Chapter 19

4446 Words
Kamusta na kaya sila doon? Marami kayang nagbago? I can't stop thinking mukha tuloy akong abno dito kakaimagine "Uy ok ka lang nagdedaydream ka na agad gabi pa lang, Bukas na yan" anu namang kinalaman ng daydream sa gabi? Baliw talaga tong babaeng ito "Nagnanaytdream lang ako una ka na sa labas susunod na ako nag-iisip lang ako" napabuntong hininga na lang ako habang bumabalik sa mga iniisip ko. I'm sure na napakarami na ngang nagbago 4 years rin akong nawala at ngayon babalik na ako sa away ko man o sa gusto. "Pwede ka pang umatras" hindi ko siya nilingon instead ay naghalumbaba ako sa may bintana ng kwarto ko at nilanghap ang sariwang hangin mula sa labas. "As if namang pwede pa besides natapos ko na naman ang pag-aaral dito sa Paris kaya wala na akong dahilan para manatili pa dito" napansin ko yung pagbuntong hininga ni Jessie mukhang hindi na naman ako nagiingat sa mga binibitawan kong salita. Alam ko na nalungkot siya sa sinabi ko "Tss ikaw naman lungkot agad syempre mamimiss naman kita pero mag-kikita pa naman tayo diba?" Biglang lumiwanag yung mukha niya nung sinabi ko yung mga salitang iyon alam ko namang susunod din siya dahil ,ay aayusin lang siya dito dahil sa pilipinas din nakatira ang pamilya niya. "Talaga mamimiss mo ako? Huwag kang mag-alala bibilisan ko para makaabot ako sa welcome party mo" sobrang laki ng mga ngiti sa mukha niya hindi ko tuloy maiwasang isipin na dahil sa mga ngiting yan ako kumuha ng lakas ng loob para pagsikapan at pagbutihan ang pag-aaral ko. She's my bestfriend since pumunta ako dito and I'm thankful na nakilala ko ang isang Jessie Mendoza. "O siya tama na nga iyan maghanda ka na para bukas dahil magki---" hindi ko na siya pinatapos pa sa kung anu mang balak niyang sabihin "No need to say that sige na tulog na tayo" alam ko na nakuha naman niya yung ibig kong sabihin kaya hindi na siya umimik pa at lumabas na ng kwarto ko. "Philippines here I come" ------- "Hoy gising na!!!!" "Hmmm" antok pa talaga ako kasi hindi ako agad nakatulog dahil sa kakaisip at the same time kinakabahan at ninenerbiyos ako kasi sa loob ng apat na taongng pamamalagi ko dito sa Paris para mag-aral ni kahit isang pagbisita hindi ko nagawa kaya feeling ko mag-kakasakit ako na ewan "Alam mo mas mabuti pa ngang umuwi ka na" napakunot noo naman ako sa sinabi ni Jessie galit ba siya kaya umupo ako agd-agad "Bakit? Ayaw mo na akong makasama? Nakakita ka nab a ng ibang kaibigan?" narinig ko siyang bumuntong hininga ng pagkalalim "Hindi yun syempre ikaw pa din Best friend ko ang ibig kong sabihin kasi ay palagi na alng akong taga-gising mo ano ako alarm clock? Mahiya ka naman best friend!!" napangiti ako dun sa sinabi niya haha oo nga pala sa loob kasi ng 4 years na pagtira ko dito kasama siya ay palagi niya akong ginigising. Mhirap talaga akong gisingin. Bumangon na ko nakakakonsensya kasi total last day ko na naman dito. After 30 minutes ng pag-aayos at pagliligpit ng mga natitira ko pang gamit ay natapos na din ako. Ibinaba ko na yung maleta ko medyo malaki nga eh kaya mabigat. "Ready ka na ba?" tumango na lang ako bilnag sagot dahil mabigat nga yung maleta ko. Sinundan ko siya sa parking lot at inilagay na yung maleta sa compartment ng sasakyan niya."Ok na" yun lang ang nasabi ko at dumeretso na kami sa airport na ilang minute din ang biyahe mula rito medyo maaga pa naman kaya ok lang na huwag magmadali. Ilang minute din ang nakalipas at nakarating din kami sa airport. Naalala ko pa nung last na pumunta ako dito ay para ihatid yung isa naming kakilala papuntang pilipinas ngayon ako naman ang ihahatid. Ang bilis talaga ng panahon parang kalian lang gusting-gusto ko ng umuwi pero ngayong uuwi na ako parang gusto ko ng umatras. Pagkapasok na pagkapasok naming sa airport ay saktong pagaanounce na aalis na yung eroplanong sasakyan ko "O paano ba yan Kali mamimiss kita kahit na kinabukasan makikita din kita haha" she hugs me after saying that I know she's sad pero susunod din naman siya "Bilisan mo ha? Kilala kita mabagal ka sa kahit na anung bagay" sumimangot siya dun sa sinabi ko pero agad namang ngumiti "Sige na aalis na oh kita na lang tayo sa Philippines ok? Tawagan mo ako kapag nakarating ka na" once again nagyakapan ulit kami and exchange our goodbyes to each other. Pagkasakay na pagkasakay ko sa eroplano ay nakaramdam ako ng antok kaya napagdesisyunan ko nang umidlip muna. Nakakapagod yan ang meron ako ngayon kahit wala naman akong pinaggagawa feeling ko mag-kakasakit ako. ----------------------------- Damang-dama ko na agad yung pagbabago ng temperature sa paligid ko kasi nakacoat pa din ako hanggang ngayon nakalimutan ko nga palang mainit dito sa pinas. *ring* *ring* *ring* Agad kong kinuha yung phone ko at sinagot yung tawag. "Hello" [Best friend!! Nasaan ka na! kanina pa kami dito] sa pagsasalita pa lang kilala ko na kung sinu yung nagsasalita si Andy Best friend ko since elementary "Nandito na ako saan ko kayo hahanapin?" palinga-linga pa din ako dito alam ko kasi na may banner pang ihahanda yung babaeng yun masyadong OA dinaig pa ang fan girl [Hay naka pink akong t-shirt tapos may hawak na banner tingin ka na lang hindi ko kasi alam kung part to ng airport eh] ginawa ko yung sinabi niya at hinanap siya. Bullseye nakita ko din hahaha mukha siyang abno dun malapitan na nga. "I-end ko na" hindi ko na hinintay yung reply niya kasi kita ko na naman sila dito. "Uy!" kinalabit ko siya kasi dun pa din siya nakatingin sa unahan niya at parang may hinahanap "Psst" ulit ko kasi ayaw akong pansinin "Anu ba----" napatigil siya sa pagsasalita para ngang nakakita ng maligno problema nito? "OH MY G !!! Ikaw ba talaga yan? Best friend ang ganda ganda mo hala!!" tss para nakacoat at sahdes lang gumanda na agad? Well hindi kasi ako masyadong nagbibigay pansin sa itsura ko sa damit lang syempre fashion designer here. Niyakap niya ako ng pagkahigpit-higpit grabe hindi aa ako makahinga. "U-uy kalma ka lang ok baka gusto mo muna akong pahingahin?" bumitaw naman siya agad at nagpeace sign lang "Grabe ka 4 years ka lang nawala gumanda ka na agad-agad at ang laki na ng pinagbago mo" sa totoo lang sabi nga din ni Jessie ibang-iba na daw ako dun sa Eirene na unag nakilala niya pero para saakin wala na namang nagbago kasi ako pa din naman ito. Siguro kaya malaki nabago saakin dahil nga sa pagiging mature ko na din siguro kasi wala naman akong maasahan doon kundi sarili ko kaya kailangan kong magseryoso. "Siya nga pala sinu kasama mo?" "Ah sina ayun nandyan na pala sila bumili kasi sila ng pagkain habang naghihintay" napaohh na lang ako as expected ang mga kapatid kong matatakaw sina Kuya Eivan at Earon. "Ei!!" pagkakitang pagkakita nilang dalawa saakin ay kumaripas agad silang dalawa ng takbo haha nakamiss sila. Agad nila akong sinunggaban ng yakap nakakatouch hahaha "Ang laki na ng pinagbago ng bunso naming ah!" "Sabihin mo nga saan mo dinala kapatid namin?" medyo napataas ang kilay ko doon sa sinabi ng magaling kong kuya Earon. Natawa na lang kami kasi binatukan siya ni Kuya Eivan "Tumigil ka nga pero seryoso nasaan na nga ang dating Eirene?" yung ngiting meron biglang naglaho at napalitan ng inis "Alam niyo sana pala hindi na lang ako bumalik anu?" Akmang babalik ulit ako "Uy joke lang eto naman hindi mabiro tara na sa bahay na lang tayo mag-usap" kinuha ni kuya yung maletang dala-dala ko at binitbit na iyon. Medyo nakakapanibago kasi bagong sorroundings na naman mukhang kailangan ko na namang magadjust . Nakatingin lang ako dito sa bintana ng sasakyan tinitingnan ang mga dinadaanan naming na hindi na ako pamilyar. Sila naman busy sa paguusap ng mga kung anu-ano na hindi ko naman magets OP lang ako ganun. "Kuya, madami na ba talagang nagbago?" wala sa wisyong tanong k okay Kuya Eivan na kasalukuyang nagdadrive ngayon "Hmmm para saakin madami simula nung umalis ka maraming nag-bago" kung ganun may mga bagay palang hindi ko na pwede pang balikan dahil may posibilidad na mag-bago na din yun? "Ganun?" napabuntong hininga na lang ako at kinuha yun phone ko tinext ko na lang si Jessie na nakarating na ako wala kasi ako sa mood makipagtawagan eh. Ilang minute ang lumipas at nakarating na din kami sa bahay naming. Pagkababa na pagkababa ko ay agad akong nakaramdam ng lungkot at saya. Lungkot kasi ang tagal na din na hindi ko ito nakikita nakakamiss. Saya naman kasi finally nakauwi na ako. Medyo feeling ko naluluha na ako pero nawala yun nung akbayan ako nina kuya at nginitian "Tara na?" Ang saya saya ko ngayon kasi nakauwi na ako saamin miss na miss ko na nga sina Mama eh. Masaya kaming nagtatawanan habang naglalakd kami papasok sa bahay. Ang laki na nga ng pinagbago ng bahay namin kasi lumaki siya at gumanda. "Eirene?" natigil kami sa pagtatawanan ng marinig ko yung boses na nagpatigil saaking paglalakad. Unti-unti kong nilingon yung pinagmumulan nung boses na yun "Ikaw na ba yan?" hindi ko alam pero bigla yatang nanlambot yung mga tuhod ko pero hindi ko pinahalata sa kanila yun ayokong mag-alala pa sila saakin. Gusto kong magsalita pero parang umurong ata yung dila ko. Feeling ko natuyuan ako ng laway dahil kahit na anung pilit kong salita walang lumalabas sa mga bibig ko. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at tumakbo patungo sa kanya at niyakap siya ng mahigpit na mahigpit. "Tss tama na nga yang drama"- Kuya Earon Sinamaan ko muna siya ng tingin "Pwede ba wag kang mangagaw ng moment ang tagal ko kayang hindi nakita itong si Choco baby ko *Mwahh* ang laki na niya grabe nakakaiyak proud mommy here" aso ko nga pala si Choco isa siyang chow chow ang cute grabe "Hindi mo man lang ako pinansin ang sama talaga samantalang ako ang nag-alaga at nagpakahirap para palakihin yan tapos anu? Wala man lang pasalubong kahit batok na lang? " napatingala ako dahil sa narinig kong angal ng isang taong kulang sa pansin kinonsensya pa ako? "Wag ka ngang epal taga-alaga ka lang ako ang totoong may-ari kaya tsupe" siya nga pala si David pinsan ko veterinarian at siya yung nag-alaga kay Choco nung wala ako. Hindi ko ba nasabi na tinangka niyang kidnapin yung aso ko? Napakasama talaga tsk tsk tsk "Kakain na kaya mamaya na kayo mag-away ok? Hindi dapat pinaghihintay ang pagkain" dahil sa nagsalita kaya natigil ang pagpapalitan namin ni David ng masasamang tingin. Pagkakitang-pagkakita ko pa lang dun sa mga nakahaing pagkain sa lamesa ay nakarmadam ako agad ng gutom. How I miss to eat this dishes. Doon pa lang sa nakahain sa lamesa na pagkain alam ko na agad kung sinu yung nagluto nun "Nagustuhan mo ba?" tumango na lang ako kay Mama dahil puno ng pagkain ang bibig ko baka masamid pa ako. Masaya silang nagkekwentuhan minsan naman kapag alam ko yung topic syempre nakikisali din. Napansin ko na napakalaki na talaga ng nag-bago. Siya kaya nagbago na din? Tss anu bang iniisip ko erase erase. "Eirene are you ok? Kanina ka pa diyang parang may malaim na iniisip ah" –Andy I just shrugged hindi naman importante na malaman pa nila yung iniisip ko "Wala naman naisip ko lang na sa loob ng 4 years na nawala ako dito eh ang dami ng nag-bago" tapos nagpatuloy ako sa pagkain. Napansin ko na napatigil sila sa pagkain at paghuhuntahan. Tapos nagsitinginan sila saakin sa pagkakaalam ko wala naman akong nasabing masama o nakakaoffend di ba? "Bakit?" nagtinginan muna sila na parang nagsesenyasan? Anu ba talagang nangyayari nakakapag-taka na yung ikinikilos nila "May problema ba? May nasabi ba akong masama?" sunod-sunod kong tanong sa kanila "Sa tingin ko kailangan na niyang malaman" may pag-aalalang mababakas sa pag-sasalita ni Andy. Dahil sa sinabi niya kaya mas lalo akong naguluhan. "A-anu ba yun?" "Mangako ka munang hindi ka maghyhysterical diyan" kahit na naguguluhan ako ay umoo na lang ako "Promise mo yan ha naku wag na wag kang magkakamaling balibangin kami" "Anu nga kasi yun!! Kanina pa akong nanghuhula dito!! Kapag hindi ka nagsalita dudukdukin ko yang dila mo" sigaw ko kay Andy actually kanina pa ako nagtitimpi maiksi pa naman pasensya ko "Yan tulad niyan" napatayo ng mabilis si Andy na parang ninenerbiyos aba huwag niya akong subukan baka gusto niyang mabalugbugan "Kali kumalma ka muna hindi tayo magkakaintindihan kapag pinairal mo yang pagkapikon mo" kalmadong pakiusap saakin ni kuya Eivan at dahan-dahan akong pinaupo. Huminga muna ako ng malalim tama si kuya hindi kami magkakaintindihan kapag pinairal ko ang pagkapikon kaya naman pakakalmahin ko muna sarili ko "Ok sorry naiinis na kasi ako eh ayoko nung binibitin kaya pwede mo ng simulan hindi na ako gagawa pa ng eksena" sincere kong pagpapaliwanag habang nakayuko ang ulo. Alam kong hindi tama yung inasal ko kasi in the first place wala pa naman akong alam atsaka paano kung simpleng bagay lang yun diba? "Ok lang yun I understand" umupo na ulit si Andy "Ok lang yun I understand" yun na lang yung nasabi ko tapos umupo na lang ulit ako sa kinauupuan ko. By the way ako nga pala ang super loyal best friend ni Kali na si Andy Flores. Sa totoo lang nag-aalinlangan talaga ako kung sasabihin ko bas a kanya o hindi. Sa totoo lang alam na naman nila lahat eh ako lang talaga yung pinilit nilang mag-sabi. Ok lang naman saakin na magmula kaso ang inaalala ko eh yung magiging reaksyon ni Kali kapag sinabi ko na ng tuluyan. Paano kung masaktan na naman siya? Hindi ko ata kakayanin na makita ulit siyang ganun masakit bilang best friend niya na wala ako nung mga oras na kailangan niya ng kausap ng best friend na aalalay sa kanya. Kaya naman this time pipilitin kong sabihin sa kanya ito ng hindi siya nasasaktan although masasaktan at masasaktan pa din siya ang gulo lang eh no? Magulo din kasi akong kausap. "Sorry bestfriend kung ngayon ko lang ito sasabihin sayo sana mapatawad mo kami,ako sa paglilihim namin sa iyo. Maiintindihan naman kita kungmagagalit ka kasi may karapatan ka naman pero sana after mong marinig ito sana pag-isipan mo mun yung dapat gawin. Huwag ka sang magpadalos-dalos sa pagdedesisyon" nakita ko yung pag-tataka sa mukha niya pero kalaunan ay nagging seryoso din. Sana lang kapag sinabi ko ito huwag siyang maapektuhan dahil ako mismo nasakisihan ko kung paano niya lunudin yung sarili niya sa lungkot na naramdaman niya noon. Halos madepress siya noon at kahit hindi niya sabihin alam kong gabi-gabi umiiyak siya. Ayoko na ulet masaksihan yun lalo na at may kinalaman ito sa kanya. "Kali tungkol ito kay Garren" nakita ko sa mukha niya na nabigla ito hindi lang iyon may kasama pang pag-aalala. Alam ko kahit hindi niya sabihin na kahit nag-bago na nga siya hindi pa din yun nag-babago "Hindi ko na patatagalin pa naaksidente siya Kali" tumingin ako sa kanya at hinawakan ang kanyang mga kamay "G-ganun b-ba? K-kumusta naman daw? A-ayos lang kaya siya?" mas hinigpitan ko yung pagkakahawak ko dun sa kamay niya "Hindi lang iyon he's in coma actually magaanim na buwan na siyang comatose" Nakita ko sa mga mata niya na naluluha na siya pero alam kong hindi niya ito ipapakita saamin sinasarili lang kasi niya lahat. Tiningan ko naman sina Kuya Eivan at Earon pati Mama niya na nalulungkot din. Bigla namang tumayo yung Mama niya at hinaplos yung likod niya "Ayos lang yan anak maaayos din ang lahat ha? Alam ko na mayawa din ang diyos at pagagalingin niya ang best friend mo" Bigla namang tumayo si Kali "Tama kayo mama" "Saan ka pupunta? Dadalaw ka bas a kanya?" tuloy tuloy na tanong ni tita Nginitian lang ito ni Eirene tapos hinawakan yung kamay ni Tita "Magpapahngin lang ako Ma, Sa ngayon mag-iisip muna ako" yun na nga at tuluyan na siyang lumabas. Nagkatinginan naman kaming lahat. Lingid sa kaalaman ni Kali na lahat kami ay alam na hanggang ngayon may feelings pa din siya kay Gray. Halata naman kasi nung narinig niya. At kahit na anong tanggi niya alam kong nagsisinungaling siya. Marahil madami na ngang nagbago pero isa lang ang nasisiguro ko at iyon ay hindi pa din talaga siya nakakamove on. "Kung ganun nakabalik na pala siya" Pwes I will not let her win again. Kung nagawa ko siyang paalisin dati magagawa ko ulit yun. Ngayon pa na wala naman siyang kaalam-alam. Poor her Kanina pa akong palakad-lakad ditto sa hindi ko alam na parte ng village namin. Siguro naliligaw na ako kasi hindi ko talaga matandaan kung saan ako dumaan kanina habang naglalakad-lakad ako. Yung utak ko kasi parang biglang nablanko sa mga narinig ko kanina. Kababalik ko pa lang hindi pa nga ako nagtatagal ng mga ilang oras ditto sa pilipinas ito agad ang sasalubong saakin. Nung una oo aaminin ko hindi talaga ako makapaniwala naisip ko na baka nagbibiro lang sila knowing na si Andy pa ang nagsabi. Pero nakita ko naman sa mukha niya na nag-sasabi siya ng totoo kaya naman heto ako ngayon naliligaw dahil sa kakaisip. Malayo-layo na din yung nararating ko buti na lang talaga may dala akong cellphone para incase na gusto ko ng umuwi makapagpapasundo ako kina kuya medyo natatandaan ko pa naman ang pasikot-sikot dito pero syempre din a tulad ng dati. Nagtingin-tingin muna ako sa paligid parang pamilyar saakin itong lugar na to. Actually parang nagpunta na ako ditto pero hindi ko lang talaga maalala. Hanggang sa mapukaw ng isang bagay ang aking mga mata. Hinawakan ko yung nakaukit ditto sa puno mukhang matagal na itong nakaukit napansin ko na may nakasulat kaya naman binasa ko ito. Hindi na siya masyadong malinaw dahil halata naman na matagal na itong inukit ditto sa puno. "Best friends Forever" yan yung nakasulat tapos sataas niyan may drawing ng tatlong batang stick na magkakahawak kamay. Napakunot noo ako nung may maalala ako. Gantong ganto din yung inukit ni Garren noon. "Hala so ibig sabihin ito yung lugar?" napatakip ako ng bibig dahil ngayong natatandaan ko na mga 8 ako noon nung nakilala ko ditto sina Reisa at Garren. Sila kasi talagang dalawa yung original best friends galing silang Amerika noon tapos dito ko sila nakitang naglalaro tapos nakita nila ako at dito kami nagging magkakaibigan. Matagal-tagal na din akong hindi napunta dito kasi nagfocus ako sa pag-aaral. Hindi na din pala masama ang maligaw paminsan-minsan kung hindi siguro ako naligaw baka hindi ko to nakita. Dahil nga malayo-layo din yung nilakad ko ay umupo muna ako sa ilalim ng puno tapos hinubad ko yung heels na suot ko kasi nakakangawit na ding magsuto nito. Pinagmasdan muna saglit yung magandang view dito. Ang presko ng hangin nakakatuwa kasi narerelax ako at the same time nageenjoy. Ngayon lang kasi ako ulit nakapagpahinga sa isang tahimik na lugar palagi kasi akong nakafocus sa pag-aaral kaya naman wala na akong panahon para mag-enjoy. Mga ilang minute din siguro akong nakaupo dito habang dinadama yung malamig na simoy ng hangin ng biglang tumunog yung phone ko. From: Andy Eirene nasaan ka na ba? Kanina pa kaming nag-aalala dito. Umuwi ka na "Istorbo" hindi na ako nag-reply kaya tumayo na ako sa pwesto ko at nagpagpag ng damit sinuot ko na din yung heels kaso may nakita na naman akong kakaiba. Nung una hindi ko n asana pupuntahan kaso parang nangangati yung mga paa ko na mag-lakad kaya no choice ako. Wala naman sigurong mawawala kung titingnan ko diba? So ayun nga nakakita kasi ako ng parang mga baging baging na nakatakip sa pader. Napansin kong parang may pinto kaya tinabig ko yung mga baging. Hindi nga ako nagkamali kasi may secret passage so syempre pumasok ako. "WOW" literal na napanganga ako sa nakita kong tanawin. Kung idedescribe para akong nasa isang mahiwagang kagubatan na puno ng mga naggagandahang mga bulaklak. Mukhang alagang alaga yung mga bulaklak "Bakit naman kaya puro Iris? Mahilig kaya sa Iris yung may-ari nitong garden?" tanong ko sa sarili ko kasi kung titingnang mabuti mas marami ang Iris flower. Mukhang magkakasundo kami ng may-ari nitong garden ah kasi favorite flower ko talaga itong Iris. Lilibutin ko pa sana yung lugar kaso bigla namang may tumwag saaking cellphone bakit ba palagi silang istorbo sa buhay? "Hello" walang ganang sagot ko [Nasaan ka nab a best friend?] "Hindi ko alam" [Niloloko mo ba ako?] may pagkairitang sagot niya aba e sa hindi ko alam eh alangan namang sabihin kong sa pader edi napagkamalan pa akong baliw? "Tss nevermind pauwi na din naman ako sige na bye" binabaan ko na agad siya ng telepono dahil hahaba pa ang sermonan session naming dalawa. Babalik na lang ako ditto pag nagkaroon ako ng oras. Kaya naman umalis akong nakangiti dahil may nadiskubre na naman akong lugar. -------------------------- "San ka ba nanggaling!!!!" kakauwi ko pa lang yan na agad ang sumalubong saakin. Sermon ng aking best friend na daig pa ang nanay ko kung manermon "Alam mo bang kanina pa kitang tinatawagan?" huminga muna ako ng malalim saka nagsalita "Naka-uwi na ako ok walng nangyari hindi pa naman ako patay humihinga pa ako kaya tumigil ka na diyan sa kakatalak mo" hindi ko siya hinintay pang sumagot dahil dumeretso na agad ako sa kwarto ko para makapagbihis ng damit. Biglang bumukas yung pinto ng kwarto ko buti na lang at tapos na akong magbihis kaya naman ok lang kung may pumasok "Uy Eirene anu na nakapagisip ka nab a?" yun na nga eh ayokong dumalaw sa kanya dahil basta hindi pa ako ready "Ewan siguro baka" habang nagaayos ako ng mga gamit na nasa maleta ko "Payong kaibigan lang ha huwag mo sanang didibdibin" napatingin ako kay Andy na mukhang seryoso "Dapat siguro harapin mo na siya" medyo naguluhan ako sa sinabi niya kaya naman magsasalita pa sana ako kaso napigilan niya ako agad "Oh wait lang di pa ako tapos ok? Alam ko namang una palang hindi ka naman talaga umiiwas or umiwas pero syempre kung maghihintay ka ng maghihintay ng tamang panahon sa tingin mo ba dadating talaga yun?" hindi ko talaga minsan maintindihan ang gusting tumbukin nitong si Andy pero may point siya "Atsaka sana isantabi mo muna yang kung anu mang iniisip or doubts mo" nginitian ko lang si Andy may point na naman siya akala ko tapos na siyang magsalita pero meron pa palang kasunod "Ayoko lang namang magsisi ka na hindi ka nakadalaw man lang nung may pagkakataon ka kaya naman Eirene sana naman ngayon pakinggan mo muna ang puso mo" she's right lagi ko kasing pinaiiral ang utak bago ang puso pero diba dapat neutral silang dalawa? Ganun kasi yung mga naririnig ko pero ewan basta ang alam ko kailangan ako ng best friend ko. At ito na lang kasi yung pwede kong gawin para makapagsorry. Nagmadali akong magbihis dinala ko na din yung bag ko at saka bumaba. "Andy tara na" -------------- Yung energy na inipon ko kanina sa bahay ay biglang nadrain dahil sa kaba. Sana matapos na ito sisilip lang ako tapos hihingi ng sorry tapos hindi na ako magpapakita pa dahil alam kong galit siya saakin. "Andy kinakabahan ako" nakahawak ako ngayon ng mahigpit sa braso ni Andy dahil ninenerbiyos talaga ako iniisip ko nga na bakit ganito ang nararamdaman ko eh tulog naman siya diba? Hindi naman niya ako makikita kaya walang dapat ikakaba pero ewan kasi feeling ko may mangyayaring kakaiba. "Hay kapag sisigawan mo ako hindi ka kinakabahan eh ma-----" "Oo na oo na tss takot ko lang sayo" Naglakad na kami deretso sa silid na tinuro nung nurse medyo hindi na ako kinakabahan. Nasa tapat na kami ng kwarto at guess what nagpapauyuhan kaming dalawa sa pagbukas ng pinto "Ikaw na Ei" "Ikaw na libre na lang kita" please pumayag ka "Asa kelan ka pa nanlibre bilis buksan mo na" tss di man lang tumalab Papasok na ako sa kwarto kung saan siya nakaconfine. Nakakainis kasi kinakabahan ako feeling ko first time lang akong nakapunta sa hospital "Hay kaya mo yan Kali fighting!" pagpapalaks ko sa sarili ko dahil hindi ko alam kung paano ako haharap sa kanya. Sa loob ng apat na taon muli kong masisilayan ang mukha niya. Alam ko na may kasalanan din ako sa kanya kaya this time hihingin ko yung kapatawaran na noon ko pa dapat ginawa dahil pagkatapos nito lahat ng feelings ko para sa kanya ay kalilimutan ko na. I will try my best para makapagmove-on na. Pagkapasok na pagkapasok ko ay nakita ko agad ang isang Garren na nakahiga. I see peaceful in his face although there are many changes sa pangangatawan niya na medyo kumilis pero his face, yun pa din hindi nagbabago meron nga lang nakapaikot na benda sa ulo niya. Mukha nga siyang albolaryo dahil dun sa benda haha. Pero seriously wala naman talagang nagbago pati feelings ko di nagbago mas lalo nga lang lumalim na hindi na ako makaahon-ahon. Umupo ako sa tabi niya at hinawakan yung isa niyang kamay "You know what hindi pa ka pa rin nagbabago alam mo yun?" kinakausap ko siya kasi alam ko na naririnig niya ako "Sorry nga pala ha kasi hindi ako nagpaalam sayo ok lang naman na hindi mo ko mapatawad but still I'm here in your side asking for forgiveness because I know that you are listening I hope you understand I'm soory again" pinilit kong huwag huwag mapaiyak at nagtagumpay naman ako. Balak ko na sanang bitawan yung kamay niya pero nagulat ako nung biglang humigpit ito. Nagulat ako dahil gising na siya and he smiles at me dahilan para bumilis ang t***k ng puso ko. Alam kong may binitawan akong pangako sa sarili ko bago ako pumasok dito at yun ay ang kalimutan at layuan na siya "K-kali" gusto kong tumakbo pero ayaw ng mga paa ko. Pinilit kong tanggalin yung mga kamay niya pero dahil malakas siya "P-please d-don't" halos nanlambot ako sa kinatatayuan ko dahil nakayakap siya saakin. Pero pinilit kong makawala "S-sorry I need to go" baka nalilito lang siya kasi sa pagkakaalam ko si Reisa ang mahal niya at nagkataon lang na ako yung naabutan niya nung nagising siya kaya baka napagkamalan lang niya ako "Please don't leave me please kapag umalis ka baka hindi ko na kayanin" anu bang sinasabi niya "I love you mahal na mahal kita" mas lalo akong nanlambot sa mga sinabi niya. Is he really isane?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD