Kabanata 4

2778 Words
Kabanata 4 Do something Tinupad ko ang pangako kay Karlmart. Nakangiti kong pinagmamasdan ang hinandang baon para sa almusal niya. Dalawang plastic lunch box ang nilagay ko sa bag at maging ang iinumin niyang tubig ay nilagay ko na din sa aking bag. Huminga ako ng malalim bago bumaling kay nanay Rosalia. Ang niluto kong almusal niya ay simple lang naman. Isang sunny side up, tatlong pritong hotdog at beef loaf na nilagyan ko ng itlog din. Ang kanin ay ginisa ko para masarap ang pagkain niya. Balak ko pa sanang gumawa ng kape pero naalala kong nagkakape naman na siya sa condo niya. Pinaghiwalay ko ang ulam at kanin niya para maayos naman tignan. Lumapit sa akin si nanay Rosalia, ang mga mata ay naguguluhan. "Para kanino 'yan, hija?" tanong niya. Bumuntonghininga ako. Sasabihin ko sa kanya ang totoo, ayokong magsinungaling lalo pa't pinagkakatiwalaan niya ako. Siya na rin naman ang tumayo bilang isang ina ko kaya dapat lang na maging tapat ako sa kanya. "Para kay Karlmart Lagunzad po, nanay." Magalang kong sabi. Kumunot ang noo niya, naalala yata si Karlmart. "Karlmart Lagunzad? Yung batang inaaway ka noon?" takang tanong niya. Huminga ako ng malalim tsaka ngumiti. Well, nagbago na siya! Hindi na siya bully katulad no'ng una. Nagbago siya at alam kong mabait na siyang tao. Pwede naman 'yun diba, na magbago ang isang tao! "Opo, nanay." Sagot ko. Tumango-tango siya at hinaplos ng marahan ang likod ko. "Mukhang nagbago na siya. Hindi ka na inaaway?" Tumango ako at ngumiti sa kanya. "Opo, nay. Mabait na po siya, hindi na katulad noon." Sagot ko. "Sige. Nagtitiwala ako sayo, hija." Iyon ang huling pag-uusap namin bago ako umalis ng bahay. Pagkalabas ko ng gate, nag-vibrate ang cellphone ko sa loob ng bag. Kinuha ko iyon at tinignan. Mr. Kulit: Good morning, bhe. Sabay na tayo, nasa tapat ako ng bahay niyo. Mabilis kong binaling ang tingin sa harap ng bahay namin, nandoon nga siya at preskong nakasandal sa kotse niya. Sobrang linis niyang pagmasdan sa suot na uniform. Maging ang itsura niya ay hindi nakatakas sa aking paningin, mas lalo siyang gumwapo sa kasuotan ngayon. Kinaway niya ang kamay sa akin, huminga ako ng malalim at tsaka ngumisi. Kung araw-araw niyang gagawin ito sa akin, baka hindi ko mapigilang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko ngayon. Seeing him making this to me makes all my day complete. Ngumiti siya at lumapit na sa akin. Inabot niya ang kamay sa akin, nag-alinlangan pa akong abutin iyon pero ginawa ko. When our hands intertwined, my heart beat so fast. Kinagat ko ang labi at nagpahila na sa kanya. Binuksan niya ang pinto sa front seat at marahan akong pinasakay. Huminga ako ng malalim bago siya pumasok sa loob. Hindi ko alam ang gagawin, para akong natameme habang nakatitig siya sa akin ngayon. His eyes were serious but tender. Mas lalo kong kinagat ang ibabang labi para mapigilan ang anumang bagay na nararamdaman ko ngayon. s**t, stop staring at me! I am melting already! "Can I kiss you?" paos niyang sabi. Tumingin ako sa kanya, napapasinghap ang itsura. "K-kiss practice ba?" utal kong tanong. Sumilay ang isang ngiti sa labi niya. Pumikit siya ng marahan bago tumingin ulit sa akin ng malalim. "Opo, bhe." marahan niyang sabi. Huminga ako ng napakalalim bago dahan-dahang tumango. He smiled even more. Mabilis na dumampi ang labi niya sa akin, hinalikan niya ako ng malalim. Napakapit ako sa kwelyo ng uniform niya dahil sa intense ng ginagawa naming halikan. Mas lalo niyang diniin ang labi sa akin, nakipaglaban naman ako sa dila niyang malikot. Lasang-lasa ko pa ang grapes mint sa labi dila niya, mas lalo tuloy akong sinilaban ng init sa halik namin. He deepen our kiss once more, before he pulled out his lip and look at me so deeply. "Fuck...akin ka talaga," mariin niyang bulong. Kinagat ko ang labi at nahiya sa sarili. s**t, ang aga-aga nakikipaghalikan ako sa kanya! What have I done!? Hindi ko pa naman siya boyfriend huh, bakit naghahalikan kami? Pero sabi niya kasi sa akin na natural daw itong ginagawa ng babae at lalaki. Dagdag niya pang practice ito para kapag maging kami na, hindi na kami mahihirapan sa paghahalikan. Atsaka...gusto ko din naman e! Umayos ako ng upo, mas lalo pang nahiya ng makita ang gusot sa uniform niya. Lumapit ako at mabilis na inayos iyon, bumuntonghininga siya sa ginawa ko. "Baby, parang awa mo na...hulog na hulog na ako sayo, s**t!" mariin niyang sabi. Nanlaki ang mata ko, mabilis na binitawan ko ang kwelyo niya. Umatras ako at umayos ng upo. Putragis, mahiya ka nga, Angel Bhe! Wag kang gumawa ng mga bagay na ikaiinit niya! s**t na talaga! Naalala ko yung almusal na ginawa ko, mabilis kong binuksan ang bag at nilabas doon ang ginawang breakfast sa kanya. Inabot ko iyon sa kanya, nagtaka siya para doon. "Gaya ng pangako ko, almusal mo yan." Nahihiya kong sabi. Napanganga siya, singhap na singhap sa ginawa ko. Huminga ako ng malalim, nangangawit dahil hindi niya pa kinukuha ang inaabot ko sa kanya. "G-ginawa mo talaga?" mahina niyang sabi. Tumango ako at ngumuso sa kanya. Aba'y oo naman! Hindi ako bumabali ng pangako, lalo pa't sinabi ko talaga iyon! "Oo naman. Nangako ako sayo e! Atsaka abutin mo na, nangangawit na ang kamay ko." sabi ko. Huminga siya ng malalim at mabilis na kinuha ang baong inabot ko sa kanya. Manghang-mangha siya sa baon, animo'y nanalo ng lotto. Umiling ako at ngumisi sa kanya. Nawala ang ngisi ko ng makita ang pamumula ng mata niya. Kumunot ang noo ko, namangha sa namumula niyang mga mata. Lumunok siya bago umiwas ng tingin sa akin. Umiling-iling pa pagkatapos ay ngumisi na parang sira. Naguluhan na ako sa inaasta niya, ano bang nangyayari sa kanya? "Umiiyak ka ba?" tanong ko. Umiling siya at pinahid ang mata. Umiiyak ba talaga siya? "Hindi. Masaya lang ako. Pwede ko bang kainin 'to dito?" mahina niyang sabi. Tumango ako. "Oo naman. Sige na, kumain ka na. Baka kape lang ang inalmusal mo kanina e!" sabi ko. He sighed and smiled sweetly to me. Binuksan niya ang baon at napangiti ulit ng makita ang hinanda kong pagkain sa kanya. Umiling-iling siya habang nakayuko parin. Kinagat ko ang labi, kinuha ang tubig na hinanda ko rin para sa kanya. Inabot ko iyon na kinabaling niya sa akin, ang mga mata ay namumula parin. "Tubig mo, baka uhawin ka e." marahan kong sabi. Tumango siya at kinuha na rin iyon. "Salamat, bhe." namamaos niyang sabi. Ngumiti ako at tumango. "Welcome. Eat now," utos ko. Masunurin siyang tumango bago masaganang kumain sa ginawa kong almusal. Huminga ako ng malalim habang pinagmamasdan siyang kumain, sarap na sarap sa luto ko. Naghintay ako hanggang matapos siya, tinakpan niya ang baunan at nilagay sa backseat. Nagtaka ako kung bakit nilagay niya doon. "Akin na yung lunch box. Gagamitin ko pa 'yun para bukas." Sabi ko. Umiling siya bago tinapos ang pag-inom sa tubig na bigay ko. "Mamaya na, papasok na tayo kaya ilagay mo nalang muna dyan." Mahinahon niyang sabi. Tumango-tango ako at bumuntonghininga nalang. "Sige. Tara na, baka ma-late pa tayo." Sang-ayon ko. Ngumisi siya, nagulat ako ng lumapit siya sa akin at dampian ako ng halik sa labi. Mababaw na halik lang naman iyon, pagkatapos ay humiwalay agad siya. Bumagal ang paghinga ko, ang puso ay parang nakikipagkarerahan sa kabayo. "Sarap ng labi mo." Malambing niyang sabi. Tinampal ko ng mahina ang pisnge niya, ngumisi siya sa akin. "Hindi pagkain ang labi ko." "Hindi nga, ang sarap naman." Mapaglaro niyang sabi. Umiling-iling ako, nawawalan ng lakas sa kanya. Hindi ko talaga kayang talunin ang pang-aasar niya sa akin, naloloka ako! "Ewan ko sayo! Tara na nga, mali-late na tayo e." sita ko. Ngumisi siya at tumango na. The engine started, he maneuvered the car slowly. Tumahimik ako at binaling nalang ang atensyon sa bintana. "Bhe, may ginagamit kang laptop?" biglaang tanong ni Karlmart. Kumunot ang noo ko, naguluhan sa tanong niya. Bakit naman niya tinatanong 'yun sa akin? "Hmm...wala, pero di ko naman kailangan 'yun e!" sabi ko. His lip protruded. "Well, you can use my laptop if ever you need it. Tayong dalawa ang gagamit no'n, para hindi ka na mahirapan sa paggawa ng mga power point mo." He said softly. Hindi ako umimik, hinayaan ko nalang siya. Ayokong sumagot, baka dumami pa ang i-offer niya sa akin e! Mabilis kaming nakarating sa iskwelahan, pinarada niya ang sasakyan sa pina-parkingan niya. Inayos ko ang sarili bago lumabas. Lumabas na din siya at mabilis na lumapit sa akin. Pinagtitinginan naman agad kami ng mga kapwa istudyante. Nahiya ako pero hindi na nakaangal pa ng hawakan niya ang kamay ko ng mahigpit. Kinagat ko ang labi at walang nagawa ng higitin niya ako paalis sa kinatatayuan namin. Nilakad namin ang department ko, magkahawak ang kamay habang nilalagpasan ang mga titig sa amin. Hindi ko nalang iyon pinansin at hinayaan nalang silang pagmasdan kami. Huminto kami sa tapat ng pintuan ng room ko, tumingin siya sa akin at ngumisi. Umiling-iling ako sa kanya at hindi mapigilang umirap. Malinaw na sinabi ko sa kanya na magiging kami kapag matapos ko ang finals! Ni-hindi pa nga kami nagmi-midterm sa second semester, grabe na kung ano ang gawin niya sa akin! Iba rin e! ibang-iba! Naguluhan ako ng nginuso niya ang labi sa akin. Tumaas ang kilay ko at napahalakhak ng mahina. Demanding po talaga siya! Hindi pa kami nyan huh, pero kung halikan ako daig pa namin ang may relasyon! Umiling nalang ako at dinampian nalang siya ng mababaw na halik sa labi. Mabilis ako umatras at ngumisi naman siya. He licked the outside of his lip, imaging my lips there! Tumalikod na ako at mabilis na pumasok sa loob. Napapangiti ako sa kabaliwan ng lalaking iyon, hindi ko tuloy mapigilan na mamula habang paupo sa upuan ko. "May jowa, teh?" nakangising tanong sa akin ni Iresh. Ngumisi ako sa kanya. "Secret." Sabi ko. "Sus, deny pa!" nakanguso niyang sabi. Umiling-iling ako at inirapan siya. "Ewan ko sayo, Iresh." "Yung taga law department ba yan huh? Yung palaging nasa labas ng room natin at hinihintay ka?" tanong niya. I smirked and nodded. "Oo." Natatawa kong sabi. "Naku, gurl bantayan mo yan! Usap-usapan pa naman sa law department na pina-partner siya kay Graciel Yerro, yung sikat na maganda na palaging pinapanglaban nila sa mga patimpalak sa pagandahan dito." Paalala niya. Kinabahan ako sa sinabi niya. Graciel Yerro? Yung crush ni Rio na kaibigan ko! Taga law department pala 'yun! Akala ko sa education siya, kaya pala hindi ko siya makita sa department ng edukasyon! At teka, pinu-pair siya kay Karlmart, bakit naman? Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa sinabi ni Iresh! "P-paano mo naman nalaman huh?" kabado kong sabi. "Sabi sa akin ng boyfriend kong classmate ng jowa mo! Palagi daw niyang nakikita si Graciel sa room nila at nagpapaturo sa jowa mo. Minsan nga ay binibigyan daw ng babae si lalaki ng pagkain, pangbayad daw sa pagtuturo. Gurl, tandaan mo marami ng ahas ngayon sa paligid. Ingat ka!" banta niya. Napalunok ako. Paanong nangyari yun? Ba't hindi ko 'yun alam? At teka, wala namang sinasabi sa akin si Karlmart tungkol doon huh! Umiling-iling ako at huminga ng malalim. Kinabahan ako kaya hindi na ako nakapag-focus sa tinuturo ni Mr. Malibago. Hanggang sa matapos ang klase niya iyon parin ang tumatakbo sa isip ko. I felt a hallow shadow inside my heart. Hearing and knowing about it makes me weak. Halos bagabagin ako ng isipin na iyon hanggang sa matapos ang klase namin sa araw na ito. Tulala ako ng lumabas sa klasrum, hinang-hina dahil walang Karlmart na sumalubong sa akin. Nasaan siya? Bakit wala siya dito ngayon? Posible kayang na kay Graciel Yerro siya ngayon? s**t! Huminga ako ng malalim at nanghihinang bumaba sa building namin. Unti-unting nanubig ang mata ko, nadadala sa bigong nararamdaman. Bukod sa akin, may iba pa siyang babae? Paano yung sinasabi niyang gusto niya ako, totoo ba iyon? O, baka pinaglalaruan niya lang ulit ako? Yumuko ako at hindi mapigilang umiyak sa prustasyong nararamdaman. Umiling-iling ako sa sarili at mabilis na pinahid ang luha sa pisnge. Totoo ang sinabi ni Iresh, at baka nandoon nga siya ngayon sa babaeng iyon! Hanggang ngayon hilig niya parin ang maglaro ng tao! Nakakainis! Nakakabwesit! s**t siya! Mabilis akong lumakad sa hallway, hindi ko nalang pinansan ang mga taong nakakasabay ko. Hawak-hawak na mahigpit ang librong dala, kinagat ko ang labi at nagmadaling naglakad. Natigilan lang ako ng marinig ang pangalan ko sa dagat ng mga tao. "Angel Bheeee!" Kumunot ang noo ko, bumalik ang inis ng mapagtanto na si Karlmart ang tumatawag sa akin. Huminga ako ng malalim at mabilis na naglakad. Hindi ko siya haharapin ngayon, baka masabihan ko lang siya ng masasama. Lumabas ako sa gate at mabilis na pinara ang tricycle, sumakay ako doon at hindi na nagpapigil pa sa pag-alis. Pagkarating sa tapat ng bahay namin, nagbayad ako ng pamasahe at walang lingon-lingon na pumasok sa loob ng bahay. Halos hindi ko na rin mapansin si nanay Rosalia dahil nagmamadali akong umakyat papunta sa kwarto ko. Pumasok ako sa kwarto at frustrated na humiga sa kama. Tinabon ko ang unan sa ulo ko habang ang luha ay namumuo na naman. Umiyak ako sa kama, punong-puno ng frustration ang nararamdaman. Pumasok sa isip ko ang mga bagay na maaaring nagawa na nilang dalawa. Baka kapag silang dalawa nalang sa klasrum nila, gumagawa na pala sila ng mga masasagwa, tulad ng halikan, o di kaya'y mas malalim pa doon! Knowing Karlmart, siguradong hindi siya magpapapigil sa tukso! Ang mga lalaki pa naman kapag nilalapitan ng biyaya, tanggap ng tanggap! Bwesit! Naiinis ako at punong-puno ng frustration ang puso ko! Narinig ko ang katok sa pinto ko, natigilan ako sa pag-iyak. Pinahid ko ang luha sa mata at huminahon. "Hija, pwede ko bang papasukin itong bisita? Gusto ka niyang kausapin e." nanay Rosalia said behind the door. Kumunot ang noo ko, nagtaka kung sino ang sinasabi niyang bisita. Wala naman akong inaasahan na bisita huh! Sino 'yun? "N-nanay, wala naman akong inaasahan na bisita e." sabi ko. Hindi na sumagot si nanay Rosalia, nagulat ako ng bumukas ang pinto at napasinghap ng makita ang lalaking seryoso ang tingin sa akin ngayon. Napailing ako at umatras papunta sa headboard, gulong-gulo kung bakit nandito si Karlmart Jarden Heinrich. Pumasok siya sa loob, nagmistulang maliit ang kwarto ko ng pumasok siya. Sinarado niya ang pinto at ni-lock. Umiling-iling ako at takang-taka sa kanya. Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya dito? Hindi ko siya pinapasok sa loob ng kwarto ko, kusa siyang pumasok na walang approval ko. s**t! "A-anong ginagawa mo dito huh?" nautal kong sabi. Huminga siya ng malalim at lumapit sa akin. Nanlaki ang mata ko ng inisa-isa niyang tinanggal ang butones sa uniform niya, hinubad at nilagay sa upuan ng study table ko. Gulat na gulat ako, lalo pa't kitang-kita ko ang ma-muscle niyang braso. Ang puti ng balikat niya pababa sa braso, bakat pa doon ang linya ng suot niyang puting sando. Napalunok ako at namawis sa nakikita. Sunod niyang tinanggal ang sapatos, pagkatapos ay lumapit siya sa akin na walang alinlangan. "S-saan ka pupunta? W-wag ka ngang lumapit sa akin!" inis kong sabi. Bumuga siya ng malalim na hangin, umupo sa kama ko at tinitigan ako ng malalim. Umiwas ako ng tingin, nakakalunod kasi ang mga namumungay niyang mata. "Anong nangyari sayo?" he said huskily. Hindi ko siya pinansin, hindi ko din siya binalingan. Naiinis ako sa kanya dahil sa nalaman ngayong araw. Nakakabwesit! Sabi ko na e, magiging ganito talaga ako kapag malaman kong may ibang babae siyang ine-entertain e! Umusog siya palapit sa akin, mas lalo akong sumiksik sa headboard ng kama ko. Hindi pa siya nakuntento at sumakay na ang buong katawan niya sa kama ko. "W-wag ka ngang lumapit sa akin!" inis kong sabi. Ngumiti siya ng marahan. Nakalapit na siya ng tuluyan sa akin, marahan niyang inabot ang kamay ko at hinaplos ako. Napalunok ako sa ginawa niya. Na-hypnotize na ako sa haplos niya kaya hindi ako nakaangal ng mabilis niya akong hinila at niyakap pahiga. Nagulat ako sa ginawa niya, hinigpitan niya pa ang yakap kaya hindi ako nakawala. He sighed deeply. "A-ano ba! Bitawan mo nga ako!" inis ko paring sabi. He shook his head. "No. I love this better." He said gently. Hinampas ko ang balikat niya, siniksik ko ang mukha sa dibdib niya, amoy na amoy ang mabango niyang kili-kili. "Ayokong kayakap ka! Alis nga kasi e!" pilit ko. He shrugged his shoulder, hug me tightly. "We have to do something with your problem." --- Alexttott   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD