Kabanata 2
Ayusin
Karlmart always surprised me, palagi siyang nasal abas ng room namin. Hinihintay ako sa anumang gagawin ko. Halos sa buong araw, magkasama kami. Hindi niya ako tinatantan kahit sa pag-uwi. Ngayon, napagtanto kong nag-iba na siya. Hindi na siya yung bully na batang lalaki noon. Hindi na siya nananapak ng bigla-bigla kapag may tumatawag sa akin sa pangalawang pangalan ko. Hindi ko alam pero yung puso ko, unti-unti na niyang nakukuha.
Sa araw-araw na magkasama kami, hindi ko maipagkailang masaya ako. Kahit pa binu-bwesit niya ako sa mga corny lines niya, hinahayaan ko nalang iyon kasi alam kong ganyan talaga siya bilang lalaki. Napansin ko ding marunong na siyang umintindi sa mga nararamdaman ng ibang tao. He changed a lot! Hindi lang physical kung 'di ang buong lahat sa kanya.
Hindi rin maiwasang tumibok ng mabilis ang puso ko sa tuwing nagpapahiwatig siya sa akin. Palagi niyang sinasabi sa akin ang tungkol sa mga plano niya. Pati yung pagbibigay niya ng bangko sa akin kung tatanggapin ko ang alok niya. Mahirap mang paniwalaan pero alam kong totoo ang sinasabi niya.
Si Karlmart kasi ang tipo ng lalaki na kung ano ang gusto niyang gawin, gagawin niya talaga. Hindi siya nakikinig sa mga opinyon ng magulang niya, pati sa mga kapatid ay baliwala lang. Ang gusto niyang gawin ay masusunod. Kaya mahirap din siyang pagsabihan kasi kapag nagdesisyon na yan, hindi mo na mapipigilan.
Huminga ako ng malalim pagkatapos ng long quiz namin sa asignaturang Accounting Information System. Hindi naman ako nahirapan sa mga understanding question, mas nahirapan ako sa solving. Pero alam ko naman kahit papaano'y makakapasa ako. Malapit na din ang midterm namin, sa katapusan na ng buwan na ito. Kailangan kong mag-aral ng mabuti, ayokong mag-fail sa midterm namin.
Nagsilabasan na ang mga classmate ko, bumuntonghininga muna ako bago ko makita si Karlmart na papasok sa room namin. Ang gwapo at linis niyang tignan sa puting polo. Tapos naka-clean cut pa siya, lalaking-lalaki sa paningin ko. Umayos ako ng upo, lumapit siya at ngumiti.
"Kumusta yung quiz, bhe? Nakapasa ka ba?" Marahan niyang tanong.
Tumingin ako sa kanya at ngumiti. He helped me with my study yesterday. Kahit alam kong wala siyang kaalam-alam sa accountancy, sobra talaga akong nagulat ng turuan niya ako sa subject na iyon. Mas alam niya pa nga kaysa sa akin e! Sobra kong na-appreciate ang ginawa niya kahapon, hindi madali para sa kanya bilang isang law student ang subject ko.
"Siguro. Confident naman ako sa mga sagot ko e!" Sagot ko.
Tumango siya at ngumiti. Umupo siya sa tabing upuan ko, tinitigan ako ng malalim.
"Talaga? Aba'y dapat lang na makapasa ka kasi ako ang nagturo sayo nun!" Hambog niyang sabi.
Ngumisi ako at inirapan siya. Kahit kailan talaga hindi mawawala sa kanya ang pagiging mahambog! Well, may ibubuga naman siya pero kasi nakakairita lang minsan.
"Ang hambog mo talaga!" Nakangisi kong sabi.
Inabot niya ang baba ko at pinisil ng marahan. Inirapan ko siya at sinimangutan.
"Alam mo, dapat palagi kang nakangiti para mas maganda ka. Nagmumukha ka kasing matanda kung palaging nakasimangot e! Ngiti ka, katulad nito!"
Sabay pakita niya sa akin ng malaki niyang ngiti. Nawala ang pagsimangot ko at napatawa sa mukha niya. Umiling ako at huminga ng malalim. Napatigil siya sa pagngiti at seryosong tumingin sa akin. Hindi ko naman mapigilang mapatitig sa kanya, unti-unting lumapit ang mukha niya. Hiningal ako at bumilis ang pagtibok ng puso ko. Hindi ko siya napigilan kaya ng dumampi ang malambot niyang labi sa akin, napapikit ako at napahinga ng malalim.
Sobrang lambot ng labi niya, mas lalo pa akong nanghina ng pinailalim niya ang paghalik sa akin. Minulat ko ang mga mata at tumingin sa kanya, nakasarado ang magaganda niyang mga mata na para bang nadadala sa halikan namin. Well, this is not my first kiss. I remember how he took my first kiss before. Bata palang kami nakuha na niya ang unang halik ko, bagama't matagal na pero hanggang ngayon ay lasap na lasap ko parin ang bata niyang labi.
Isang halik pang malalim bago siya humiwalay sa akin. Bumuga siya ng malalim na hangin at umiwas ng tingin sa akin. Pansin na pansin ko ang pamumula ng tainga at leeg niya, kinagat ko ang labi para mapigilang hindi matawa sa kanya.
"Damn it!" Mahina niyang sabi.
Ngumisi ako at kinunutan siya ng noo.
"Ano yon?" Inosente kong tanong.
Huminga siya ng malalim at bumaling sa akin na mapupungay ang mga mata.
"Inaasar mo ba ako huh?" Nanlalaki ang butas ng ilong niya.
Umiling ako at ngumisi sa kanya.
"Hindi naman! Bakit? First kiss mo ba iyon, hmm?" Pang-aasar ko pa.
Umirap siya at ngumuso. Pulang-pula na ang kanyang leeg pababa sa dibdib. Sobrang apektado sa ginawa niyang halik sa akin.
"Hindi! Tss! Bakit ba huh? s**t naman!" Natutuliro niyang sabi.
Tumawa ako at hinampas siya ng mahina sa balikat. Parang bakla naman 'to kung mag-react!
"Inaano ba kita huh? Ikaw nga itong humalik sa akin e!" Bwelta ko.
Nanlaki ang mata niya at humina ang paghinga. Umiwas siya ng tingin sa akin at umiling-iling. Ano bang nangyayari sa kanya? Parang halik lang kung makapag-react naman ito parang sira!
"s**t naman bhe! Oo na! Second kiss kita!" Pag-amin niya.
Ngumuso ako. May nahalikan ba siyang iba? Sa pagkakatanda ko, ako ang unang halik niya! May naging girlfriend ba siya sa probinsya namin?
"May nahalikan kang iba?" Seryoso kong tanong.
Namula ang pisnge niya at huminga ng malalim.
"Wala! Ikaw ang unang halik ko nung mga bata tayo, kaya kino-konsidera ko yun bilang unang halik ko! Tapos ito naman ang matagal kong second kiss! s**t naman oh! Oo na, ikaw lang ang babaeng nahalikan ko at gusto ko pang halikan!" Matapang niyang sabi.
Tumango ako at nakahinga ng mabuti. Akala ko nagkaroon siya ng ibang babae, nakaramdam pa naman ako ng panghihina kanina! Gusto kong, ako lang ang halikan niya! Gusto kong, ako lang ang guluhin niya! Gusto kong, ako lang ang habulin niya! Nakakabwesit man pero nasanay na naman ako sa presensya niya! Bumalik na naman ako sa dating sarili na mabilis ma-attached sa kanya! Gusto ko, ako lang ang papansin niya! Ako lang ang makikita ng mga mata niya kasi mababaliw yata ako kung malaman o makita kong may iba na siyang babae na kinababaliwan!
I smiled at him. Sa isang buwan niyang panggugulo sa akin, lumalim na din ang samahan namin. At hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano-ano kapag kasama ko siya. Lumapit ako sa kanya at dinampian pa siya ng isang halik sa labi. Nanlaki ang mata niya sa ginawa ko. Ngumiti ako at sinapo ang mukha niya.
"That's our third kiss." Nanunukso kong sabi.
Kinagat ko ang labi at binitawan ang mukha niya. Tumayo ako at kinuha na ang mga gamit ko. Mabilis din siyang nagising sa ginawa ko, tumayo at kinuha ang libro ko na nasa lamesa. Ngumiti siya sa akin at kinindatan ako.
"Naughty ka pala, bhe! Sana gawin mo yan sa akin araw-araw." Nakangisi niyang sabi.
I rolled my eyes and smirk at him. Abusado din ang unggoy na 'to e! Sabay na kaming lumabas sa room na magkahawak-kamay. Napatitig ako sa kamay naming magka-holding hands, umiling ako at ngumisi nalang. Huminga ako ng malalim at hinayaan na lamang iyon.
Since, tapos na ang klase ko sa araw na ito, naisapan kong umuwi nalang para makapagpahinga ngunit hindi pumayag si Karlmart.
"No! Magdi-date tayo ngayon. Tutal tapos na din ang klase ko, mas magandang lumabas tayong dalawa at magsaya." Pangungulit niya.
Wala akong nagawa kung 'di sumama sa kanya. Pinasakay niya ako sa kotse niya, kinabitan ng seat belt bago kami umalis sa university. Amoy na amoy ko ang mabangong amoy ng kotse niya, parang sa tuwing sasakay ako dito'y iba't-ibang pabango ang ginagamit niya.
"Saan naman tayo pupunta huh?"
Bumaling siya sa akin at ngumisi.
"Saan ba maganda mag-date? Sa mall? Sa Enchanted Kingdom? O, manood nalang tayo sa sinehan?" Suhestiyon niya.
Napaisip ako, saan ko ba gustong pumunta? Nakapunta na ako EK, nakapunta na din ako sa mall! Sa sinehan nalang ako hindi pa nakapunta kasi wala akong oras para manood ng sinehan! Gusto ko ring ma-experience kong paano manood sa malaking screen! Makaupo sa nakaka-relax na upuan at kumain ng popcorn.
"Movie marathon nalang tayo!" Sagot ko.
Tumango siya at ngumiti sa akin. Pinagmasdan ko ang mga matataas na building na aming dinadaanan. Maganda ang Manila, malawak at magaganda ang mga gusali. Ang problema lang sa lugar na ito ay maraming taong masasama. Delikado ang lugar na ito sa gabi, kaya minsan kapag umuuwi ako todo ingat ako sa mga daan.
Pinark ni Karlmart ang sasakyan niya sa isang kilalang mall. Inalis ko ang seat belt at huminga ng malalim. Binuksan ko ang pinto at lumabas na. Lumapit sa akin si Karlmart at hinawakan ang kamay ko. Pumasok kami sa entrance ng mall na magkahawak-kamay. Mahigpit ang hawak niya kaya naging comfortable ako. Bumaling siya sa akin.
"Kain muna tayo?" Tanong niya.
Tumango ako at ngumiti. Nagugutom na din ako kaya pumayag ako sa alok niya. Sa isang fine restaurant kami pumasok, pinaupo niya ako sa napili niyang lamesa. Umupo siya sa harap ko at huminga ng malalim.
"Anong gusto mong kainin?" He asked softly.
Binuksan niya ang food menu at binasa. Kinuha ko din ang menu sa harap ko at naghanap ng kakainin. Natakam ako sa mga pagkaing nakalagay sa food menu, lahat ay masasarap! Huminto ang mata ko sa isang pagkain na nakaagaw atensyon sa akin.
"Gusto ko itong special kare-kare nila with rice tapos pineapple juice." Sagot ko.
Tumango siya at iyon din ang piniling pagkain. Lumapit ang waiter sa amin at binigay ni Karlmart ang order namin.
"Dalawang order ng special Kare-kare at walong kanin, isama mo na rin ang dalawang pineapple juice para sa inumin namin." He said to the waiter.
Mabilis na tumugon ang lalaking waiter at umalis sa harap namin. Huminga ng malalim si Karlmart at tumitig sa akin.
"Pa-kiss nga, bhe?" Nakanguso niyang sabi.
Umirap at inilingan siya.
"Sira ka ba? Nasa public tayo, Karlmart!" Mahina kong sabi.
Ngumisi siya.
"So pwede kitang halikan kung nasa private tayo?" Mapaglaro niyang sabi.
Kinagat ko ang labi at umiling-iling sa kanya. Siraulo talaga ang lalaking ito!
"Ewan ko sayo!"
"Kinakahiya mo ba ako huh?" He asked pouting.
"Anong kinakahiya ka? Ano bang pinagsasabi mo dyan!"
He rolled his eyes.
"Sus! Grabe ka naman bhe sa akin! Sa gwapo kong ito, ikakahiya mo pa!" Nagtatampo niyang sabi.
Umiling-iling ako at ngumisi sa kanya. Outspoken person talaga siya! Kung anong gustong gawin o sabihin ay gagawin niyang walang alinlangan! Sa pagkakatanda ko, hindi naman ganito si Sir Karl sa asawa niya huh! Saan kaya nagmana itong si Karlmart?
"Hindi kita kinakahiya! Huwag lang tayo dito kasi ang daming tao, Karlmart!" Mahinang sabi ko.
Ngumisi siya at nawala ang pagtatampo sa mukha niya.
"So, pwede kitang halikan sa private? Yung tayong dalawa lang ganun, bhe?" Hirit niya.
Umiling-iling ako at inirapan siya.
"Oo na! Ang kulit mo din e!"
Wala akong ibang paraan kung 'di pumayag kasi kung tatanggi pa ako, hihirit ng hihirit itong kumag na 'to sa akin! Baka humaba pa ang usapan namin tungkol sa gusto niyang gawin!
"Talaga? Sabi mo yan huh!" Nakangisi niyang sabi.
Huminga ako at tumango sa kanya. Dumating naman ang pagkain namin kaya umayos ako ng upo. Nilagay ng waiter ang juice namin sa lamesa, nagsimulang magdasal si Karlmart pagkatapos ay kumain na kami. Ang daming kanin ang in-order niya, gutom na gutom yata ang lalaking ito!
"Gutom ka?" Tanong ko.
Huminto siya sa pagsubo ng kanin at tumango sa akin.
"Oo e! Wala kasing nagluluto ng pagkain sa akin e!" Mahina niyang sabi.
Kumunot ang noo ko. Bakit walang nagluluto sa kanya ng pagkain niya? Saan ba siya nakatira ngayon? Wala ba dito ang magulang niya? Siya lang ba ang nandito? Ngayon, napagtanto kong hindi ko pa alam ang ibang bagay sa kanya. Hindi ko nga alam kung saan siya nakatira e!
"Saan ka ba nakatira ngayon? Wala ba dito ang magulang mo?" Takang tanong ko.
Inabot niya ang juice at uminom. Naghintay ako sa sagot niya.
"Sa condo na tinirahan ni kuya. Wala akong kasama doon kaya sa tuwing umaga, tanging kape at tinapay lang ang kinakain ko. Sa school lang ako nakakakain kasabay ka." Sagot niya.
Naawa ako sa kanya. Hindi pala siya nakakakain ng almusal sa umaga! Kaya pala kapag lunch ay gutom na gutom siya, nakakaubos ng maraming kanin. Bakit kasi dito pa siya nag-aral? May LSU naman sa probinsya namin huh! Sikat din na paaralan iyon kaya dapat doon nalang siya nag-aral.
"Bakit kasi dito ka pa nag-aral huh?" Inis kong tanong.
Huminga siya ng malalim. Pumungay ang mga mata niya at tumitig sa akin.
"Nandito ka kasi kaya dito ako nag-aral! Saan pa ba ako mag-aaral? Alam mo namang kung saan ka ay doon din ako!" Malalim niyang sabi.
Umiling ako at umiwas ng tingin sa kanya. Ano bang pinag-iisip niya? Kung hindi siya pumunta dito, edi dapat kasama niya ang pamilya sa probinsya ngayon! Pwede naman kaming magkita pagkatapos ng pag-aaral ko kasi balak ko namang umuwi ng probinsya para magbakasyon! Hindi na dapat siya pumunta dito!
"Siraulo ka talaga!"
Ngumisi siya sa akin at kinindatan ako. Umiling ako at nagpatuloy nalang sa pagkain. Inubos ko ang dalawang extra rice samantalang naubos naman ni Karlmart ang ibang kanin. Busog na busog ako sa pagkain namin, huminga ako ng malalim.
"Salamat ulit sa pagkain huh!" Pagpapasalamat ko.
Ngumiti siya at tumango sa akin.
"Welcome again. Busog ka?" Mahinahon niyang tanong.
Tumango ako at ngumiti.
"Busog na busog ako, kaya nga nagpapasalamat ako sayo e! Hayaan mo, ipagluluto kita ng almusal mo para naman makakain ka sa umaga." Magaan kong sabi.
"So, ibig sabihin titira ka na sa akin?" Hirit niya.
Nanlaki ang mata ko at mabilis na umiling sa kanya.
"Hindi! Syempre, gagawan kita ng pagkain tapos ibibigay ko sayo sa umaga sa school." Sagot ko.
Ngumuso siya at tumango-tango.
"Ah, so palagi na akong may aasahan na almusal sa umaga?" Mapaglaro niyang tanong.
Tumango ako at ngumiti. Oo na! Magluluto ako ng almusal niya sa umaga tapos ibibigay ko nalang sa kanya sa school. At least, makakakain siya sa umaga. Magkakaroon ng laman ang tiyan niya! Marunong naman akong magluto kaya walang problema sa pagkaing gagawin ko.
"Oo na! Magkikita tayo sa gate ng university para ibigay ko sayo ang almusal mo." Nag-aalinlangan kong sabi.
Tumango siya at ngumiti-ngiti sa akin.
"Sige, bhe! Sasanayin ko yan!"
Umiling nalang ako at ngumisi sa kanya. Ilang oras pa ang tinagal namin sa restaurant na iyon bago niya napagdesisyunang umalis na kami. Sumakay kami sa escalator, hawak-hawak niya ang kamay ko habang umaandar ang sinasakyan namin. Nang makarating kami sa third floor, tinungo agad namin ang sinehan. Tinignan namin ang mga palabas ngayon.
"Maganda yata ito, bhe." Sabi ni Karlmart.
Tinignan ko ang tinuturo niyang palabas. Maganda naman ang movie poster na gusto niyang panoorin. Love story at Hollywood movie pa. Tumango-tango ako at ngumiti sa gusto niyang palabas.
"Sige, yan nalang! Mukhang maganda din siya!" Sang-ayon ko.
Tumango siya at bumili ng ticket naming dalawa. Naghintay ako sa kanya, kumunot pa ang noo ko ng makitang nakikipagtawanan siya sa cashier ng bilihan ng ticket. Ano naman kayang pinag-uusapan nila? At bakit tawang-tawa itong si Karlmart?
Naghintay pa ako sa kanya ng ilang segundo bago siya lumapit sa akin na hawak-hawak ang dalawang tickets. Kinunutan ko siya ng noo ng makalapit sa akin.
"Anong pinag-usapan niyo ng cashier? Ba't tawang-tawa ka huh?" Nakataas kilay kong tanong.
Sumilay ang ngiti sa labi niya.
"Bakit? Selos ka?" Mapaglaro niyang tanong.
Inirapan ko siya.
"Tinatanong kita kung ano ang pinag-uusapan niyong dalawa?" Matigas kong sabi.
Tumango-tango siya at inakbayan na ako.
"Wala! Ano ka ba! Ikaw parin ang bhe-bhe ko!" Bulong niya sa akin.
Siningkitan ko siya ng mata. Ngumisi pa siya sa akin ng isang beses.
"Ayusin mo lang, Karlmart Jarden Heinrich!"
---
Alexxtott