Kabanata 5 Kulit "We have to do something with your problem." He said gently. Siniksik ko ang mukha sa dibdib niya. Sarap na sarap sa amoy niyang mabango. Hindi ko tuloy alam kung papaalisin ba siya o hindi. Mas gusto ko ang ganito, ang sarap niyang yakapin. Ramdam na ramdam ko ang kaginhawaan sa yakap niya, nakakawala ng bigat sa dibdib. "What's wrong, bhe?" he asked softly. Huminga ako ng malalim. Natameme na naman ako, hindi ko masabi ang kanina pang iniisip. Mas lalo tuloy akong kumakalma sa yakap niya. "Hey, bakit 'di mo ako hinintay kanina?" sabi niya pa. Kinagat ko ang labi, nanghihina sa kanya. "Naiinis ako sayo!" hindi ko na napigilang sabihin. Nagkaroon ng distansya ang katawan namin, tumingala ako kaya nagkatitigan kami. Nakasilay ang ngisi sa labi niya, iniinis pa ata

