lang ang kaya kong ipagmalaki.
At gagawin ko ang lahat…
Pakiramdam ko bumagal ang oras lalo na noong walang pag-aalinlangan akong umoo sa boss ko. What have I done? Ang tanga lang Aurie! Ikaw na mismo ang nagtulak sa sarili mo sa hukay.
“OMG mamsh pumayag ka?” gulat na sabi ni Sheena, ang madaldal kong best friend. Sinamaan ko siya ng tingin lalo pa’t isa siya sa dahilan kung bakit nasa ganito akong posisyon. Kung hindi lang sana siya nadulas, edi sana hindi ako mapipilitang umoo.
“Wow gulat na gulat? Syempre oo, wala akong choice eh. At isa pa trabaho ito, kaya kailangan kong gawin,” sabi ko na lang, pero I was also trying to convince myself.
“Oo na sorry na. Nabigla kasi ako noon at naexcite kasi naman ang pogi nung ex mo,” nanlaki ang mata ko at tinakpan ko ang bibig niya dahil baka marinig pa nung iba. Malala na nga na alam nila na kilala ko ang lalaking iyon, ano pa kaya kapag nalaman nila na may connection kami.
Tinanggal niya ang takip sa bibig niya na-guilty naman ako kasi nagulo ko ng konti ang make-up niya.
“Sorry na kasi, pero maiba ako anong plano mo? Ready ka na ba harapin and TOTGA (the one that got away) mo?”
Huminga ako ng malalim, kahit ako din hindi ko na alam ang gagawin. I’ve been imagining this scenario at mayroon na din akong script sa kung ano ang sasabihin at reaction ko. Pero iba parin na pala kapag nandyan ka na sa posisyong iyon.
“Bakit ba ang affected mo? Trabaho ang ipupunta ko doon. Kung ano man ang nangyari noon, wala na iyon. Hindi ko isasali sa trabaho ang issue namin atsaka bakit ako matatakot. Siya nga ang may atraso saakin!”
Tama, bakit ako magpapaapekto?
Noong araw din na iyon ako inutusan ng boss ko na makipagmeeting ulit sa firm. Pahapon na pero heto ako at binabaybay ang building nila. They were only renting a certain floor in a commercial building kaya nahirapan pa akong na hanapin sila.
I wasn’t expecting a sudden change of events. At first, I was confident that my name would be enough to piss him off and immediately dismiss us like before. Syempre mas ayos sakin iyon dahil hindi ko na siya kikitain pa.
Bukod doon wala rin naman magagawa ang boss ko kung sakali na tumanggi siya sa panagalawang pagkakataon. Malilinis pa ang pangalan ko at mawawala na sa isip nila ang koneksyon ko kay Jayce which is a win win situation for me.
I imagine that he will get a bad impression on us dahil nagpadala pa ng bagong representative at ako pa talaga. He would probably feel insulted, making this project impossible to happen.
“What do you mean Architect Guerrero wants to see me in his office? Did I hear it correctly? Akala ko ba tumanggi na siya sa amin?” gulat na gulat kong sabi. Naguluhan naman ang secretary sa sinabi ko dahil hindi iyon ang hinihintay niya na reaksyon. Ako lang yata ang bukod tangi na naghysterical dahil pinaunlakan.
Para yata akong aatakihin sa puso sa bilis ng t***k ng puso ko, I just had my coffee.
“Pasok na lang po kayo sa pinto na nasa likod niyo. Iyan po ang office ni Architect,” ngiting-ngiti ang secretary habang sinasabi iyon. She did not even bother to answer my question.
Wala na akong nagawa pa. Gustuhin ko mang tumakbo na lang palayo pero hindi ko magawa.
When I opened the door I was mesmerized by the simplicity of his office. Bagama’t maliit iyon, malinis at maaliwalas naman tignan.
Nga lang hindi ko inaasahan ang pares ng mga mata na nakatitig na saakin. Pakiramdam ko sumikit ang dibdib ko. He took the breath out of me. After six years, we met again.
Never akong naging updated sa buhay niya because I choose to. Pinili kong kalimutan ang lahat kahit pa alam kong imposible iyon. I thought I couldn't survive the heartache. I was in my lowest that time at kahit yata picture niya mabaliw baliw na ako sa pag-iyak kapag nakikita ko.
Una ko kaagad napansin ang mapupungay niyang mga mata. The same pair of eyes that I love to stare at. He is looking at me intently, scrutinizing me. Nakakapanghina.
He was sitting in his swivel chair with his glasses on, nakaharap sa laptop.
Napakalaki nang ipinagbago niya. He was already attractive before but now he has become more manly. Gone was the softness in his features, it became rough.
I look like a deer caught by a traffic light. There’s an aircon but I’m sweating bullets. My brain is not working properly. Bahala na, I would rather face the consequence of my carelessness rather than face the man of my past.
Hindi ko pa pala kaya. I was just being arrogant.
Everything about him is just so intense. He’s like a kryptonite, a weakness absorbing my energy making me powerless. I want to avoid his gaze but I was mesmerized by those brown orbs. A surge of memories came rushing in my head. Memories that I bury deep but are now shamelessly swirling in my head like a whirlwind.
Sa isang iglap para akong bumalik sa oras na mukha akong tanga, nagmamakaawa huwag lang iwanan.
“You may take your seat Miss Lopez,” he said, interrupting my thoughts.
His baritone voice made me shiver, damn what the hell is wrong with me? I was surprised that my body automatically obeyed his order.
Ramdam ko ang pag sunod ng tingin niya sa bawat paggalaw ko at hindi ako natutuwa roon. I approach the chair in front of his table with my poker face.
I saw how he raised his eyebrows but I did not let that bother me. Alam ko kapag ganoon ang reaksyon niya, it’s either he’s amused or interested.
I compose myself. I just need to get over this. Alam ko na naman ang magiging sagot niya kaya kahit papaano ay hindi na dapat akong mangamba. Baka kaya gusto makipagkita ay para sabihin saakin ng harapan?
“Good morning Architect Guerrero. Ang sabi ng sekretarya mo gusto mo raw akong makausap? I’m confused because last time I checked you’ve already rejected us,” I said formally, I really hope that he did not notice my nervousness.
Matagal bago siya nakasagot.
He is eyeing me like a lion eyeing its prey. Mabuti na lang hindi ako nakatayo dahil paniguradong bibigay ang mga tuhod ko. I admit he still affects me but that’s all! Move on na ako.
“Regarding that, I want to reconsider it. I’m taking the project. My team will work on that.”
Laglag ang panga na napapatitig ako sa kanya.
What the f**k?
“W-what are you talking about?” I stammered, nawala na ang pagiging kalmado ko kuno because now I did nothing to hide the nervousness and uneasiness I felt. Just like that and he managed to destroy my facade.
“Hindi ba’t iyon naman ang ipinunta mo rito? You want me to reconsider this project and I’m accepting it,” saad niya at para bang ipinaiintindi niya sa akin ang bagay na iyon.
Hindi nakatakas sa mga mata ko ang bahagyang pagbasa niya ng labi. Even the movement of his Adam’s apple made my throat dry. Get a hold of yourself Kali this bastard is bewitching you!
“Then what makes you change your mind?” Ako ng makabawi.
Hindi na dapat ako nagtatanong. Dapat nga matuwa ako dahil nagawa ko ang trabaho but a part of me is dying to know what is his reason.
I want to think that he was only doing this to make a point. Kasi kailangan namin siya kaya kahit pa magmukha kaming katawa-tawa ay ayos lang. He’s that heartless and I’m not even surprised.
“There’s a client that backs out. You are lucky to be the first in line in our choices. We are only doing what must be done. Besides, a client is a client.”
I tried my best to suppress the anger that started to build up inside of me. Any minute now I know that I will explode like a volcano, meanwhile this man was only looking at me intently.
It’s as if he’s memorizing every inch of me which might just be my imagination. A shiver ran over my body but I tried to hide that he was affecting me by glaring at him.
No, I can't be attracted to him.
I will never let myself be miserable again.
“Then it’s settled. Thank you for reconsidering our project,” I said while gritting my teeth.
A loud music blasted the whole school. Ngayon ang intramurals ng school at lahat ng estudyante mapa-college o high school students ay abala sa pagchecheer ng kani kanilang section.
I hate crowds, siguro ay dahil nasanay akong mag-isa. But when I met Sheena, my best friend kahit ayaw ko ay napipilitan akong makihalubilo sa mga tao.
She is my opposite, I’m the introvert while she’s the extrovert who has a lot of friends. Minsan napapaisip na rin ako kung paano ba kami naging magkasundo.
“Ano ka ba, Sheena! Umayos ka nga,” tinulak ko si Sheena palayo saakin, hinihila niya kasi ako. Hindi man lang siya tinablan at tatawa-tawa lang ang bruha sa ginawa. Minsan gusto ko na siyang sakalin yun nga lang kahit gawin ko ‘yon mas lalo lang siyang matutuwa na bwisitin ako kaya di bale na lang.
Nasa gymnasium kami ng school. Dalawang college department ang kasalukuyang naglalaro ng basketball and everyone is busy cheering with their bets.
Sinamantala namin ang pagkakataon na iyon para pumuslit sa section namin. This is not so me, kinakabahan na ako but to think that I’m doing something different turns my anxiety into excitement.
May ilang estudyante na may hawak na lobo na kakulay ng team nila. May ilan naman na may hawak na banner at may pompoms pa. Malaki ang gym kaya kaya nitong iokupa ang maraming estudyante.
Binalik ko ang atensyon ko sa kaibigan na busy sa pagchecheer, ni hindi man lang tinalban ng paninita ko. Sino ba naman kasing hindi maiinis, ipagsigawan ba naman na crush ko raw si Eric Mendoza na isa sa mga player ng Business Ad Department. Ang dami tuloy lumingon sa banda namin. Hiyang-hiya ako pero itong kaibigan ko wala man lang pakialam.
Fourth year college na si Eric. May schedule na naka-toka sa bawat laban ng high school at college. Magkasabay ginaganap ang intramurals ng college at highschool kaya malaya kaming mag-ikot.
Ngayon ang unang araw ng Intrams at sila ang nakaschedule na maglaro.
Crush ko naman talaga iyong si Eric pero lowkey lang ako. I like his personality but other that ay wala na. Sabi ni Sheena crush daw yon kapag ganon so I assume na baka nga crush ko siya. Ang hirap talaga kapag walang alam sa mga ganitong bagay.
At isa pa imposible rin naman akong mapansin noon. Grade - 11 pa lang ako at siya naman ay nasa kolehiyo na.
I’m way out of his league. Baka nga tawanan lang ako noon kapag nalaman niya na crush ko siya.
“Bakit ka ba nahihiya? Ayaw mo noon alam niya na agad. Hindi ako tumakas sa pagchecheer sa klase natin para lang walang mapala rito Aia!”
“Paano ka magkakalove-life kung para ka lang tuod dyan, naghihintay ng biyaya?” segunda niya pa.
Natawa ako sa tinuran niya, paano ba naman kasi masyado niya itong sineseryoso. Akala ko nga simpleng panonood lang ang gagawin namin pero laking gulat ko na naghanda pala siya ng banner at lobo na kakulay ng team nina Eric.
Sa totoo lang sumasabay lang ako sa trip niya. Hindi naman din kasi seryoso ang pagkagusto ko kay Eric. For me relationships should not be rushed. It will naturally come whether we like it or not.
“Hindi kasi ganoon Sheena, sabi ni Daddy hindi naghahabol ang babae,” I said as a matter of fact.
Hindi makapaniwalang tinitigan ako ni Sheena na para bang may mali sa sinabi ko. I giggle because of her reaction. Nabadtrip yata sa akin at bigla na lang akong hinampas.
“Ewan ko sayo! Basta ako ang magiging kupido niyo maghintay ka lang,” sabi nito ng may determinasyon.
Umirap ako sa kawalan. See, this girl’s determination is as strong as a metal.
“OMG, bakla naka-three points prince charming mo!”
Naghiyawan ang buong crowd dahil doon, samantala nakisali naman kami ni Sheena. Limitado lang ang kaalaman ko sa basketball pero sa nakikita ko talagang magaling ang team nina Eric. Ang laki ng lamang ng score nila sa kalaban.
Hindi ko hilig ang mga ganitong sports pero natutuwa ako kapag nakakascore ang kupunan nina Eric.
Sabi ni Dad when you like someone, you’ll feel like you are in cloud nine. Mahirap iexplain but when you are in that position, you’ll know. Bakit wala naman akong ganoon na nararamdaman kapag tumitingin ako kay Eric?
A particular guy caught my attention. Sa pagkakaintindi ko at base na rin sa suot na uniporme ay kagrupo ito nina Eric. Nakalagay sa jersey niya ang apelyido na Narvaez and there’s a big 08 number on it.
I don’t know kung anong nangyayari sa akin pero para bang simula nang mapatingin ako sa kanya, my eyes are always searching for him. Its as if the only person I can see is that man alone. Then my father’s words echoed in my head.
How when you like someone your heart will start to beat so fast as if you are being chased. There’s a tingling sensation in your belly as if there’s butterflies in it. What the hell is wrong with me?
Natapos ang game na lamang sa score ang team ni Eric. Halos hindi na namin matanaw ang team nila sa dami ng lumapit para i-congratulate. Masaya ang crowd sa naging resulta at halos hindi na kami magkarinigan.
Akala ko ay aalis na kami pero bigla na lang akong hinigit ni Sheena. I look at her, confused but she only grin on me as if she has a plan under her sleeves. Masama ang kutob ko dito.
“Tara dali Aurie, i-congratulate natin sila bago tayo umalis.”
“Ha? Saglit lang Sheena nababaliw ka na ba? Huwag na nakakahiya,” eksaherada kong sagot. Ayokong lumapit sa kanila! Iniisip ko pa lang na lalapit kami sa team nina Eric at makikita ko sa malapit iyong Narvaez pakiramdam ko ay mahihimatay ako.
Sheena thought I was nervous because of Eric so I was surprised when she hugged me.
“Girl kalma ok? Isipin mo na lang after nito hindi ka na kasali sa single ladies club. Trust me on this ok?”
Bago pa man ako makapagreact we are already in the middle of the crowd at palapit na sa grupo nina Eric. Gusto ko na lang lamunin ng lupa sa kahihiyan.
I was so awkward when we already reached the boys. Si Sheena lang yata ang umiimik dahil may kilala siya sa team. Mukha lang akong estatwa na kapag kinakausap ay saka lang iimik. That’s how unsociable am I na hindi maunawaan ng kaibigan ko.
“Hi Eric, congrats nga pala,” kaswal na pahayag ni Sheena , wow close?
Abala si Eric sa pakikipag-usap sa iilang cheerleader. Balita ko ay may nililigawan daw ito sa isa sa mga iyon. It might be the leader because honestly she’s so pretty and talented. Hindi na katakataka if someone like Eric will pursue her.
Lumingon siya sa amin ng siniko ng isang barkada. Ako naman ay abala sa paghahanap kay no. 8. Yes I’m shamelessly looking for that unknown guy kaya hindi ko napansin na nasa tapat ko na pala si Eric at nakalahad na ang kamay nito sa harapan ko.
“I’m Eric, you are?”
Siniko ako ni Sheena, “Bakla yung prince charming mo kinakausap ka,” bulong niya.
Naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko hindi dahil kinikilig ako kung di dahil nakakahiya na nag space out ako. I reluctantly accepted his hand.
“I’m Aurelia, but you can call me Aurie na lang for short.”
Mas lalong naging awkward ang lahat ng katyawan kami ng barkada nila. This is so embarrassing.
I don’t know pero bakit parang hindi naman ako kinilig? This was so far from what I expected. Di ba crush ko siya so dapat nag flutter yung heart ko. All I felt is disappointment kasi wala naman dito yung hinahanap ko.
Guess I don’t really like Eric. Baka inassume ko lang na crush ko because of my best friend.
“Thanks for watching our game, sana nag-enjoy kayo.”
“Ah, yes ang galing niyo nga kanina.” I smiled pero deep inside gusto ko na umuwi. I looked at my best friend to ask for some help mabuti na lang at nakuha niya iyon kaya siya na ang nakipag-usap kay Eric dahilan para mawala sa akin ang atensyon nito.
Sana pati iyong kamay niya lubayan na rin ang kamay ko.
In my peripheral vision I finally saw the person I wanted to see. It's just that I did not expect to feel this sad? Nakikipag usap kasi siya sa isang babae, she was so pretty and she was being intimate with him.
That was the first time I felt my heart break into pieces.