Chapter 15

4039 Words
Flashback Hindi ko makakalimutan ang araw na iyon, when we were suddenly invited to an event. Papa has a lot of friends and some of them are well off kaya palagi kaming naiimbitahan sa mga event na ginagawa nila. I'm done preparing for the birthday party, isa na lang ang kulang ang maganda kong mood dahil sabi ni Manang dahil para raw akong aattend ng burol sa itsura ko idagdag pa na nakablack outfit ako. Wala naman akong pakialam kung iyon rin ang isipin ng mga taong makakakita saakin. It's not like they did not expect the worst from me. Nakaupo ako sa kama at hindi pa rin mapakali. Unfortunately, birthday ni Garren ang pupuntahan namin. I have no idea about his family but I know that he is damn rich like his cousin. Hindi naman ako natatakot kay Garren it's not like I bully him or whatever but I can't help myself but to feel nervous para mamaya. Might be because of all people si Garren lang ang kayang mang-intimidate saakin. Maybe its because of his refreshing aura? And the way he magnets people. I usually don't care about the people around me because it's either they will find something wrong with me or just justify how bad my attitude is. Kapag naman may nakakabangga ako at umaattend ako sa party nila wala naman akong nararamdamang ganito. Ganon kakapal ang mukha ko. But when it comes to him my confidence is dropping. I become hesitant which is not so me. It's like he has the aura of authority in him. Ok, stop with auras. I need to fix myself hindi ito maaari. I slap face gently para lang mahimasmasan. That guy will never intimidate me. Birthday man niya ito still I shouldn't let him affect me in every possible way. Bumukas ang pinto ng kwarto ko at sumilip si Manang na busy sa pag-aayos ng mga damit at accessories na pinagpilian namin kanina to match my dress and make up. May mga sapatos rin na nakakalat sa carpet kaya mabilis ang kilos niya sa pag-aayos. "Hija, baba ka na daw sabi ng Mommy niyo." sabi ni Manang na hindi na nagawa pang pumasok, baka may iuutos pa sa kanya si Mommy. "Thank you po Manang," I said politely. Tama, iiwas ako atsaka maaga naman akong aalis sa event. After we greet their family for formalities ay aalis agad ako iyon lang naman ang dahilan kung bakit ako isasama. And also the fact that my father wants to expose me to this kind of crowd. Gusto niya akong masanay pero hindi niya man lang ako tinatanong kung gusto ko ba ang atensyon mula sa ibang tao. The only purpose of my existence in this family, it's kind of making me sick. Pero kapag nararamdaman ko ang ganitong pakiramdam iniisip ko na utang na loob ko sa kanila kung ano man ang natatamasa ko. They have all the right to dictate how my life would turn out. The only thing that I'm allowed to do is to accept it. Choice is not a privilege for me. Lumabas ako ng kwarto ko at tumungo sa sala kung saan naghihintay sina Mommy. Bumungad saakin sina Mommy na nag-aayos pa rin kahit papaalis na kami. Hinanap ko si Papa at nasa di kalayuan ito hawak ang cellphone, mukhang may kinakausap. Abala ang ibang kasama namin sa bahay hindi magkamayaw kung anong gagawin dahil nagpapanik sa pagmamadali ni Mommy. That's how paranoid she is na mukhang na-adapt ko na rin. "Thank God you're done. Manang tell the driver to get ready na baka malate pa kami." Nagmamadaling umalis si Manang. Ng makababa ako ng tuluyan pinakatitigan akong maigi ni Mommy. She's looking for something na maaaring mapansin saakin na pwedeng gawing pamintas kung sakali. Gusto ko sanang umirap but I reminded myself to not even attempt to breath wrong in front of her because the consequence will be terrible. Halos makahinga ako ng maluwag when she nodded in satisfaction. "I need you to stay by my side mamaya ok? Don't even think of going out early," she warns while still fixing her dress. Napamulagat ako sa sinabi niya. "Pero Mommy may k-kailangan akong gawin sa school," Sabi ko, trying my luck if she will somehow take my excuse but to my dismay she only look at me with annoyance. A sign that any complaint will not be entertained kaya hindi na ako umalma pa. I sighed in disappointment. But my determination to avoid that guy will not be hindered. Maybe? We ride our family car silently. Parehas kami ni Mommy na nakablack ang suot si Papa naman ay simpleng tuxedo pero maayos namang nakasalansan ang buhok niya. Mas lalo siyang nagmukhang strikto at nakakatakot. When he saw me, biglang lumiwanag ang kanyang mukha. I can't help but to mirror his smiles. Papa never failed to make me feel special, he always appreciates me no matter what compare to my Mama. Ayos lang sanay na naman ako. I look at the moving city lights and admire its beauty. We don't converse much, mostly kami lang pala ni Papa. Kahit pa may pupuntahan kami hawak pa rin ni Mama ang phone niya at may katawagan. It's clear that she's still occupied by her work. Sinalubong kami ng valet na siyang kumuha ng sasakyan namin. Gaya ng inaasahan ang daming bisita ang dumalo. Mommy composed herself kaya mas lalo tuloy siyang nagmukhang intimidating. Nakahawak siya sa braso ni Papa at ako naman ay nasa likod nila. May mga ilan silang binati at kagaya nila ganun rin ang ginawa ko. Ngitian dito ngitian doon, kumustahan dito kumustahan doon ganoon kang umikot ang ilang minuto namin. Gusto ko ng magreklamo dahil napapagod na akong ngumiti. Can't we just meet the at umuwi pag tapos? Akala ko magtatagal pa kaming kausap ang mga Cruz isa sa mga kaibigan ni Papa na imbitado din. Thank God at umagwat na ang dalawa kaya tuluyan na nga kaming nakalapit sa mga Castellano. Bumalik na naman ang kaba ko kanina. Bakit ba ako kinakabahan, it's not like inapi ko siya noon samantalang siya naman ang nauna. No offense but I don't see anything wrong sa kung papaano ko siya trinato given how rude his behaviour was. But he's not as rude as me. Damn can't believe I'm actually arguing with my inner self just to justify my rude behavior towards him. Nasa unahan ko sina Mommy at Papa, gusto ko silang hilahin paalis. The business deal can be damned for all I care I just want my peace at iyon ay makauwi na sa bahay namin. Pero sino ba naman ang niloloko ko diba. The Castellano are greeting the guests at kasama na roon si Garren, tahimik at mapagmasid. Noong tuluyan na kaming napansin ng mag-ama para na akong mahihimatay sa kaba mas dumoble pa ng tumingin ito saakin. Wala naman akong makikita ng kahit anong bahid ng pang-iinsulto sa mukha niya. Maybe that's a good sign I guess? Hindi niya naman siguro ako I ibubuko sa mga magulang ko para ipahiya at makaganti. Sinaway niya pa nga ako noong inaaway ko iyong dalawang student so he's most likely not going to act that way. "Happy birthday hijo." Si Papa ang unang bumati. Nakipagkamayan din siya sa Papa ni Garren. Si Mommy naman ay parang naestatwa sa kanyang kinatatayuan. Its as if she saw a ghost. Kumunot ang noon ko sa pagtataka. Magkakilala ba si Mama at Papa ni Garren, bakit parang wala naman rekasyon ang Papa ni Garren? Weird. Noong ako na ang babati bago ako tumingin sa kanya nakipagkamayan muna ako sa Papa niya. Mukhang mabait si Mr. Castellano palagi pa itong nakangiti kaya kahit na papaano gumaan ang loob ko. He even interviewed me a little bit. Nakakatuwa siyang kausap dahil kahit hindi kami close, aakalain mong matagal na kaming magkakilala, ganoon siya kagaling makisalamuha. Bigla tuloy akong naguilty sa pang-aaway kay Garren. Hindi ko naman sinasadya pero aksidente ko siyang nasungitan sa school. Paano ba naman kasi, ang lalakas ng boses ng mga fan girls niya. Nakakaistorbo sila kaya ako na ang gumawa ng paraan para patahimikan sila. Sa huli napagbuntunan ko pa siya. After the small conversation between his father and I siya naman ang nilapitan ko. Nag-umpisa ng mag-usap sina Papa kaya ako at si Garren na lang ang magkaharap. "Happy birthday," I said. I tried to be calmed as possible as I can. "Are you that angry at me to greet me with disdain in your face? Pero salamat." Nag-init ang mga pisngi ko sa sinabi niya. Akala ko mabait! Napahiya ako at hindi makaimik para ipagtanggol ang sarili. Is this karma? "I'm not angry I'm just tired that's all." Although he's trying his best to look calm hindi nakalagpas sa mga mata ko ang bahgyang pagtawa niya. Is he making fun of me? Kung hindi ko lang kasama ang parents ko hindi ako mananahimik ng ganito. I saw my Mom look at me, kinabahan ako dahil baka narinig niya ang usapan namin ni Garren. Baka isipin niya nanggugulo ako rito. "Sige, kunwari totoo." Sinamaan ko ng tingin si Garren. Porke hindi ako lumalaban talagang. As much as I want to argue with him and to defend myself I tried my best to stop from saying anything. Since its his birthday the least that I could for now is to tolerate his presence until this event is done. "Why are you not talking? Kapag sa school ang dami mong sinasabi sakin. Our parents would be very busy at mabobored ka lang lalo." Parang hindi ako inilalag lag kanina ah! He casually said it but to make sure that he's not mocking me or something I look at him only to be surprise that he's also looking at me eagerly. Dahil sa sama ng loob ko ngayon ko lang napansin ang ayos ni Garren. He's wearing a simple pair of tuxedo yet he as able to make it expensive. Yes I will not argue that he's good looking. Wala naman akong nakikitang kahit anong bahid na pang-aasar o kung ano pa man sa mukha niya. I was amaze for a second but I whisk the idea away. This is not me. "I-it's fine. Sanay naman ako." Hindi ako sanay sa ganito. Pakiramdam ko May nagawa akong mali kaya kailangan kong magpakabait. Idagdag pa napasulyap sulyap si Mama saakin. "Ok then. Gusto mong kumain muna? If its ok with you?" Napalunok ako ng makitang nakamasid na naman si Mommy. It's as if she's waiting for me to make a wrong move para mapagalitan. Seriously, what's with her? Pati ba naman dito mag-aaway kami? Kaya kahit ayaw ko sumama ako kay Garren. If anyone of our acquaintance that knows me will probably raise their eye brows with the site of me but for now I don't care about their stupid opinions. I let Garren escort me away from our parents. Luckily hindi na tumitingin saakin si Mommy which is a big relief in my part. Once Garren releases me saka lang ako nakabawi. "Thanks for doing that," I said baka lang kasi isipin niya na wala akong utang na loob. And when did I start caring about other people's opinion about me? "No need. So do you want a drink?" I nodded without saying anything. I watched his tall frame go near the buffet table to the drinks. Ang weird na sinasakyan ko ang trip ng lalaking ito but then as if a miracle, I found his company comfortable. It's as if we're in a ceasefire in that moment. I wake up early despite not having enough sleep. Hindi talaga ako dinalaw ng antok kagabi. I just stare at the ceiling hanggang sa abutin ako ng madaling araw, I even tried counting sheeps to kill time but sleep does not want to visit me. Nagrereplay sa utak ko iyong nangyari sa birthday ni Garren kahapon. It doesn't feels right or wrong. Nabobother ako kasi paano nangyari iyon? Hindi ako makapaniwala hanggang ngayon na hinayaan ko siyang samahan ako habang nag-uusap ang mga magulang namin. I even let him escort me as if we are so close to each other. Na parang hindi ko siya halos isumpa sa kayabangan at pamamahiya na ginawa niya saakin noon. But then again he save me from that misery so somehow ayoko mang aminin pero kahit na paaano may utang ako sa kanya. Being nice is not on my list and it's funny that I'm even considering it just so I could pay him back. It's not like he save me from getting killed or whatever life threatening situation. And I felt grateful for that time pero hindi ko naman iyon sasabihin was kanya. Nagtungo na akong banyo para makapaghanda. Mabilis lang ang naging preparasyon ko dahil bukod sa puyat ako at lutang wala na rin akong panahon pa para magtagal sa bahay. Tiyak kasi na uusisain ako ni Mommy sa nangyari at iyon ang pinakahuling bagay na gusto kong sumalubong saakin sa araw na ito. I wore a mint green dress with floral design and has puffy sleeves I pair it with white rubber shoes. Hinayaan kong nakalugay ang mahaba kong buhok pero may dala naman akong scrunchies para mamaya. I'm silently praying to not see Mommy although napakaimposible noon dahil kung aalis man siya tiyak na late iyon. Umagang umaga mukhang magigisa agad ako. Pagkatapos kong makababa tanaw ko kaagad sina Mommy at Papa at as usual tahimik lang ang dalawa. Si Mama na busy sa Ipad niya at si Papa naman na nagbabasa ng draryo. Nagdadalawang isip ako kung lalapit o magdadahilan na lang na kailangan pumasok ng maaga but when my mother lifted her head and look at me straight in the eyes with her serious face nawala na parang bula ang plano ko. That's her effect on me. Kaya niya akong pakabahin sa pamamagitan lang ng mga tingin niya. I gulped several times bago nakalapit sa lamesa at umupo. Sa kasalungat na pwesto ako umupo sa kanan ni Papa si Mommy naman ay nasa kaliwa. "How's school?" She asked briefly. Si Papa naman ay walang pakialam at patuloy lang sa pagbabasa ng draryo niya. Hindi na dapat ako nadidismaya na iyon lang ang concern niya sa akin pero hindi ko pa rin maiwasan. "Ok naman po." "Mabuti but make sure that you are not slacking off. you know how I have incompetencies in this household right? Anyway, kamusta naman ang naging usapan niyo ng anak ni Castellano? Are you close with him?" Her voice is full of curiosity pati ang paraan ng pagtingin nito. Wala naman akong tinatago pero ang kabog ng dibdib ko daig ko pa ang may ninakaw. "We are not that close, he just ask me if I like to join him and I oblige as a way of respect since he's my senior." I tried my best to explain my answer as brief as possible. Less talk less mistake. Ayoko kapag nakukuryoso siya ng ganito. Pakiradam ko may pinaplano siya. Hindi man kasali si Mommy sa pagmamanage ng company ni Daddy hindi iyon nakakahadlang sa kanya para makialam. "Don't get too close with him, it will only distract you from school. Dapat alam mo na ang mga bagay na ganoon." "Yes po." Hindi na ako sumagot pa ng mahaba at sumangayon na lang. That's the best thing to do kahit hindi talaga ako payag sa gusto niya. Mabuti na lang at hindi na siya nagtanong pa kaya kahit papaano nagawa ko namang ubusin ang pagkain ko. Mabilis lang ang naging byahe papuntang school or should I say I'm too preoccupied to notice the time. Lumilipad lang ang utak ko buong byahe. Hanggang alas-dos lang ako ng hapon sa school, mayroon akong tatlong subject na aattendan at halos minor naman. Habang naglalakad ako sa hallway natanaw ko kaagad si Garren. May kausap ito pero nakatalikod saakin pero may ideya na kaagad ako kung sino. Close nga pala sila nung Lily or Lilian Grace Cortez sa pagkakatanda ko. Parang narinig ni Garren ang pagismid ko dahil nagangat ito ng tingin dahilan para magtama ang mga mata namin. There's no expression in his eyes, he's just looking straight at me. Sabagay wala naman dapat kakaiba hindi ba? Hindi naman kami close so why am I expecting something from him? Sana ganoon din ang iniisip ni Mommy kaysa pilitin akong makipaglapit sa lalaki. Tama that's the only reason why I'm getting bothered by him hindi ibang dahilan! Panay ang salita ni Lily sa tingin ko pero hindi niya yata napapansin na nasa akin ang atenyon ng kausap niya. My devil self is secretly laughing because of that but of course ako lang ang nakakaalam noon. Tinaasan ko ng kilay si Garren, nagulat ako na imbis na simangutan ako iba ang ginawa niya. May sinabi siya kay Lily parang nagpaalam ito at mabilis na naglakad papunta sa direksyon ko. Hindi ko nakita ang reaksyon ni Lily pero may palagay akong hindi ito natuwa sa nangyari but that's the least of my concern because as of this moment my insides are in chaos. Bigla akong naconcious sa sarili at ang mga binti ko nanlalambot. What the hell? Habang papalapit siya saakin siyang bilis naman ng t***k ng puso ko pero ginawa ko ang lahat para hindi niya iyon mahalata. "Ayos ka lang? Bakit parang masama yata ang pakiramdam mo?" Iyon kaagad ang salubong niya sakin pero hindi iyon ang ikinabigla ko kung hindi ang pagdama niya sa noo ko. It's just seconds but my body's reaction to his touch is like I was on fire. "What gives you the right to touch me? Hindi porke't hinayaan kitang isama ako sayo close na tayo." Tinampal ko ang kamay niya sa noo ko na parang mainit na bagay. I think he was offended with my gesture pero saglit ko lang nakita iyon sa mga mata niya. I know my voice quivers pero kailangan ko pa ring panindigan na hindi ako natuwa sa ginawa niya not that tuwang-tuwa ako dahil bakit ko naman gagawin iyon? Sinabi kong magiging mabait na ako sa kanya kahit na papaano but I never thought na ganito pala iyon kahirap. Nakakairita na imbis na layuan niya ako parang wala lang siyang narinig dahil tuloy pa rin ito sa pagmamasid saakin. It's as if he doesn't give a f*ck na magattitude ako sa kanya kasi walang makakapigil sa gusto niya. Na parang may pakialam siya saakin at concern. Ok I shouldn't think of that because that was absurd at tunog feelingera ako doon. Bakit naman niya mararamdaman saakin ang bagay na iyon? Napakasama ng unang pagkikita namin at ang mga sumunod pa maliban na lang sa kahapon but then again that is not enough reason para maging mabait siya bigla saakin. I'm so used to people being rude at me that's why I'm just reciprocating the deed because that's how I was thought off. Pero si Garren hindi niya ginawa iyon. Bagamat sinasaway niya ako hindi ko naman narinig sa kanya ang mga pang-iinsulto. He just correct me and act upon his instinct of doing the right thing without being biased dahil alam naman lahat halos at baka rin siya kung gaano kasama ang tingin saakin ng mga tao. Thinking of him na ganoon rin ang tingin saakin parang sumikip ang puso ko. I felt like people hating me is fine as long as its not Raiden. I brush the thought off. "Saan next class mo? Baka parehas tayo ng floor pwede na tayong magsabay." He said. Natawa ako sa sinabi niya. Hindi makapaniwala na pinaninindigan talaga ang pag-arte. Some part of me believes that he does cares but the latter is telling me otherwise. Baka hindi kaya ng ego niya na hayaan ang isang kagaya ko na binabastos lang siya. O baka kagaya ko sinabihan rin siya ng tatay niya ipakita saakin kung sino talaga ang mas superior dahil at the end of the day their business if ever they will choose us will greatly help the company of my father. Ayos din. Uminit ang ulo ko sa mga naiisip. I think it is impossible for me to be kind. "Can you please stop acting like you care Mr. Castellano. I'm not sick but maybe yes and that's because of people like you. I'm not naive ok? I know you have intention kaya mo ito ginagawa kaya uunahan na kita. Wala kang mapapala." Wala na akong pakialam kung makaabot man kay Mommy ang ginawa ko at maparusahan. Gagawin ko lahat ng utos niya maliban dito. Nawala na ang kalmadong ekspresyon sa mukha ni Garren. Akala ko magagalit na siya the bitchy Kali is happy because she won pero nagseryoso lamang ito at pinakatitigan ako ng maigi. Tinitignan niya ako sa paraan na hindi ko kinakaya. "I'm not acting Ms. Itong pinakikita ko sayo totoo lahat. Totoong concern ako kaya itigil mo na ang pag-isip na lahat ng tao na lumalapit sayo gusto kang saktan o gawan ng masama. There are still people like me who care and wants to be your friend." "Paano mo naman nasabi? Have you ever tried putting yourself on my shoes? Or you are just assuming things?" "I think you already know the answer." And then there I saw it, the vulnerability. Kung sa mata ng mga taong wala sa posisyon namin na napakaswerte namin hindi iyon totoo. Lahat kami rito parang mga puppet ng mga magulang namin. We don't have the right to complain or choose a different path because they make us feel like we owe them something. And we should be giving back. They didn't know that every time we make appearance for them we are breaking into tiny pieces thinking that this will be our lives once we finish studying. Happiness is not about the riches, popularity, and luxuries but it is doing what our hearts desires. The passion which solely made by own decision and not of our parents. Hiya at guilt iyan agad ang naramdaman ko. My anger is not just for hurting him but to myself also because I felt so pathetic. Sa kagustuhan kong panindigan ang pagiging masama nakakaimutan ko na kung sino talaga ako. Ang totoong ako. Among those people he is the only one who saw through me. That behind those luxurious clothes and the elegance is a sad soul. "Alam kong ayaw mong maniwala pero ayos lang." Sumasakit ang puso ko I suddenly want to cry because somehow he was able to hit a spot in me. A spot where I don't let anyone see because its a weakness and a person like me is not allowed to have. Nakaramdam ako ng lungkot dahil ramdam ko ang sinseridad sa boses niya at lungkot kaya lang hindi kasi ako sanay na may ganitong tao. I just know that in this world I need to be the predator and not the prey. I need to be cruel to be respected but this guy is telling me otherwise. Sinisira niya ang paniniwala ko. He held my hand which I didn't expected. Akala ko aalis na siya iiwan ako because I'm rude and just like what other people say, I deserve the misery. Pero noong tumingin ako sa mga mata niya doon ko lang mas nakita kung gaano sya kadeterminadong baguhin ang tingin ko sa mundo. This side of him, I felt like I'm the only person that he let me see, the real him. And I'm honored and also ashamed at the same time. "Because I'm a patient type of person and I'm determined to prove that to you." "Hindi ko rin alam kung bakit ko ito ginagawa pero ang makita ang mga mata mong walang emosyon, I don't want to see that anymore." We are so fed up with our conversation na nakaligtaan ko na nasa hallway pa kami. Thank god at wala namang estudyante na nagagawi rito. I heaved a heavy sigh. For the first time I lower my guard down and smiled genuinely. Mukhang nagulat siya sa ginawa ko kaya bago pa niya ako paulanan ng mga tanong ay iniwan ko na siya roon. Dahil sa nangyari parang umaliwalas ang pakiramdam ko. I never felt so free like this and that is thanks to him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD