Kabanata 1
Puwang
"Bhe, saan tayo kakain ngayon? Gusto mo sa Mcdo para love ko 'to? O, di kaya sa Jollibee para bida ang saya? Which one?"
Inis na inis akong bumaling sa makulit na lalaking parang aso kung sumunod sa akin. s**t naman, hindi ko pinangarap magkaroon ng tagasunod! Hindi din ako nag-request ng bodyguard kasi hindi naman ako mayaman na! Pero bakit binigay sa akin? Bwesit naman!
Jusko, natakasan ko na nga siya nung elementary at junior high kami e! Akala ko, hanggang college ay matatakasan ko siya, hindi pala! Bwesit nasundan niya ako dito sa paaralan ko! Akala ko talaga malaya na ako sa kabaliwan at kakulitan niya! Naiinis na ako! Nabwi-bwesit sa lalaking ito! Buti nalang at gwapo siya, kung 'di baka talaga namatay na ako sa kumsumisyon!
"Ano na? Saan tayo kakain? Gutom na ako, bhe!" Pangungulit pa ni Karlmart.
Umirap ako at huminga ng malalim. Nilabag ko padabog sa upuan ko ang librong dala at bag. Hindi ako nakatakas sa kanya kanina kasi bigla niya akong nilapitan at hinarangan sa pagtakas. Nag-isip pa naman ako ng paraan para lang matakasan siya tapos naudlot pa dahil sa lalaking ito!
"May baon akong pagkain! Hindi ko kailangang kumain sa mga fast food restaurant na 'yan!" Nagpipigil kong sabi.
Ngumuso siya at sumingkit ang mata.
"So, saan ako kakain?" Nakanguso niyang tanong.
Bumuntonghininga ako. Hindi ko alam! Hindi ko kasalanan kung bakit wala siyang baon na pagkain! Yan kasi, ang hambog-hambog at hindi nagbabaon kasi gustong kumain sa mga mamahaling restawran! Iba talaga kapag may pera, nakakabwesit!
"Hindi ko alam sa neknek mo! Bahala ka na nga dyan!" Inis kong sabi.
Mabilis kong pinulot ang libro at bag. Hindi ko na siya hinintay pang magsalita, tumalikod ako at iniwan siya sa klasrum namin. Buong akala ko ay hindi na siya susunod ngunit nagkamali ako dahil sumabay siya sa akin sa paglalakad habang may nakapaskil na ngisi sa labi niya.
Lumaki ang butas ng ilong ko, nagpipigil ng inis sa kanya. Paano ko ba matatakasan ang makulit na 'to? Bakit lahat ng kilos ko ay alam niya? May list of schedule ko ba siya? s**t naman oh! Na-i-stressed na ako ngayon!
"Ang sungit mo talaga sa akin! Alam mo, matagal na akong humingi sayo ng tawad dahil sa mga ginawa ko nung elementary tayo. Atsaka hindi na nga kita ginulo nung junior high ka e! Ngayon gusto kong itama lahat ng kasalanan ko sayo. Wag ka namang masungit sa akin...please, bhe?" Nagtatampo niyang sabi.
Umiling ako at huminga ng malalim. Isa pa sa kinaiinisan ko ay ang pagtawag niya sa akin sa second name ko. s**t naman kasi e! Bakit may ganung kadugtong pa ang pangalan ko? Yan tuloy at feeling na feeling kung itawag sa akin ng kumag na 'to!
"Will you please stop calling me that? Nakakainis na kasi e!" Pigil kong sabi.
Ngumisi siya ng mapaglaro. Tignan mo, kapag kinakausap ko siya ng maayos, ngingisihan niya ako kaya tuloy ayaw ko siyang kausapin. Pakiramdam ko pinaglalaruan niya lang ako! Katulad noon, grabe ang pagbu-bully niya sa akin. Halos hindi ako tantanan sa buong araw! Kaya maaga akong na-i-stressed e!
Looking back to our grade school, he was a tactless brat! Sunod sa layaw! Hindi nagpapatalo sa magulang niya! Makulit at napaka-bossy! Palibhasa, anak siya ng mayaman kaya kung ano-ano nalang ang gustong gawin sa buhay niya. I remember how he bullied me before, we are kindergarten that time when he start bullying me. Palagi niya akong pinapaiyak, tinutukso at minsan galit.
May mga pagkakataong nakikipag-away siya sa mga classmate kong lalaki kapag tinatawag ako sa pangalawang pangalan ko. As in nakikipag-suntukan talaga siya! Kaya minsan, kasama ako sa pinapatawag dahil sa kabasaguleruan niya! Isang araw, galit na galit siya nung tinawag ako ni Albert sa ikalawang pangalan ko kaya sinuntok niya iyon sa mukha. Nasama na naman ako sa pinatawag, that time kasama na rin ang magulang niya at yaya ko.
Doon nakipag-alegro si Karl Marx Lagunzad at ang asawa nitong si Martha Lagunzad. Hiyang-hiya ako sa magulang niya dahil isa din ako sa dahilan kung bakit pinatawag sila. Nung araw din yun nawala sa paaralan namin si Karlmart. Ang sabi'y nilipat daw siya ng magulang niya sa ibang school. Nakahinga ako ng maluwag nun, pero nalungkot naman ako. Akala ko tuluyan na akong magiging masaya dahil sa wakas, wala na siya pero mali ako! Kinakain ako ng paghahanap sa presensiya niya!
Kaya ginawa ko ang lahat para makalimutan siya. Nag-aral ako ng mabuti sabay sa pagkawala ng magulang ko. Pagbagsak ng negosyo namin at paghihirap. Nalulong sa bisyo si mama kaya napabayaan niya ako. Isang gabi, habang mag-isa ako sa kwarto, nakarinig ako ng putok ng baril. Kumaripas ako ng takbo papunta sa kwarto ng magulang ko at bumungad sa akin ang nakahandusay na katawan ni mama. Katulad ni papa, nag-suicide din siya! Hindi niya manlang ako naisip!
So, I have no choice but stay with my yaya. Oo, hindi ko na tinuring bilang kasambahay si nanay Rosalia. Binenta namin ang bahay at umalis kami ng probinsya. Ang nakuhang pera ay ginamit ko sa pag-aaral ngayon. After years, muli kaming nagkita ni Karlmart sa paaralang pinapasukan kong university. At ang nakakabwesit pa, sinusundan niya ako at kinukulit na naman niya ako! Nung una naming pagkikita pagkatapos ng ilang taon, akala ko hindi na niya ako makikilala ngunit hindi pala! Kilalang kilala niya pa ako!
Kaya ngayon, nandito na naman ako at nakikipagsabak sa kanya. Wala naman akong ibang choice kung 'di manatili dito! Semi private school naman ito, bakit dito pa niya naisipang mag-aral? Pwede naman siyang mag-private o home schooled nalang! Bwesit, nagkataon lang ba ito o sinadya niyang mangyari?
I sighed heavily.
"Bakit naman? Ang ganda kaya sa tainga pakinggan. Ayaw mo 'yun, instant boyfriend mo na ako, bhe!" Walang kwenta niyang sabi.
I rolled my eyes and walked fastly. Guguluhin na naman niya ang buong araw ko! s**t talaga! Paano ako makakapag-aral ng maayos ngayon kung kada segu-segundo at minu-minuto ay nakaaligid siya sa akin? Oh God, malapit na pa naman ang midterm namin! Kailangan kong ipasa yun lalo pa't mahirap ang kurso kong ito! Hindi dapat kami nagtatagpo kasi nasa law building siya samantalang nasa Accountancy department ako. Malayo ang department nila sa amin kaya dapat hindi siya pumupunta dito! Pero hindi e! Naaabutan niya parin ako sa classroom ko e! Ang talas ng pandinig niya!
"Hindi ko kailangan ng boyfriend! Ang kailangan ko ay makatapos ng pag-aaral at makakuha ng lisensya para makapagtrabaho na ako sa bangko!" Singhal ko.
Ngumisi siya at umiling sa akin.
"Naku, ako ang kailangan mo hindi yang bangko! Ano ka ba naman, kaya kong ibigay sayo ang isang buong bangko kung pipiliin mo ako kaysa sa pangarap mo na 'yan!" Sagot niya.
Mas lalo akong umirap. Anong mapapala ko sa sinasabi niyang bangko na ibibigay niya sa akin? Palibhasa mayaman kaya hambog!
"Sus, gusto ko may degree ako at may lisensya! Kapag may mag-offer sa akin ng scholar talagang tatanggapin ko! Malaking oportunidad iyon sa akin!" Sambit ko.
Sumama ang mukha niya at umirap sa kawalan. Kapag sinasabi ko sa kanya ang tungkol sa pangarap ko, laging sumasama ang mukha niya. Minsan, bumubulong siya ng galit sa sarili. Hindi ko din maintindihan ang ugali niya, minsan makulit, minsan naman seryoso, at minsan galit! Ang dami niyang ugali, nakakalito na tuloy!
"Sus, degree-degree pang nalalaman, papel lang naman yan e! Yung ibibigay ko sayong bangko ay iyong-iyo talaga, hindi na kailangan ng mga kung ano-ano! Kaya kung ako sayo, ako nalang ang piliin mo at magsama na tayo!" Paglaban niya sa akin.
Ngumuso ako at umirap. Anong klaseng offer yan? Kailangan talaga magsama kami? Pwede naman akong magtrabaho sa sinasabi niyang bangko e! May pagsasama-sama pang nalalaman ang unggoy na 'to!
"Kahit na! Ah basta, gusto ko parin ang may degree kaysa sa libreng ibibigay mo!" Sagot ko.
Binilisan ko ang paglalakad habang sumasabay siya sa akin. Kinuha niya ang libro sa braso ko at siya na ang nagdala. Pinakita niya sa akin ang pinakamaganda niyang ngiti. Bumilos ang pagtibok ng puso ko, para bang pinabilis iyon ng ngiti niya.
Looking back to his physical appearance, Karlmart Lagunzad is more handsome and manly today. With his playful grin lips, long and perfect nose, cheeks that perfectly suit to him and eyes that never fail giving me complicated heartbeat. His jaw is always clenching. Mas nadepina ang mukha niya ngayon. Mas lalo siyang gwapo!
"Hindi naman 'yun libre e! Syempre, sa akin ka na titira at bibigyan mo ako ng mga anak. Diba, ang ganda ng offer ko. Pareho tayong may benefit!" Katwiran niya.
Tinaas ko siya ng kilay at inirapan. Balak pa ata akong gawin na paanakan nitong unggoy na 'to! Wala pa sa isip ko ang pag-a-asawa o pagkakaroon ng mga anak! Gusto ko pang magtapos at makapagtrabaho sa sikat na bangko. Gusto ko ding makapag-travel abroad bago ako magpatali sa kung sinong lalaki. Ang tanong, sinong lalaki ba ang magiging asawa ko? Sinong lalaki ba ang makakasama ko buhay na ito?
Well, hindi naman ako close minded sa usaping pag-a-asawa o pagbuo ng pamilya. Ang gusto ko lang, hindi pa sana iyon pag-usapan sa ganitong edad namin. Ang pagbuo ng pamilya ay isang mabigat na responsibilidad! Dapat pareho kaming handa para kapag dumating ang panahong ng pagsubok, hindi na kami mahihirapan pa! Karamihan kasi sa mga pamilya ngayon, nagkakahiwalay kasi walang matibay na pundasyon sa isa't-isa. Madaling sumuko at talikuran ang buhay pamilya!
Kaya ang pinaka naaapektuhan nito ay ang mga anak na walang kamuwang-muwang. Napag-iiwan sila at sa huli, nasisira ang buhay. Tulad ko, masyadong kampante ang magulang ko sa mga negosyo nila. Hindi sila naglagay ng matibay na pundasyon sa isa't-isa kaya sa huli, nasira kaming pamilya.
Dahil sa mga pagsubok na iyon, natuto ako sa buhay na ito! Natuto akong mag-isip kung ano ang tama at mali. Natuto akong pumili ng mga desisyong makabubuti sa akin. Natuto akong piliin ang mga bagay na magbibigay benepisyo sa akin. At mas pinipili ko ang oportunidad na magdadala sa akin sa pangarap ko. Sa buhay, dapat maging magaling ka sa pagpipili. Dapat yung may benepisyo ka. Yung makakatulong sayo.
"Wala pa sa isip ko ang pagkakaroon ng pamilya. I'm still pursuing my dreams!" Mahina kong sabi.
Bumuntonghininga ang lalaking nasa tabi ko. Nasa hallway na kami pababa sa unang palapag. Bitbit niya ang libro ko habang sabay kaming naglalakad.
"Sus, kapag mabuntis kita siguradong tatanggapin mo ang pamilyang gusto kong buohin sayo! Dami mo pang satsat, asawa lang din naman kita sa huli!" Buong puso niyang sabi.
Ngumisi ako at inirapan siya. Nagmumukhang mataray tuloy ako kapag kasama ko siya! Pababa na kami ng may tumawag sa akin. Nilingon ko iyon at nakita ang kaibigan kong lalaki.
"Gel, saan ka ngayon?" Rio Curtiba asked me.
Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. Rio Curtiba is my long classmate since then. Naging kaklase ko siya nung grade seven ako hanggang senior high. Sa college lang kami nagkahiwalay dahil naiba siya ng section sa akin. Sa A1S-2 siya o mas kilalang Accountancy first year section 2. Samantalang, nasa first section naman ako. Medyo nahihirapan nga ako ngayon kasi mag-isa ako sa section namin. Wala akong ibang katulong sa mga assignments at quizzes namin.
Tumikhim si Karlmart sa likod ko.
"Tandaan mong kasama mo ako kung ayaw mong mawasak ang mukha nyan!" Mariin niyang bulong sa akin.
Umiling ako at ngumisi. Hindi ko pinansin ang sinabi niya at binigay ang buong atensyon kay Rio.
"Kakain ako ng lunch, ikaw saan ka?" Sagot ko.
Huminga siya ng malalim, hiningal dahil tinakbo niya ang distansya namin.
"Sabay na tayo? Pwe—"
"Naku tol, hindi na pwede! Kita mong magsasabay kaming kumain tapos makikigulo ka! Wag ganung, lods!" Pagputol ni Karlmart.
Nanlaki ang mata ko. Kumunot ang noo ni Rio at nginuso ang lalaki sa likod ko. Huminga ako ng malalim bago ngumiti.
"Sino siya, Gel? Bakit palagi ko siyang nakikita sa tapat ng klasrum mo? Mag-ano kayo?" Takang tanong ni Rio.
Sasagot na ako ng magsalita si Karlmart.
"Accountancy ka ba talaga o janitor? Bakit ang bobo mo, tol? Hindi mo ba pansin? Nobya ko siya kaya palagi akong nasa room nila! God, your brain didn't function well!" Walang modong sagot ni Karlmart.
Napasinghap ako sa sinabi niya. Napaatras si Rio at napanganga. Hindi ko na hinintay pang magsalita ulit ang walanghiyang ito at mabilis ko siyang hinigit paalis ng building namin. Por diyos, por santo bakit ang talas ng dila niya? Walanghiyang lalaki na 'to!
Rinig na rinig ko ang halakhak ni Karlmart habang mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. Napalunok ako ng mapagtantong magka-holding hands na kami ngayon. Hinigit ko ang kamay ngunit hindi niya binitawan. Ngumiti pa siya sa akin at hinila na ako papasok sa McDo. Wala na akong nagawa ng pumila kami sa linya habang ang braso niya ay nasa balikat ko. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao! Bwesit na lalaki talaga oh!
Hindi pa siya nakuntento at hinalikan pa ako sa pisnge. Nanlaki ang mata ko at sinuntok siya ng palihim sa tiyan. Umaray siya kaya mas lalo kaming pinagtinginan ng mga tao. Nagpa-awa effect siya kaya nahiya na talaga ako.
"O-ouch naman, bhe. Parang kiss lang, ayaw mo pang ibigay sa akin." Nagpapaawa niyang sabi.
Nagsimulang nagbulong-bulungan ang mga nasa kabilang linya, maging ang nasa likod namin ay nag-usap na din tungkol sa amin.
"Grabe, under pala si kuya! Sayang, gwapo pa naman tapos nagpapatalo lang!"
"Oo nga e! Hindi naman kagandahan yung babae tapos ang arte-arte pa!"
"Tama ka gurl! Nakakabwesit talaga ang mga ganyang babae! Pakipot pa, pero pag silang dalawa nalang baka siya pa yung umuuna!"
Kinagat ko ang labi para pigilan ang sariling bulyawan ang mga kababaihang todo-bash sa akin sa likod. Piste, hindi ko siya boyfriend! At hindi din kami gumagawa ng milagro! Bwesit na mga babae, palibhasa madaling matunaw sa mga gwapong lalaki!
Ngumisi si Karlmart at kinindatan ako. Ginawaran niya pa ako ng isang basang halik sa noo bago siya bumaling sa likod namin.
"Miss, wag niyo namang pag-usapan ng masama ang nobya ko. Mabait kaya 'to at malambing sa akin, diba bhe?" Sabay baling niya sa akin.
Umiling ako at tinignan siya ng masama. Ngumiti ako sa mga babae at pinulupot ko ang braso sa baywang ni Karlmart. Ramdam ko ang paninigas ng katawan niya, nagulat sa ginawa ko.
"Mahal ko kaya 'tong unggoy na 'to! Atsaka hindi siya under sa akin noh!" Sagot ko sa mga babae.
Iniwas ko ang tingin sa kanila at kinurot sa tagiliran si Karlmart. Ngumisi siya at nginuso ang labi sa akin. Tinampal ko iyon kaya sumimangot siya.
"Parang isang halik lang e! Damot nito!" Nakanguso niyang sabi.
"Tse! Di bagay sayong magpaawa! Para kang tuta!"
Umirap siya at ngumisi parin.
"Di bali nalang, sarap naman ng yakap mo e! Higpitan mo pa nga, bhe." Namamalat niyang bulong.
Isang irap pa ang binigay ko sa kanya bago kami humarap sa cashier. Ngumiti ang lalaking nasa counter habang nakatingin sa akin. Bumuga ng malalim na hangin si Karlmart.
"Tangina, kahit saan may kaagaw ako!" Bulong niya.
I smiled sweetly to the cashier man. Mas lalong humigpit ang braso niya sa balikat ko. Dikit na dikit kami sa isa't-isa, ramdam na ramdam ko ang mainit niyang katawan. Huminga nalang ako ng malalim bago umorder ng marami. Bahala na nga siya! Hindi naman ako ang magbabayad nito e! Pagkatapos naming umorder, binitbit ni Karlmart ang pagkain namin at umupo kami sa pangdalawahang upuan.
Nilagay niya ang pagkain namin sa lamesa, umupo ako at kumuha ng fries. Kukunin ko na sana ang pagkain ko ng pinigilan niya ako. Kumunot ang noo ko at tinignan siya ng nagtataka.
"Dasal muna tayo, bhe." Marahan niyang sabi.
Napanganga ako at huminga ng malalim. In fairness, at least alam niya ang pagdadasal sa pagkain! Tumango ako at huminga ng malalim. Pinikit ko ang mata at nakinig sa dasal niya.
"We thanked you God for this blessing you shared with us. We thanked you for guiding us and never leave us. We ask your love in jesus name, amen." He prayed.
Nauna kong minulat ang mata at tinitigan si Karlmart na nakapikit parin. Sobrang ganda ng features ng mukha niya. Gwapo siya kung hindi lang siraulo minsan e! Nagsimula na kaming kumain, hindi ako nahiya sa kanya dahil sanay naman na ako. Napatigil ako sa pagkain, napagtantong sa unang pagkakataon sabay kaming kumain ng maayos ngayon. Napangiti ako sa kawalan.
"Salamat sa pagkain." Nakayuko kong sabi.
"Welcome, bhe." Sagot niya.
Umiling ako at ngumisi. Hindi talaga siya titigil kakatawag sa akin ng ganyan! Wala naman akong magagawa kasi pangalan ko naman talaga yan! Huminga ako ng malalim at nagpatuloy na sa pagkain. Kung ganito lang kami sa araw-araw, baka hindi ko na siya sungitan pa. Baka sabihin ko sa kanyang...may puwang na siya dito sa puso ko!
--
Alexxtott