Present
Dinadama ko ang malamig na simoy ng hangin, magdadapit hapon na, isa ito sa mga hinihintay ko kagaya ng pagsikat ng araw. Kapg mag-aalasingko na ng hapon ay kaagad akong umuupo sa isang upuan na nasa teresa ng aking kwarto. Nakaharap iyon sa dalampasigan kaya naman bukod sa napakagandang paglubog ng araw ay nakikita at naririnig ko din ang banayad na hampas ng alon sa dalampasigan.
Ito ang buhay na pinapangarap kong matamasa pagkatapos kong tuparin ang mga pangarap ko, but because of that incident hindi ko na magawang mangarap pang maging mapayapa ang buhay. Sa tingin ko napakahirap ng magkaroon ng ganoon. For me it's a luxury to think those kind of things.
Hindi ko alam kung nasaan si Garren, pagkatapos niya akong bigyan ng pagkain ay hindi na ako nag-abala pang usisain ang mga bagay na may kinalaman sakanya kagaya na lamang na bakit siya narito, paano niya ako nahanap at bakit siya pumunta dito?
It's already past 10 a.m. yet hindi pa rin ako hinahanap nina Mommy. I don't mind, mas ok nga iyon. May nadiskubre ako habang naglalakad lakad dito sa amin, mayroon palang malapit na dagat dito sa farm! Wala man lang nagsabi sa akin...
Hindi pa masyadong mainit, unlike sa Manila na kapag mga ganitong oras ay ang sakit na sa balat ng sikat ng araw. Pumuwesto ako sa isang pahigang niyog, sa tapat lang nun hindi sa mismong niyos dahil baka malaglag pa ako kapag nagkataon.
I have a sarong in my bag kaya naman ginawa ko iyong sapin para maupuan ko.
I thought walang mga turista ngayon pero mayroon na akong nakikita na mangilan-ngilan, with their bikini's and swim wears. Saka na ako magsuwimming kapag nakapasok na kami sa kwarto.
Umupo ako sa sarong, I get my Tahere Mafi's book A very large expanse of sea. Tamang-tama sa view ko dahil Ocean ang pangalan ng bidang lalaki. Like this blue ocean in front of me, is the color of his eyes.
Nag-umpisa ako doon sa page kung nasaan na ako, I tried to read but I can't focus. Hindi naman maingay sa pwesto ko pero nadidistract ako sa mukha ni Caius sa hindi kalayuan. Siguro nung dumating kami ay nagsuswimming siya, ngayon kasi ay bumalik na ito sa ginagawa kanina.
Hindi ko naman siya masyadong nakikita dahil medyo malayo ako sa dagat kaya lang naaninag ko ang pag-ahon niya sa tubig matapos ang pag-langoy. Imbis na magbasa ng libro, sa kanya na napunta ang buong atensyon ko.
I find myself mesmerized with the sight of him, his disheveled hair na pilit niyang hinahawi para hindi matakpan ang mukha niya, that body worth drooling for. Why am I fantasizing this man? Ano bang nangyayari saakin?
Bakit imbis na ang librong ito ang bigyan ko ng pansin ay siya pa na wala namang ginagawang kakaiba kundi hawiin lang ang buhok na kumakalat sa mukha sa tuwing lumulublub siya sa tubig.
My heart skips a beat when he suddenly looks at my direction, malayo man ang pagitan namin sa isa't-isa, pakiramdam ko saakin siya nakatingin. I mean ako lang naman ang tao na naririto at hindi naman ako feelingera or whatsoever. I'm just telling what I see.
I gulp several times, ba't parang nauhaw ata ako?
Even though were far from each other, somehow, I think our eyes are connected. Hindi siya gumagalaw sa kinatatayuan niya sa sa dagat. High tide ata ngayon dahil umaabot sa dibdib niya ang hampas ng alon, still hindi noon naalis ang ipinupukol na tingin... kung saan man iyon.
Hindi ko maialis ang titig ko sa kanya. I suddenly forgot how irritated I am to him. Parang naging blur ang lahat and this moment... biglang ito na lang ang naging mahalaga.
The wind blows kaya naman nagulo ng bahagya ang buhok ko. I slowly fix my hair.
"Garren!"
A girl screamed his name at my back. Naestatwa ako dahil doon, what the hell? Did I just assume na saakin siya nakatingin? Suddenly, I'm back to reality. Iyong imagination ko kanina biglang naglaho.
Nakakahiya!
Hindi ko nakita ang mukha ng babae dahil tumakbo na ito sa dereksyon ni Garren before I've got the chance to examine her. In fairness she has the body. Maputi ito at haggang balikat ang straight na buhok.
I think kaedaran lang siya ni Garren because she looks mature... while me.
Tigilan mo nga ang pag-iimagine Kali! For pete sake, ngayon mo lang nakilala ang lalaking iyan. Don't expect him to be the guy in your imagination!
She's giggling habang papunta doon. Bitterness spread throughout my body. Sinabi na nga ba't huwag umasa, iyan tuloy, napahiya ako.
Nakakainis!
Akala ko huli na iyong pagkapahiya ko kanina, meron pa palang mas ilalala.
I didn't let myself watch those two kung ano mang gagawin nila. Why would I right? Hindi ko sila panonoorin sa paglalandian nilang dalawa.
Mabilis kong niligpit ang nakakalat na sarong pati na rin ang knapsack ko. geez if only I know that I would witness a scene like this, hindi na sana ako pumunta rito.
Naglakad na ako papuntang villa, kung saan kami tutuloy nina Mommy. I hope na tapos na silang mag-usap dahil gusto ko munang magpahinga.
I saw my mother sitting in one of the bamboo made couch habang masaya pa ring nakikipag-usap sa mga kaibigan. Gusto ko sanang lumapit para magpaalam na dederetso na ako sa kwarto pero I decided to not interrupt her. She's having a good time, who am I to ruin that?
Hindi ko makita si daddy pero wala na roon ang mga bags namin, probably naipasok na sa mga kwarto namin. Lumapit ako sa receptionist dahil wala naman akong ibang mapagtatanungan.
Mabait ang babae dahil panay ang ngiti nito. She gave me the key to my room at agad ko namang tinanggap, I say my thank you then proceed to my next destination.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ko ay kaagad akong nahiga. Ang sarap sa pakiramdam ng malambot ng kama. I like the ambiance of the room. It's all white with the touch of wood color. Ang cozy tignan ng buong kwarto and I'm starting to love it.
Naaamoy ko ang mabangong simoy ng hangin, this is what vacation feels like. Kung hindi ko lang sana nakita ang dalawang iyon ay maganda pa rin ang mood ko.
Dahil sa pagod dala ng biyahe ay nakatulog ako.
I can't believe what he did back there!
Hindi ako makapaniwala na ginaya ni Garren ang dahilan ko para lang makatakas kay Odette. How absurd in may sound but I hate what he did. Ewan ko pero naiinis ako.
Nakakairita na imbis na doon siya sumama ay nasa tabi ko siya habang naglalakad.
Tumigil ako sa paglalakad at iritadong hinarap si Garren na nakapameywang pa rin. He did not saw me when I stop walking kaya naman naunahan niya ako ng ilang hakbang. Ng marealize niyang wala na ang kasama sa paglalakad ay ibinaling niya ang tingin sa likod.
I raise my eyebrow when he started to walk in my direction, again.
"Bakit mo ba ako sinusundan, ha? Kanina ko pa kasing napapansin na kung saan ako pumunta ay doon ka rin." Alam kong may pagkamaldita ang dating ng tanong ko pero hindi ko talaga maiwasang hindi magsungit knowing na binubwisit niya lang ako.
Nagkibit balikta si Garren as if he didn't do anything wrong. Tinanggal nito ang mga kamay sa bulsa ng short atsaka inayos ang buhok na nagulo na naman ng malakas na ihip ng hangin.
"Wala kasi akong ibang mapuntahan kaya sumusunod ako sayo. Wala naman sigurong masama."
Oo wala ngang masama pero ayoko lang talagang kasama ka!
Gusto kong isigaw iyon sa mukha niya pero naalala ko iyong ginawa niya kanina. Sinabi niya kay Mommy kung nasaan ako kaya kahit na papaano naguilty akong umasta ng ganoon sa harap niya.
Kung hindi niya sinabi, baka nakatanggap na ako ng batok sa Mommy. Ang sakit pa naman noong mambatok, literal na nawawala ako sa wisyo pagkatapos! Nakakahiya naman kung dito pa ako gaganunin ni Mommy.
Huminga ako ng malalim, if I will not compose myself, I will surely say rude things towards him.
Hahayaan ko na lang sa kung anong gusto niyang gawin. Bahala siya!
Walang imik akong naglakad, tama nga naman kasi siya walang masama, ako lang talaga ang nag-iisip na may malisya. Teka, saan ko ba napupulot ang mga naiisip ko?
Anyway, I continue my sightseeing with the surroundings. Para ngang may nagbago, huling punta ko rito wala pang gaanong dekorasyon pero siguro dail marami ng turista ang nagbabaksyon rito ay dumami na.
Umaasenso na talaga ang resort!
I wonder how many of this are theirs, o baka naman may iba pa silang negosyo at ilan lang ito sa pag-aari nila?
Napapansin ko may mga kababaihan na panaka-nakang nagnanakaw ng tingin sa kanya. Hindi naman siya topless but his looks is more than enough to get the attention of the girls in here.
They are swooning at him, there's no doubt with that at hindi sila nahihiya na lantaran ang ginagawa!
Hindi pa rin ako nagpapalit ng damit pero parang biglang gusto kong magswimming kahit mainit?
Ok namang pangswimming ang suot kong simpleng t-shirt na mint green at shorts.
Sumulyap ako kay Caius and I was taken aback when I saw him looking at me. The hell! Muntik na akong atakihin sa puso.
"I-I'm planning to swim." Sabi ko, hindi ko alam kung paano niya nainterpret ang sinabi ko kasi basta lang naman iyong lumabas sa bibig ko. I want it to sound like I'm shooing him but why does it sounds like I'm inviting him?
He looks at me from head to toe then kumunot ang noo.
"Ng ganyan?" there's a hint to humor in his voice but I ignore it.
"Oo, wala namang dress code dito diba?" I said.
Bago pa siya makapagsalita ay naglakad na ako ng mabilis papuntang dagat. Bahala na siya doon, sana lang umalis na siya at mahalata niyang ayokong kasama siya.
Mabuti na lang at hindi siya sumunod. I enjoyed my swim that last I think 30 minutes? Umahon kasi ako agad dahil masakit na sa balat ang init. Magiging sunog ata ako nito pag-uwi sa bahay ah.
Basang-basa akong nagtungo sa Villa, kakahiya dahil mukha akong sisiw pero ayos lang kasi wala namang masama sa itsura ko. Natural na mababasa ako dahil nasa dagat kami at ano bang ginagawa sa dagat diba?
Ang bigat sa pakiramdam ng damit ko, at ramdam na ramdam ko ang init ng puting buhangin kahit na nakatsinelas naman ako at hindi direktang naapakan ang buhangin.
My hair is dripping nung nakapunta akong villa.
Hinawi ko muna iyon but before I go into my room to take a shower and to get change ay may sumalubong saaking tuwalya. Nag-angat ako ng tingin at isa ito sa mga staffs ng resort.
Kinunutan ko siya ng noo. Hindi naman ako humihingi ng towel dahil hindi naman malayo ang kwarto ko sa entrance , baka namali lang sila.
"Hindi po ako humingi ng towel." I politely said pero hindi natinag sa kinatatayuan ang lalaki.
He's wearing a summer outfit at may malaking ngiti na nakaukit sa mukha. He looks friendly.
"Sa inyo po ipinabibigay."
"Nino naman?" takhang tanong ko.
"Ni sir Garren po."
I'm surprise when I heard his name, akala ko sina Mommy ang nagrequest baka kasi nakita nila o naaninag na nasa dagat ako. Nanginginig ang kamay na tinaggap ko ang puting towel.
I feel a tingling sensation in my stomach, my heart also beats faster. Kakausapin ko pa sana ang lalaki pero nakaalis na.
I'm still stunned pero nakabawi rin naman kaagad.
Hindi ko alam kung anong gusto niyang ipakahulugan sa ginawa pero ayaokong mag-isip kaagad. Ginamit ko ang tuwalya at dumeretso na sa kwarto.
Mag-aalasdose na ng nagtawag na kakain na raw kami. I think boodle fight ang magaganap dahil may nakahilerang mahabang lamesa sa labas na may dahon ng sagit sa ibabaw.
I busy myself by arranging the food in the table, tinulungan ko si Mommy dahil ayoko namang tumunganga lang. Atsaka lagi ko namang tinutulungan si Mommy sa paghahanda ng pagkain.
I'm a boho style off-shoulder dress na may iba't-ibang patterns bilang disenyo. Nakalugay lang ang buhok ko dahil basa pa, hindi ako nagboblower ng buhok, humahangin naman kaya pwede na rin panghalili sa blower.
And speaking of the devils, magkasama nga ang dalawa.
I did not look at them at mas nag-ayos pa ako kahit tapos na naman. Ewan ko ba pero naiinis ako kapag magkasama silang dalawa! Parang biglang umaakyat lahat ng kainisan ko sa katawan sa ulo ko.
Panay kasi ang hawak ni Odette sa braso ni Garren, wala naman siyang ginagawa at hinahayaan lang. Bakit ba ako naiinis? Mukhang akong ewan sa ginagawa ko!
Nagsipwesto na ang lahat sa kani-kanilang gusto pwestuhan. Syempre tumabi ako kina Mommy, alangan namang lumayo pa ako eh wala naman akong ibang kakilala.
Nagtatawanan ang mga matatanda ng maramdam kong may tumabi saakin. Nakikinig ako sa usapan nila kahit hindi ko naman maintindihan.
Somehow, without looking at the person who goes beside me, I already know who it was. Parang instinct na siya agad ang pumasok sa utak ko.
I calm my nerves.
Tumabi lang naman bakit kailangan ganito ang maramdam ko? As if namang gusto niyang tumabi saakin right? What if wala ng pwesto ta ang nasa tabi ko na lang ang available? There are so many possibilities Kali!
No need to overthink.