Kabanata 3
Nahulog
Hindi ko mapigilang matawa sa itsura ng katabi ko ngayon. Nakanguso ang labi niya, ang noo ay kunot at ang mga mata ay papunta na sa pag-iyak. Kanina, habang nag-uumpisa palang ang movie na pinapanood namin, ang kulit-kulit niya sa akin. Ngayon, halos yumakap sa akin dahil sa kadramahang nararamdaman.
Well, the movie is heavy pain! Masaya sa umpisa, masakit na sa huli. Kadalasan sa totoong buhay kung mangyari. Mahuhulog, magmamahal at sa huli, iiyak kasi nasaktan! Ganyan naman ang ikot ng pag-ibig e! Masaya lang sa umpisa, kapag nadaanan na ng panahon, lumalamig at sa huli'y naghihiwalay. Ang tanong ko, bakit kaya kailangan pang magmahal ang isang tao? Bakit kaya kailangan pang tumibok ang puso mo sa isang tao din? At bakit kaya kailangan mong masaktan?
Required bang kapag magmahal ka, dapat ay masaktan ka kasi para mas maging matatag ang puso mo? Para sa susunod mong pag-ibig, hindi ka na gaanong masasaktan? Ganoon ba? Bakit, kailangan ba talagang dumaan ka sa maraming relasyon bago mo mahanap ang tunay at huling pag-ibig? Hindi ba pwedeng mag-stick to one ka lang at kapag masiguro mong siya na nga ang nararapat, siya ang makakasama mo hanggang sa huli?
Hindi ko talaga maintindihan ang proseso ng pag-ibig. Ang dami kong katanungan na gustong masagot. Hindi ako nakukuntento sa mga sagot ng mga may relasyon sa paligid. I want to experience that process! Para masagot ko ang sariling mga tanong. In my case, hindi ko pa talaga alam ang mga ganyan kasi hindi pa naman ako pumasok sa mga relasyon. Buhay pag-aaral lang ako, pangarap na pilit inaabot at mga magagandang pangyayari na gusto kong magkatotoo.
Kaya siguro ang dami kong mga tanong tungkol sa love kasi hindi pa naman ako naka-experience ng ganyan e! Pero ngayon, unti-unti ko na siyang nararamdaman. Yung sinasabi ng karamihan na kapag umibig ka, para kang kinikilig ng wala sa oras. Yung kapag nakikita mo siya, gumagaan lahat sa paligid mo. Yung pakiramdam mong kompleto ka kasi nandyan siya, naghihintay sayo! I felt it already, at isa lang ang masasabi ko, nahulog ako sa lalaking ubod ng kulit sa akin!
Ngayon, gusto ko siyang tanungin, bakit nga ba niya ako dinala dito? Ano ang ibig sabihin niya sa ginagawa namin ngayon? May nararamdaman ba siya sa akin? Gusto niya rin ba ako? Malaking imposible iyon dahil hindi naman siya ganito sa akin noon e! Nakapagtataka lang!
Tinitigan ko siya ng matagal, ang laki ng pinagbago niya. Hindi ko na halos makita yung sigang Karlmart noon! Ngayon, nakikita ko na sa kanya ang katangian ng papa niya. Kinakabahan ako, pakiramdam ko'y mas lalo akong nahuhumaling sa kanya.
Bumaling siya sa akin kaya nagkatitigan kami. Kumunot ang noo niya, ilang sandali'y sumilay ang isang ngisi. I sighed heavily.
"Why did you do this?" I asked bravely.
He smile sincerely.
"Because, I like you...even more," he said huskily.
Bumuntonghininga ako. Hindi ko alam kung papaniwalaan ba siya o isasa-walang bahala nalang ang sinabi niya. Knowing him, he love bullying me! Baka kapag kumagat ako sa sinabi niya, isang laro lang pala ito sa kanya. Masasaktan lang ako sa huli!
"I don't believe you." I said honestly.
He sighed deeply.
"I know. Sa mga ginawa ko ba naman sayo dati, tiyak na hindi mo na ako papaniwalaan. Pero yung sinasabi ko, galing yung sa puso ko. At kailanman ay hindi nagsinungaling ang puso ko sa akin." Malalim niyang sabi.
Pumikit ako at huminga ng malalim. I don't know! Honestly, I don't really know what to do! Wala akong karanasan sa pag-ibig, maaaring nahasa na siya dahil nagkalayo naman kami noon. Maaaring nagkaroon na siya ng karelasyon noon kaya balewala nalang sa kanya ang proseso ng pag-ibig.
Mas lalo tuloy bumigat ang nararamdaman ko. Imagining him doing things he did to me with another girl makes me jealous. Hindi ko yata kakayaning makita iyon! Baka sumabog ako sa galit at selos.
"Give me time to think of it. Tsaka teka, pag-aaral ang mas priority ko sa ngayon kaya baka matagal bago kita paniwalaan."
Umiwas siya ng tingin sa akin. Nawala na sa sistema namin ang palabas na pinapanood.
"Pwede naman nating pagsabayin e! Hindi naman ako magiging pabigat sayo, bhe." He said weakly.
Umiling ako at ngumisi. Talaga ba? Baka kapag maging kami, humirit to ng kung ano-ano! Naku! Matigas pa naman ulo nito!
"Hindi rin. Mas mabuting pag-aaral muna ang unahin natin bago sa ibang bagay." Sagot ko.
He sighed.
"Ayaw mo ba akong maging boyfriend?" nanghihina niyang tanong.
Tinitigan ko siya sa mga mata. Gustong-gusto! Gusto kong siya ang maging unang boyfriend kasi komportable ako sa kanya. Gusto kong maranasan kung paano nga ba magmahal ang isang katulad niya. Gusto ko siyang makasama sa mga bagay na gagawin ko. Gusto ko siyang mahalin katulad ng sinasabi ng puso ko ngayon pero nangangamba pa ako. May nagsasabi sa isip ko na mas unahin ko ang pag-aaral bago ang anumang bagay!
Na kapag makapagtapos naman ako, pwede ko namang gawin yun! Pero bakit parang tumututol ang puso ko? Bakit sinasabi nitong sumubok ako sa kanya! Na hayaan ko siyang mahalin ako! Nalilito ako, naglalaban ang puso at isip ko sa ngayon. My mind want me to focus on my studies, but my heart want me to try to love.
"Gusto pero mas uunahim ko ang pag-aaral ngayon."
He smiled.
"Talaga? Gusto mo akong maging boyfriend?" ulit niya.
Bumuntonghininga ako. Ang kulit diba!
"Oo nga pero mas bibigyan ko muna ng halaga at oras ang pag-aaral ko!" sagot ko.
"So kailan mo naman ako magiging boyfriend, hmm?" sa malambing na tinig.
Napakagat-labi ako sa tanong niya. s**t! Na-hot seat ako sa kanya ngayon!
"Ewan..."
"Bakit ewan? Magbigay ka ng petsa, taon o buwan kung kailan mo ako magiging boyfriend para naman may asahan na akong panahon sayo!" demand niya.
Wow! May ganoon? May petsa, taon at buwan talaga para maging nobyo ko siya! Wow! Just wow! Unbelievable!
Pero teka, kailan nga ba? Well since nandito naman kami sa bagay na ganyan, mas mabuting mag-set kami ng pahanon para sa hinihingi niyang relasyon. Kailan ba ako pwedeng pumasok sa relasyon? Hmm, twenty na ako at twenty one na siya, parehong nasa college at nag-aaral sa parehong iskwelahan, siguro kapag mag second year na ako! Tama! Kapag mag-second year na ako! Pwede din naman kapag makapasa ako sa second semester finals, tsaka ko siya pwedeng maging nobyo!
"Kapag makapasa ako sa finals, pwede na." mahina kong sabi.
Tumango-tango siya at ngumisi sa akin.
"Sus, pustahan tayo hindi pa nga magpa-finals, akin ka na." bulong niya.
Ngumuso ako at kinurot ang pisnge niya. Tumingin siya sa akin na nanlalaki ang mata. Ano na namang nangyari sa kanya?
"Bhe, diba sabi mo pwede kitang halikan kapag nasa private place tayo?" mapaglaro niyang sabi.
What? s**t! Bakit niya pa naalala 'yun?
"B-bakit naman?" utal kong sagot.
He smirked sardonically.
"Hmm, nasa private place lang naman tayo kaya pwede kitang halikan." Masaya niyang sabi.
Patay na! Bakit ko pa kasi sinang-ayunan iyon? s**t na!
"E-ewan! H-hindi ko alam..."
"Uyy, wag ka namang ganyan! Tuparin mo naman ang pinangako mo!" nagtatampo niyang sabi.
What the? Seryoso ba talaga siya? Dito talaga namin gagawin iyon? Atsaka, hindi ko pa naman siya boyfriend huh! Bakit nagdi-demand siya ng ganito sa akin!?
"P-pero kasi...hindi pa naman tayo para gawin yun e!" nahihiya kong sagot.
Umiling-iling siya, para bang na-disappoint sa sinabi ko. Petchay na! Anong gagawin ko? Pwede ba talaga naming gawin iyon kahit hindi pa kami magkarelasyon? May ganitong sistema ba sa ibang mga tao? Huminga ako ng malalim at parang binagsakan ng langit sa lupa dahil sa pinasok na kondisyon! Bahala na nga!
Umatras pa siya at hindi na ako nilingon pa. Umiling-iling pa at nakanguso ang labi. Putragis naman oh! Ang demanding naman ng unggoy na 'to! Anak talaga siya ng papa niya!
"Oh sige na nga! Pinapa-guilty mo ako e!" pagpayag ko.
Mabilis siyang lumingon sa akin, nakangisi pa ang labi! Lumapit pa hanggang sa ilang metro nalang ang layo ng mukha namin.
"Pikit ka." Namamaos niyang sabi.
Nagtaka ako, bakit kailangan ko pang pumikit?
"At bakit naman?"
"Para maramdaman mo ang labi ko." malalim niyang sabi.
Shit naman talaga!
"Pero teka, may ganito ba talagang nangyayari? I mean...kahit hindi pa tayo tapos pwedeng mag-kiss?" takang tanong ko.
Tumango siya at ngumisi sa akin.
"Oo, meron naman! Ang tawag sa gagawin natin ay kiss practice! Ang purpose nito ay maging magaling tayo sa paghahalikan para hindi ka na maghanap ng ibang labi kapag maging tayo na!" eksplenasyon niya.
Totoo ba? Bakit parang ngayon ko lang narinig ang salitang iyon? Kiss practice? May ganoon ba talaga? Napaisip ako, kung sa bagay nakikita ko naman sa university yung mga hindi magkarelasyon pero mas higit pa sa kiss practice ang ginagawa! Tama! May ganong practice nga!
"Sa bagay, at least magiging hasa na tayong humalik sa isa't-isa." Pagsang-ayon ko.
Mas lalong lumapad ang ngisi niya sa labi. Tumango-tango pa sa akin.
"Tama! Oh diba, tinuturuan kita sa mga ganitong bagay! Pero teka, sa akin mo lang gagawin ang kiss practice! Hindi pwede sa iba baka mabastos ka at syempre magagalit ako! Maliwanag?" utos niya.
Natural! Kanino ko naman gagawin ang kiss practice? Kay Rio? Naku, baka ma-turn off lang iyon sa akin!
"Oo naman." Sabi ko.
Ngumisi siya at tumango.
"Now, close your eyes." Utos niya ulit.
Huminga ako ng malalim, tumango bago ipikit ang mata. Hinintay kong may labing lalapat sa akin ngunit wala naman kaya balak ko na sanang imulat ang mga mata ng biglang niyang sakupin ang labi ko ng marahan. Natameme ako! Nagulat at bumilis ang t***k ng puso ko. Bumagal din ang paghinga ko, animo'y hinihigop ng labi niya ang buong lakas ko.
Hindi ko mawari pero habang tumatagal ang labi niya sa akin, unti-unti kong nararamdaman ang pusong natutunaw sa kanya. His lip...melting me like an ice! Minulat ko ang mga mata, una kong nakita ay ang mata niyang nakapikit at damang-dama ang labi ko. Hindi pa siya nakuntento, sinapo niya pa ang mukha ko at mas lalong pinailalim ang halik niya sa akin.
Hindi ko alam kung paano humalik pabalik kaya ang ginawa ko ay sinundan ang bawat lapat ng labi niya sa akin. When he deep the kiss, I deepen too. When he nipped my lower lip, I did it too. Naging mabilis ang halikan namin, nalulunod ako sa sarap ng labi niya. Ang lambot, ang sarap lasapin ng bawat lapat ng basa niyang labi.
Isang malalim na halik pa ang ginawa niya bago maghiwalay ang labi namin. Umiling-iling siya bago huminga ng malalim.
"f**k it..." bulong niya.
Kumunot ang noo ko, pinagmasdan ko siya ng matagal. Ang bilis ng paghinga niya, namumula din ang tainga maging ang leeg. Kitang-kita ko iyon dahil sa liwanag ng screen. Inangat niya ang ulo at tumingin sa akin ng namumungay ang mata.
"I like you even more." He said meaningfully.
I sighed. Kala ko kung ano na!
"Tapos na?" tanong ko.
Tumango siya at nahihirapang tumingin sa akin.
"Oo. Baka umabot tayo sa hindi mo magugustuhan." Makahulugan niyang sabi.
Tumango ako at ngumiti. Mabuti naman, matatapos nalang kasi ang movie hindi ko pa naiintindihan ang buong istorya niya! Ang dami kasing demand nitong unggoy na 'to e!
After the movie, nag-isip pa kami ng pwedeng gawin. Hindi pa naman gabi kaya may oras pa kami. We decided to buy a milk tea, nasa harap ako ng stall ng bilihan ng milk tea habang si Karlmart ay naghahanap ng mauupuan namin. Naghintay akong matapos ang naunang customer sa akin, pagkatapos ng ilang oras, ako naman ang sumunod.
I ordered two big sized of choco milk with chocolate syrup on top. Kinuha ko na ang wallet ng makitang patapos na ang saleslady sa paggawa ng order ko. Bigla namang tumabi sa akin si Karlmart habang hawak-hawak ang isang libo. Kumunot ang noo ko sa kanya, ako ang magbabayad at hindi siya!
"Magkano lahat, miss?" tanong niya.
"Karlmart, ako ang magbabayad at hindi ikaw!" sita ko.
Umiling siya.
"No way! Ako ang lalaki dito kaya ako ang magbabayad." Matigas niyang sabi.
Kinagat ko ang labi, kinurot ko siya sa baywang niya.
"Aray... ouch—bhe naman ang sakit," hiyaw niya.
Inirapan ko siya. Di porket siya ang lalaki sa amin, siya na ang may kakayahan na magbayad! Well, mabuti nga 'yun e! At least, hindi mababawasan ang allowance ko!
"Osige, bayaran mo tutal ikaw naman ang naghahabol sa akin e!"
Umiling siya sa akin at ngumuso.
"Wow! Ang yabang porket baliw na baliw ako sa kanya!" hirit niya.
Umiwas ako ng tingin, namula sa sinabi niya.
"B-bilisan mo nga dyan!"
"Haha, miss yung bhe-bhe ko namumula oh!" pang-aasar niya pa sa akin.
Napatingin ako sa saleslady, nakangisi na siya sa akin ngayon. Lintek, nakisabay pa 'tong babae na 'to!
"Pag hindi ka tumigil Karlmart Jarden Heinrich, hindi na talaga kita papansin!" banta ko.
Tumikom ang bibig niya at umiling-iling nalang sa babae. Mabilis niyang binigay ang bayad, pagkabigay ng sukli ay umalis na kaagad kami. Inirapan ko siya ng makaupo kami sa donut style chair. Mabilis niyang nilagay ang braso sa likod ko, tumingin sa akin na nakangisi ang labi.
"Ba't tinatarayan mo ako, bhe?" pa-inosenteng tanong niya.
Isang kurot pa ang ginawa ko sa braso niya, naiinis sa sinabi niya doon sa saleslady. Bwesit, nakakahiya tuloy!
"Aray huh! Naku, hindi pa nga tayo mag-asawa nyan pero grabe na kung abusuhin mo ako." Bulong niya.
Mas lalo akong umirap. Kinalma ko nalang muna ang sarili, kukunin ko na sana ang milk tea ko sa kanya ngunit hindi niya binigay. Instead, nilagay niya ang straw nung akin at tsaka minuwestra ang milk tea ko sa harap ng bibig ko.
"What are you doing?" mariin kong tanong.
"Ako ng hahawak ng milk tea mo. Reyna kita kaya dapat pinagsisilbihan kita." Namumungay mata niyang sabi.
Lumambot ako, kumaripas ng t***k ang puso ko. Huminga ako ng malalim at ngumiti sa kanya. Sige na nga! Tinanggap ko ang ginawa niya, sumipsip ako sa milk tea na hawak niya. Nang matapos ako, nanlaki bigla ang mata ko ng siya naman ang sumipsip sa ginamit kong straw.
"H-hoy ano yan? May sarili kang milk tea huh?" tanong ko.
Huminga siya ng malalim.
"Gusto ko 'to e! Atsaka, wala na dapat malisya kasi naghahalikan naman na tayo e!" katwiran niya.
Umiling ako at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya. Ibang klase! Hindi pa nga kami nyan huh, pero mas daig pa namin ang magkarelasyon sa ginagawa niya! Wala akong nagawa kung 'di hayaan siya. Pagkatapos kong sumipsip, siya naman. Salitan kami sa iisang straw, nagpapalitan ng laway.
Pagkatapos namin sa paglalaro ng mga pangbata sa tom's world, naisipan ko na din na umuwi. Gabi na din kasi at baka hanapin na ako ni nanay Rosalia sa mga oras na ito. Karlmart agreed so we decided to go home. Sakay-sakay sa kotse niya, tahimik kong pinagmamasdan ang kagandahan ng kamaynilaan. Nalilibang ako sa mga nagtataasang gusali kaya hindi ko napansin ang mga tanong ni Karlmart.
"Bhe?" pukaw niya ulit sa akin.
Lumingon ako sa kanya, nakataas ang kilay.
"Oh?"
"Gagawan mo ako ng breakfast bukas?" tanong niya.
Tumango ako. Gaya ng pangako ko sa kanya, gagawan ko siya ng almusal. Naawa din ako sa kanya kasi hindi siya nakakakain sa umaga. Mahirap pa naman ang law kaya dapat busog siya para maging maayos ang pag-aaral niya sa abogasya.
"Yup! As I promised." Sagot ko.
Ngumiti siya sa akin ng matamis. Hindi ko tuloy mapigilang mapatitig sa labi niya. Hindi ko parin makalimutan kung gaano kalambot at kasarap lasapin ang labi niya.
"You want to kiss me?" he said playfully.
Umiling-iling ako at umiwas ng tingin. Nahi-hypnotize ako sa labi niya!
"Come on! If you wanna kiss, just go ahead. I won't mind, bhe! Anyway, it's all yours." Dagdag niya pa.
Pinanlakihan ko siya ng mata.
"Mag-drive ka nalang dyan." Sagot ko.
Ngumisi siya at nag-focus nalang sa pagmamaneho. Ilang oras ang tinagal namin bago huminto ang kotse niya sa tapat ng bahay ni nanay Rosalia. Sa isang buwan namin bilang magkasama, nakabisado na niya lahat ng meron ako. Kaya hindi kataka-taka na pati suot kong panty at bra ay alam niya na!
Sinukbit ko ang bag sa likod, binuksan ang pinto at lumabas na. Lumabas din si Karlmart at lumapit sa akin. Napasinghap ako ng bigla niyang abutin ang labi ko. Aba'y nakakarami na siya huh!
"Good night kiss 'yun." Marahan niyang sabi.
Umiling ako at inirapan siya ulit.
"Heh! Abusado ka rin e!" asik ko.
Ngumisi siya at dinampian ulit ako ng mabilis na halik.
"Text-text tayo para masaya." Sabi niya.
He had my phone number, and I don't know where did he get it. Si Rio at nanay Rosalia lang naman ang nakakaalam ng number ko.
"Subukan ko."
Ngumuso siya.
"Replayan mo naman mga text ko! Ito naman, feeling famous!" pang-asar niyang sabi.
Inirapan ko ulit siya.
"Heh! Oo na, sige na! Magri-reply na ako!" sagot ko para matigil na siya.
Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya, mabilis akong tumalikod at pumasok sa gate ng bahay. Umiling ako sa sarili at napangiti ng wala sa oras. Ibang klase din ang lalaking 'yun e! Napaka-demanding talaga! Nagtaka ako ng hindi marinig ang tunog ng pag-alis niya, bigla namang nag-vibrate ang cellphone ko sa loob ng bag. Mabilis ko 'yung kinuha at tinignan ang text.
Phone number:
G'night, bhe. Hope you enjoy our first date. Sweet dreams of me
Nakapangiti ako sa text niya. s**t naman, kinikilig ako! Nagtipa ako ng reply, gaya ng pangako ko ulit.
Ako:
Good night, Mr. kulit! Ingat sa pag-uwi!
Umiling-iling ako bago i-send sa kanya. Hindi ko din naman maipagkakailang naging masaya ako sa unang labas namin. At mas lalo akong nahulog sa kanya.
---
Alexxtott