Past
I have no choice but to say yes to the girl. The girl who approach me in the gate is the one and only Lorelaine Velasquez, a popular girl in the campus. That's why her face felt familiar, nakapaskil ang mukha niya sa labas ng campus.
Lore just won the Miss Greenbell 2019. Hindi ako nanood pero usap-usapan na halos lahat ng awards siya ang nakapanalo. I think she's a pageant enthusiast, halos lahat ata ng pageant kasali siya.
Bakit ko nga ba naisip na kaya niya nilapit kanina ay dahil gusto niyang makipagkaibigan? As if someone will like to befriend someone like me.
The class starts late dahil may nagkaroon daw ng meeting sa faculty. Gustuhin ko mang makinig ng maayos sa lecture ng teacher ay hindi ko magawa. My mind seems to fly to what the girl requested me to do for her.
I hate myself for not knowing how to say no. Palagi na lang akong umoo sa mga nagrerequest saakin. I really want to say no kaya lang imagining their sad faces as if I failed them haunts me kaya wala akong choice.
When the class is dismissed hindi ko alam kung magrerecess na din ba o huwag na lang. I'm terrified to see Lorelaine, baka magtanong siya.
"Kali,bakit hindi ka pa tumatayo diyan? Di ka magrerecess?" tanong ni Lyka, my only friend.
Lyka Angelli Lopez is the opposite of my character. Kung akoy mailap sa tao siya naman ay hindi. Everyone in our room talks to her, unlike me na palaging kinakabahan sa tuwing gagawin iyon.
Talking is terrifying for me.
Nakakapagtaka pa rin kung bakit gustong-gusto akong kaibigan ni Lyka. Wala naman kasing interesanteng bagay saakin. I'm boring and plain, nothing special.
Sinabi ko kay Lyka ang nangyari kanina, gaya ko nasurpresa din siya. Kung sino man ang higit na nakakakilala kay Lorelaine si Lyka yun. His older brother Franco is her ex-boyfriend. Ilang buwan na nung nagbreak ang dalawa.
I think Lyka is still bitter on how Lorelaine dumped his brother kahit na almost perfect na iyon. I still remember how she sulked whenever she sees Lorelaine.
"Kung si Lore ang iniisip mo, huwag kang mag-akala akong bahala sayo. Sabi na kasing tumanggi kapag kinakailangan. You don't need to say yes every time people ask you some favour Kali."
How can I do that? Hindi ko nga kaya. Pakiramdam ko kaya kong gawin ang ibang bagay ngunit maliban lang sa bagay na 'yon.
"Kung kaya ko lang gawin Lyka, nagawa ko na. You know that saying no is not my thing." I heaved a heavy sigh. Namomroblema na nga ako napapaisip pa ako lalo.
People think that Garren and I are close to each other but it's the opposite. Ni hindi nga kami nag-uusap nun.
"Hindi mo naman kasi kailangang gawin yun Kali, wala namang masama."
Paano? Why did I even promised that I will give Lore, Garren's phone number? Bakit hindi na lang siya sa iba nagtanong? Not that Jabe never give his phone number to anyone in his circle? Bakit kailangan ako lang?
Sa gandang iyon ni Lore kapag siya ang humingi tiyak na hindi siya pahihindian.
"Tara na kasi! Gutom na ako Kalila! Ikaw ang kakainin ko!" napangiwi ako sa inis ni Lyka.
"Pwedeng dun tayo sa dulo umupo?" Tanong ko kay Lyka habang naghahanap kami ng mauupuan. Ang dami ng tao sa canteen, mabuti na lang malaki ito. Ang makita si Lorelaine ay magiging mahirap.
"Sige, ako na bibili ng kakainin natin, upo ka na" sabi ni Lyka.
She already knows what I always eat in recess.
Habang naghihintay kay Lyka ay tinignan ko ang mga taong naglalakad sa canteen. Canteen ang isa sa mga lugar na iniiwasan ko. Bukod sa mga babaeng lumalapit saakin para magpaabot ng kung ano-ano kay Garren ay masyadong maingay.
Hindi sinasadyang napadako ang mga mata ko sa table di kalayuan saamin. Their loud chitchats is disturbing kaya halos lahat napapatingin sa dako nila.
My heart skip a beat when I saw who's in the table. It's Garren's circle of friends laughing while eating. Ang ingay nila, hindi ba nila alam?
Isa si Jabe sa mga maiingay sa lamesa. He looks so lively and carefree. Malayong malayo sa totoong ugali niya.
Kung iisipin hindi ko rin masisisi ang mga babaeng nababaliw kay Garren. His looks is extraordinary. Iyong tipong hindi basta basta nakikita.
Masyadong gwapo at masyadong palakaibigan. Para nga siyang araw eh like in the center of ecosystem. Everyone wants to be in that orbit as if their are dependent to him.
When he smiles, his bad boy aura was defined. Mas lalong nababaliw ang mga babae kapag tumatawa siya.
And now that he's already a college student, mas nagmature pa ang mukha nito. He looks just like his father.
Hindi sinasadyang nagtama ang mga mata namin. He's still smiling though but when our eyes met, it suddenly disappears. Nag-iwas agad ako ng tingin.
I always have this feeling na kapag magtatama ang mga mata namin para bang nauubusan ako ng hininga. Is that even normal?
Dumating si Lyka, I accept the food and happily eat it na parang walang nangyari.
Halfday kami ngayon gaya ng nakalagay sa schedule kaya I still have plenty of time to think on how to execute my plan.
"Bakit pala nagbreak ang kuya mo at si Lore?" takhang tanong, matagal ko ng gustong itanong ang bagay na iyon kay Lyka. I'm just too curious to know.
Sa pagkakakilala ko kasi kay Kuya Arthur mabait naman iyon, sobra. Sa totoo nga niyan eh malapit ko na siyang maging crush.
Busy si Lyka sa pagkain ng fries habang nagiisip.
"Hmmm. Si Lore ang dahilan, hindi ko alam kung bakit eh pero mabuti na rin na maaga pa lang nalaman na kaagad ni kuya kung anong klase siyang babae. My brother is too good for her, she doesn't deserve him."
Pero bakit parang hindi naman mukhang ganoon si Lore. She looks too angelic to do that kind of thing. Mukhang di makabasag pinggan.
"Nga pala Kali, I forgot to tell you na magkakaroon ng party sa bahay. It's a formal party lang naman. My mother decided to have one dahil sa isang deal na matagumpay na nagawa ni Dad. I'm expecting you to be there."
I smiled "talaga? Pasabi kay Tito congrats!"
Nakakunot ang noo ni Lyka, habang pinagmamasdan ako. Wala naman akong nasabing mali?
"Hindi ka si mang-ayon kung sasama ka o hindi." She said flatly. I sighed, Paano ba ito?
My parents are old fashioned most especially my mother. May curfew nga ako kahit hindi naman ako palalabas.
Never did I've got a chance to attend gatherings dahil kunghindi ako sesermunan ni Mama ay sisitahin naman niya ang mga pinagagawa saakin.
"Ipagpapaalam kita kay Tita, please naman Kali. Gusto ko nandun ka because it would be boring if I'm alone in that party. Wala namang inuman eh, kakain lang tayo and magkukwentuhan. Promised that you'll enjoy and besides maaga namang matatapos so abot ka pa sa curfew." Mahabang litanya ni Lyka, if she told this to my mother, she will only be dismissed pero dahil hindi ako siya hindi niya iyon maririnig.
"O sige sususbukan kong magpaalam. Kakausapin ko na din si Papa."
Lyka looked please to what I said. Ako namay kinakabahan na.
Nadagdagan na naman ang iisipin ko.
Pauli-uli ako sa sala, nag-iisip.
Nakapagrehearse na ako kanina ng sasabihin ko kina Mama pag dating nila. Naisip kong salubungin ang dalawa, maybe if I talk to them ng biglaan ay masabi ko ng maayos ang gusto kong sabihin.
I can't believe that talking to them will be this hard, akala ko hindi na ako kakabahan pa pero habang lumilipas ang oras ang kaba ko ay patindi ng patindi.
I remember the first time I ask them to let me go to a party hosted by Lyka's friend. Akala ko kung si Lyka ang kasama ko ok lang kina Mama. I'm expecting them to say yes without further ado because it's my friend. Hindi naman ako papabayaan ni Lyka. At isa pa nandoon rin ang Kuya Sylvester niya so basically we can't do stupid things dahil tiyak na malilintikan kaming dalawa.
"No. You shouldn't be going to parties like that anak. Not that we don't trust the Lopez's but the people around you? No, I can't let you. Baka atakihin ako sa puso Kali!."
Papa never interrupt my mother when it comes to things like this. Kung anong disesyon ni Mama ay iyon na. Naiintindihan ko
naman, atsaka hindi rin naman ako mahilig sa mga ganoong bagay pero gusto kong maranasan.
Parang ang saya kapag nakakapunta sa mga ganoon lalo na kapag naririnig kong nagkukwentuhan ang mga kaklase ko.
After that I never tried again. Ito pa lang ang pangalawang beses na gagawin ko ito.
My mother is a career woman. Ayaw niyang sa bahay lang kaya hanggang ngayon focus pa rin sa trabaho.
She's an editor-in-chief sa isang sikat na magazine sa bansa and I think in abroad also. Meanwhile, my father is a college professor, one of the best according to his colleagues. Sa isang malaking unibersidad siya nagtuturo and just like my mother, too busy.
When I heard a car ignition mas dumoble pa ang kaba ko. Sila na ata 'yon!
Nagmadali akong sumilip sa bintana to make sure na sila na nga! Hindi ako namamalikmata at sina Mama nga iyon.
I tried to compose myself, I need to calm down. Dapat masabi ko ng maayos ang sasabihin para kung sasagot man sila ay deretsahan na rin.
"Ma, Pa," I said then approach them. Mukhang pagod na pagod si Mama dahil hinihilot ang sintido, si Papa naman ay hawak ang bag ni Mama.
"Mabuti naman at nandito ka na. Pumunta ka na sa dining area, we brought some food kakain na tayo."
Nabitin sa ere ang sasabihin ko dahil umakyat na ang dalawa sa taas. May dinner pa naman, I still have a chance.
Habang kumakain sa hapag hindi ako mapakali. Gusto ko ng magsalita kaya lang nagdadalawang isip ako. I'm afraid I will hear another rejection coming from them.
Kapag sinabi ni Mama na hindi wala na akong magagawa pa. Ganoon siya kastrikto, buong akala ko kapag nag- 16 na ako ay luluwag na sila ni Papa saakin pero kabaliktaran ang nangyari. Mas lalong naging strikto si Mama.
"Malapit ng ilabas sa market iyong 30th anniversary ng GlamBlitz. I'm so excited na makita niyo 'yon! All those sleepless nights and stress are worth it." masayang sabi ni Mama, she looks so ecstatic about the news. Ako rin! I'm proud of her.
"Make sure na pipirmahan mo yung copy ko?" my father said happily. Naka-feature mga major contributors ng magazine sa bagong issue. Yung mga nagtatrabaho na sa magazine na mahigit sampung taon.
Masasabi kong napakalaking bahagi ng GlamBlitz sa buhay ni Mama.
I can still say that we still have a normal family kahit minsan ay hindi.
"Mama may sasabihin po ako."
Nakuha ko ang atensyon nila. My hands are sweating and my heart beats too fast na nakakabingi. I can also see blacks and swirls but
I know it's just due to my nervousness.
"Ano 'yon? Kanina ko pa ngang napapansin na may gusto kang sabihin."
I'm glad she did, akala ko hindi niya napansin.
"Nag-imbita po si Lyka na may formal party na gaganapin sa kanila. To celebrate the success of her father's project and sabi po ni
Lyka most guests are family and close friends..."
Bakit ba hindi ko masabi ang gusto kong sabihin ng deretsuhan? Kung nasabi ko na agad edi sana nakasagot na sina mama and I will try my best to not silk and just move on just like what I always did.
Nakataas ang kilay ni Mama, still waiting for me to continue.
"Gusto ko po sanang magpaalam na pupunta ako." I carefully choose the words that I said, I'm also observing their reaction.
"Ganun ba? Pwede bang hindi ka pumunta?"
There's something in my mother's voice that makes me feel regretful. Parang dapat hindi ko na sinabi pa ang pagpapaalam.
Though I can see that she's also being careful. There's also worry etched in her face.
Tumingin ako kay Papa, nagpapatulong.
"She's 17 Ma, maybe we can let her go. Besides intimate party naman pala, and its the Lopez so there's nothing to worry about."
I look at my mother's reaction. Nakatingin ito kay Papa, as if they are talking by the use of telepathy.
"Atsaka hindi ba't may celebration din sa kompanya niyo? You said we need to attend. Mabobore lang iyang si Dheign if we let her come."
Parang ito ata ang unang beses na nagsalita si Papa. Usually he only agrees to what Mama said. Hindi ko rin siya masisisi, kahit naman kasi anong paliwanag kay Mama siya pa rin ang masusunod.
"Why not? It's my job we're talking about. Naiintindihan naman ni Dheign that my job is so important to me. And to think that it's my anniversary also being the editor-in-chief."
Hindi ko maiwasang hindi malungkot. Proud naman ako sa achievements ni Mama at syempre masaya akong suportahan siya kaya lang... how about me? Yung mga gusto ko?
Gusto ko ring marinig kahit isanh beses na umoo siya without buts and ifs. Iyong bukal sa loob at hindi napipilitan.
"Pero Ma hindi naman po yata sabay ang party niyo nina Lyka kaya makakapunta rin po ako sa inyo." I said with determination. Thinking of attending the said party with my friend is tempting and exciting.
Gusto ko ring maexperience makahalubilo yung mga ka-batch ko at hindi puro katrabaho nina Mama at Papa.
Hindi pa rin sumasagot si Mama at bawat segundong lumilipas ay nawawalan na ako ng pag-asa. Bakit pa nga ba ako umaasa na papayagan ako?
Wala naman sigurong mangyayaring kakaiba sa party. Ok lang naman siguro na di na ako pumunta, babawi na lang ako kay Lyka sa susunod.
Sabado, dapat kahit papaano I'm enjoying this day because it's weekend at makakapahinga naman kahit na papaano. Though we have half-day classes still our teachers bombarded us activities, lectures and assignments. Hindi ko tuloy maisip kung para saan pa ang halfday eh ganoon rin naman.
Wala kaming kasambahay kaya most of the household chores where divided to the three of us. My mother might be a career woman but she still wants to do her duty as a wife. May pumupunta namang naglalaba at naglilinis ng bahay.
But chores like cooking and gardening at mga maliliit na bagay, kami na ang gumagawa.
Busy si Mama sa pagiihaw si Papa naman ay may ginagawa rin, siguro naghihiwa ng ulam na iiihaw pati na rin mga gulay.
A typical family day na nangyayari lang isang beses sa isang linggo. I'm still thankful for this dahil kahit na papaano I can feel that they are trying their best to make amends to their absences in my life.
Habang nagdidilig ng halaman, I heard our door bell rang.
Otomatiko kong iniwan ang ginagawa bago nagtungo sa gate at pinagbuksan ang taong nasa labas, kung sino man siya.
I nearly gasped when I saw who's behind our gate.
Garren Castellano, leaning on our gate while looking at me annoyingly.
"Garren! We're glad you're already here, come and sit with us. Malapit ng matapos ang niluluto ko."
Sa isang iglap nagbago ang hilatsa ng mukha ni Garren. Mula sa pagkairita napaltan ng ngiti.
I sigh, binuksan ko na lang ng malawak ang gate ng makapasok na siya.
"Susunod na lang daw po sina Mama, Tita!" He said happily, nakalapit na kaagad siya kina Papa at Mama.
Pinagpatuloy ko na lang ang gagawin. Naiinis ako! Bakit ba pumunta pa itong isang 'to dito.
Naalala ko tuloy bigla yung bilin saakin ni Lorelaine. Papaano ko naman gagawin ang bagay na 'yon? Dapat kasi umiwas na lang ako sa kanya at sinabi ang totoo.
Na hindi naman talaga kami close ni Jabe.
Hindi ko alam kung papaano kumalat sa school na close kami ni Garren sa isa't-isa. Ni hindi nga ako pinapansin sa school. Kapag napapatingin naman ay kung hindi nakasimangot, mangiirap pa.
Jabe and I are actually childhood acquaintance? Not friends. Never kaming naging magkaibigan ng lalaking 'yan!
Palagi niya akong inaaway ay pinapahiya kaya ayaw ko sa kanya. Kabaliktaran naman ng mga magulang ko na gustong-gusto siya.
Palibhasa magaling magsalita ay alam na alam ang sasabihin kaya kahit sino nahuhumaling sa kanya. Well not me.
Since my parents both decided to not hire a nanny for me, iniiwan nila ako sa mga Castellano which is our neighbor by the way.
Castellano's are rich, kanila ang isa sa pinakamalaking bahay dito sa subdivision. And another fact, Garren's father, Mr. Castellano is the CEO of Castellano Corp. Their family basically own the biggest and grandest mall in the country given that it has another 5 branches in different parts of the Philippines. Balita ko nagbabalak sila na magkaroon mga bagong subsidiary. Wala nga lang akong idea kung ano.
In addition, Garren's mom is a well-known book author who sells millions of copies of her books around the globe. She's actually a novelist, the reason why my mother and she are friends.
Jabe never treat me as a friend lalo na sa harap ng ibang tao. Siguro he's ashamed of me? A nobody.
When you talked about Garren Castellano, ang dami na kaagad kaakibat na positibong papuri.
When if it is my mine were talking about, well never mind.
"Nilulunod mo na yang mga halaman."
Nagitla ako ng may biglang nagsalita sa gilid ko. Dali-dali kong pinatay ang gripo. Oo nga mukhang malulunod na ang mga halaman.
"Bakit ka ba nandito? Doon ka na nga." Mahina kong sabi. Usually naman hindi niya ako nilalapitan ay ganun din naman ako sa kanya. Di bale ng mag-isa.
"How rude. Anyway, pumunta na daw tayo doon, nagtatawag na sina tita."
Yun lang ang sinabi niya bago ako iwan.
Nakahinga lang ako ng maluwag ng makitang malayo na siya saakin.