Chapter 16

2575 Words
Natapos ang tatlo kong klase na gulong gulo ang isip ko. Kahit nakapagnotes naman ako hindi ko alam kung tama ba ang mga pinagsusulat ko or maybe I scribbled what I'm thinking that moment? Hindi mawala-wala sa isip ko ang mga sinabi ni Garren. Nakakatawa dahil hindi naman kami malapit pero nagawa niya akong kumbinsihin ng ganoon kadali. This is the first time na may taong nagpakita ng interes saakin hindi para insultuhin ako o makipaglapit para sa pansariling hangarin. Natatakot akong aminin pero wala akong nakitang kahit katiting na pagbibiro kay Raiden. He's sincere and I give him that one. It's as if he's deeply sadden with my situation. Normally I hate being pitied because its a weakness but Garren made me feel understood just for that moment, on his birthday and now. I'm walking now in the pathway at patungo iyon sa parking area ng school. Wala naman akong pupuntahan at ayoko na munang mapagalitan. Natigil ako sa paglalakad ng tumunog ang phone ko. Kumunot ang noo ko, hindi ako tinetext ni Mommy she calls when needs me. Kumabog ng malakas ang dibdib ko ng makita ang pangalan ng message sender. Si Sheen. Nagmadali kaagad akong maglakad papuntang kotse namin na mukhang kanina pa ako hinihintay. I'm excited because I've been wanting to see him kaya lang hindi magtagpo ang schedule namin. Kung available ako, siya naman ang hindi. Sa isang coffee shop kami nagkita ni Sheen tinext niya saakin ang eksaktong location which is just near the school. Pagkarating ko sa coffe shop na sinabi ni Sheen natanaw ko kaagad siya na nakaupo na. Huminga muna ako ng malalim At ngumiti, he looks so fine. Hindi pa rin nagbabago, he still has his clean cut hair and his simple style na white polo na long sleeves his signature look. Sheen Marko Asunción is my violin teacher's son. Maliit pa lang kami kilala na namin ang isa't isa and I have a crush on him hanggang ngayon. I'm honest with my feelings with him. He already knows that. I don't know if he also has some feelings for me kaya lang whenever I felt like he's doing something to makes my heart flutter bigla na lang siyang lumalayo. As if there's something that keeps him from acting upon his feelings. Ayoko mag-assume pero binibigyan niya naman ako ng dahilan para umasa. Mabait si Sheen at alam kong hindi niya ako sasaktan. We've been friends for the long time and its not in his nature to hurt people. Hindi lang talaga siya magaling magexpress ng sariling emosyon dahilan kung bakit sa music niya iyon pinadadaan. But what can I do? Wala naman akong magagawa kung ayaw niya saakin. Or if he's hesitant with his feelings I can't just harass him to like me back. He smiled sweetly when he saw me approaching. "Kanina ka pa ba? I'm sorry ngayon lang ako nakarating galing kasi akong school. Katatapos lang ng class ko." "It's fine. Order muna tayo?" He asked pero may palagay na ako na nakaorder na siya. Alam niya na naman kasi kung ano ang gusto ko. "Bakit mo nga pala ako inimbita? Akala ko busy ka?" "Yes. Sorry about that. Hindi na rin ako nakakapunta sa klase ni Mama para tumulong. I was about to go with her last class but something happened kaya napostponed na naman. Mabuti pala hindi ka busy. Medyo nag-aalangan ako kung makakapunta ka." He smiled pero may guilt naman doon. "Ok lang naman. Kailan ba ang balik mo sa US? sabi mo ipapasyal mo pa ako. Nakakatampo ha." Although I like him hindi ko talaga magawang mahiya na magparinig sa kanya. Ang manhid rin kasi minsan. Kung hindi lang nakakahiya baka ako na ang nanligaw sa kanya. My step-mother will surely kill me when that happens. Ngumisi lang si Sheen sa sinabi ko. Nakakatuwa talaga kapag tumatawa siya lumalabas kasi yung dimple niya sa pisngi. Dumating ang order namin kinuha ko kaagad ang frappe na inorder niya saakin at ganun rin naman siya. Hindi gaano karami ang tao sa coffee shop at halos mga estudyante lang rin ang naririto. I'm trying to distract myself because I can feel his intense gaze at me. I usually think of a topic kapag nalalagay sa ganitong sitwasyon pero ngayon hindi ko magawa. Kahit pansamantalang nawala sa isip ko yung nangyari kanina bigla ko na naman tuloy naalala. I shouldn't be thinking him, pakiramdam ko tuloy para akong nagtataksil kay Sheen. "I'm going back to States." Nabigla ako sa sinabi ni Sheen. Tumingin ako sa kanya at napakaseryoso na ng mukha nito. Kapag nagseseryoso ng ganito si Sheen hindi ko mapigilang hindi kabahan. This part of him remains a mistery to me. Siguro nasanay lang ako na palaging mabait at nakangiting Sheen ang nakakasalamuha ko. Kahit matagal na kaming magkakilala pakiramdam ko marami pa rin akong hindi alam sa kanya. "Pinapabalik ka na ba ng Daddy mo?" Ayaw ni Sheen na pumupunta ng States. Hiwalay ang parents niya at dahil joint custody ang ayos ng mga magulang niya sa kanya wala siyang choice kundi pumunta doon. He nodded. Malungkot siyang tumingin saakin at kumirot ang puso ko dahil doon. Kagaya ko wala rin siyang choice. Nagulat ako ng hawakan bigla ni Sheen ang kamay ko. It was unexpected of him since he's not showy when it comes to his feelings. I cant help but to compare him to Garren. Hope blossomed in my heart because of his sudden gesture. "Promise me you'll wait for me to come back? This time I'll ask Papa to let me stay here in the Philippines for good. Matagal ko na siyang kinukulit tungkol doon pero baka papayag na siya dahil kinausap na siya ni Mama." May desperasyon sa mga mata niya at parang nagmamakaawa iyon. I hold his hand, I caress it gently. I know even if I don't say it that he already know my answer. Palagi naman akong naghihintay. Hindi ko nga lang alam kung hanggang kailan. Baka kasi sa paghihintay ko dumating iyong punto na naghihintay na lang ako sa wala. Hindi na nagsalita ulit si Sheen. My heart sank, akala ko may iba pa siyang sasabihin. I hate myself for hoping that my feelings will be reciprocated. Para akong desperada sa pagmamahal but maybe that's really what I wanted, what I longed and missed. Sadly I alway ended up asking for the wrong people. But honestly, he never gives me an assurance to hold on to kaya bakit nga ba ako aasa? It's not his fault na iba ang iniisip ko sa iniisip niya. Na namisinterpret ko na naman ang ginagawa niya. Nag usap pa kami ng ilang minuto ni Sheen bago ako nagpaalam sa kanya. Hinatid niya ako sa sasakyan namin, siya na rin ang nagbukas ng pinto para saakin. Nakaupo na ako sa sasakyan ng mapansin kong hindi pa rin bumibitaw si Sheen sa pinto. Parang may gusto siyang sabihin dahil nakikita ko iyon sa paraan ng pagkilos niya. Hindi siya mapakali. O baka ilusyon ko lang dahil ngumiti ito saakin bago tuluyang sinara ang pinto ng kotse. Pagkarating sa bahay bumaba kaagad ako. Wala naman akong ginawa pero pagod na pagod ang pakiradam ko. Maybe I'm exhausted to all the things that happen for today. Si Garren pati ang pag-alis ni Sheen sa bansa. They are just too much to handle for me. Mabuti na lang maagang natapos ang klase sa araw na ito kaya mananaili na lang ko sa kwarto hanggang maggabi. Buong akala ko wala ng dadagdag pa sa alalahanin ko pero mukhang hindi yata dapat akong nagsalita ng tapos. Naabutan ko sa sala si Mommy kasama ang mga kaibigan nito. May tsaa ang bawat isa sa kanila at mukhang may pinaguusapan. Dahil madadaanan ko ang sala para makapunta sa hagdan papuntang kwarto narinig ko ang pinag-usapan nila. "Bilib rin ako dyan sa anak-anakan mo, she's so talented and intelligent. Sana ganyan rin ang anak ko, she only knows how to ask money at makipagbarkada." I know that whenever she bring her friends in the house ay mga ganitong bagay ang pinag-usapan nila. Kung hindi nagpapayabangan ng mga anak ay nagpaplastikan. But they like it when people think they are so close with each other. Wala naman akong balak makinig sa usapan nila dahil may plano na akong gawin kung papaano uubusin ang oras ko. But the sudden mention of my name halts me in my attempt to go to my room. "At least kahit na papaano naging makabuluhan naman ang pagkuha niyo sa kanya. You just save the girl's life imagine if you didn't adopt her baka hindi iyan naging ganyan." Naestatwa ako sa kinatatayuan. My heart is beating so fast because the mention of my past does this to me. Kapag pinaguusapan ako ng mga tao at binabalikan nila ang nakaraan ko pakiramdam ko nasusufocate ako. I'm not ashamed of my life back then in fact if I will be given a chance to choose between the two situation I will still and will always choose to be with my mother and be poor. Kaysa rito na araw-araw pasikip ng pasikip ang mundo ko. I will not trade a simple, humble and happy life for riches that will only make me miserable. Kung hindi lang nagkasakit si Mama baka hanggang ngayon masaya pa rin ako. Gusto kong sugudin sila pero dahil nasanay na lang ako na magtengang kawali sa tuwing may maririnig akong ganitong insulto pinipilit ko pa ring maging civil. Iniisip kong kahit nalagay ako sa ganitong sitwasyon hindi naman nila ako kagaya na nagpupumilit isiksik ang sarili sa grupo ng mga mayayaman na walang ibang ginawa kundi ang manghusga. That I'm better than them because what I've done or whatever talent I used to prove myself to this family are the fruit of my hardships and perseverance. Alam kong sampid lang ako sa bahay na ito at kahit papaano umaasa pa ring kahit katiting ay mararamdaman kong parte ako ng pamilyang ito. I wonder what it feels like to be defended from people like them. Na kahit hindi ko sariling kadugo si Mommy ay gagawin niya iyon saakin. Wala na akong pakialam kung dahil lang sa awa o dahil kailangan niyang umarte. But who am I kidding? That day will never come. No one will do that for me except for myself. So I refuse to become a damsel in distress. I will be my own kind of hero. Ayaw ng marinig ang mga usapan nila at insulto dumeretso na ulit ako sa kotse. Nagtataka ang driver kung bakit ako bumalik kaya sinabi ko na lang na may nakalimutan akong bilhin. Habang nasa biyahe samo't saring emosyon ang nararamdaman ko. Bakit kasi hindi ako maimmune immune kapag pinagsasalitaan ako ng ganoon. It always breaks my heart. But I don't have a choice. I don't also have the right to get angry dahil tama naman sila. Kung hindi dahil sa pamilyang ito baka nasa bahay ampunan ako ngayon. Kailan ba ako mabubuhay na hindi ko kailangan isipin na may utang na loob akong kailangang bayaran? Mayaman nga ako pero daig ko pa ang nangutang sa bangko ng milyones. Sa mall ako ibinaba ng driver. Dito ko na lang siguro uubusin ang oras ko kaysa sa bahay na 'yon. Otomatiko akong nagtungo sa Bookstore. Iyon lang talaga ang nakakapagpawala ng lungkot ko. Ayaw ni Mommy na nagbabasa ako ng mga fiction books pero ito lang yata iyong bagay na kaya kong ipaglaban kay Mommy. This is my escape mechanism. I browse the fiction section first. I turned my phone off para walang makakontak sa akin. Peace at last. My heavy heart is still aching but the site of books makes it feel happy. I have my lists of new titles and must-reads na napanood ko sa mga booktuber. I'm planning to buy 2 to 3 physical books at yung iba naman ay k****e ko na lang bibilhin because the last thing I want to see is for my books to get confiscated from me. I'm busy reading the synopsis of a book. I'm engrossed with the synopsis and if I will buy it or not, its a Colleen Hoover book kasi when I felt someone approach my side. By instinct I automatically stare at the stranger only to realize that he is not a stranger kung hindi si Raiden lang pala. Mukhang alam naman niya na ako ito pero hindi niya ako inistorbo sa ginagawa ko. He busied himself by browsing books na nasa shelf na pinagtitingnan ko. My eyebrows raise. "Nagbabasa ka rin ng romance?" I have no issue naman sa choice niya ng genre nakakamangha lang na hindi talaga tipikal ang lalaking ito. He's that kind of guy na hindi what you see is what you get. There's a depth in him that i surprisingly don't mind to know. Hindi gaya ko na bahagya ng maabot ang shelf siya naman ay halos kapantay niya lang iyon. He's that tall! Nahiya tuloy akong tumabi. "Hindi. Curious lang ako sa mga binabasa mo. Hopeless romantic ka pala?" May mga kinuha siyang libro na akala ko kukunin niya. Ibinalik niya iyon sa kinalalagyang shelf. I felt shy because of what he said. No one knows that I like reading books like that. Napipi lang ako sa tabi niya, hindi alam kung papaano dedepensahan ang sarili. Sabagay ano namang masama? And besides hindi naman yata siya iyong tipo ng tao na maninira ng iba. I hate to admit this but Raiden never give me the feeling of uneasiness. Maybe because of his personality. He seems very friendly and approachable. "A-ano bang pakialam mo? Tsaka bakit ka ba nandito? Ang luwag luwag ng bookstore tapos dito ka pa talaga napadpad." "Nakita kita kaya pumunta ako. Akala ko kaibigan na kita? Bakit nagsusungit ka pa rin?" "Anong magkaibigan? Ikaw lang kaya nagsabi noon bakit dinadamay mo ako? Bakit nagsumpaan tayo?" Tawang-tawa si Raiden saakin. Kahit pinandilatan ko na siya ng mata dahil may napapatingin na saaming mga namimili rin. Nakitawa na lang rin ako kahit awkward baka kasi sabihin ng mga tao nang-aaway na naman ako. Ako ang nahihiya sa ginagawa niya! "Nagbibiro lang naman ako! Pero nagawa ko naman ang goal ko." "Anong goal?" Hindi na siya tumatawa. Heto na naman iyong seryoso niyang ekspresyon na palagi akong pinakakaba. "To make you smile I guess." Wala akong masabi. Kabaliktaran naman noon ang nangyayari sa puso ko. It was beating so fast. I can also feel butterflies in my stomach which I always felt whenever I'm with Sheen. Parang nailang rin si Garren sa sinabi niya dahil nag-iwas na ito ng tingin. There's an awkward silence between the two of us. Nagkunwari na lang ako na naghahanap ng mabibiling libro kahit alam kong alam niya na ginawa ko lang iyon dahil sa hiya. Nanginginig ang mga kamay ko. Hindi ako sanay sa ganito kaya hindi ko alam kung papaano magrereact. "Gusto mong sumama saakin?" "Saan?" "Basta, kidnapin muna kita ha?" Ako naman ngayon ang natawa sa sinabi niya. He's now smiling at me at nawala na iyong awkwardness sa pagitan namin. "Sige nga kidnapin mo ako!" Ewan pero wala akong nararamdamang pagtutol sa mga nangyayari kagaya ngayon. I shouldn't accept his offer because I was suppose to hate him but remembering the reason why I'm in this place in the first place becomes my motivation. "Then your wish is my command." And with that I let Garren kidnap me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD