pagkatapos kong ayusin ang groceries sa likod ng sasakyan, nagmamadaling pumasok ako sa driver's seat.
i'm having a panic attack.
ang bilis ng t***k ng puso ko. hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ng husto ng makita siya.
hinawakan ko ang dibdib ko at pinapakiramdam ang sariling t***k ng puso habang patuloy ang pagbilis ng paghinga.
i stayed in the parking lot for like 2 minutes because i waited for myself to be okay.
after how many minutes of trying to calm my self down, my heartbeat started to come back to its normal rhythm. and my breath became normal.
luckily, i drove home safely after a random crazy panic attack.
"oh nak tulungan na kita" sabi ni nanay mar na lumabas sa bahay at kinuha ang iilang plastics na nasa likod ng kotse at dinala ito sa loob.
"okay ka lang sheya? namumutla ka?" napatingin ako kay nanay habang isinasantabi ang mga groceries na pinamili ko. napakagat labi ako sa sinabi ni nanay. hindi ko rin alam bakit namumutla ako at pagod na pagod ang pakiramdam.
"ahhh baka sa init lang ho ng araw ito nay" sabi ko at tinalikuran ko si nanay at binuksan ang refrigerator, nag hanap ako ng energy drink at kinuha ko ang gatorade na bottle.
"oh anak kumain ka na ng tanghali mo" inilapag ni nanay mar ang plato na may white pasta at dalawang bread. tinignan ko si nanay mar na may pagtataka dahil baka nakalimutan niya abg schedule ko bukas sa hospital
"pwede mo yan kainin nak, wag ka mag alala at nag tanong naman ako kanina sa doctor mo"
"ahhh" ang tanging lumabas sa aking bibig. nagsimula na akong kumain dahil nagugutom na ako.
inilapag ni nanay mar ang baso sa tabi ng gatorade. nginitian ko siya bilang pasasalamat.
"eh ikaw ho nay kumain na ho ba kayo?" puno pa ang aking bibig habang nagsasalita.
"ay nako oo, wag mo na akong alalahain at kumain ka ng kumain" nginitian ko siya at nagpatuloy sa pag kain.
masarap mag-luto si nanay, kahit anong potahe ang sabihin mo ay kabisado niyang lutuin. kaya sobrang bilib ako sa kanya at madami siyang alam na gawin, sa gawaing bahay, sa pagluluto at pag-aalaga sa akin.
kaya sobrang tiwala ang meron kami kay nanay mar at kaya naman tumagal siya sa amin. para na siyang nanay ng bahay na ito dahil sa kabisado niya ang bawat sulok nito.
may anak si nanay mar ngunit nasa ibang bansa ito nagtatrabaho, wala rin siyang apo. may bahay naman siyang inuuwian ngunit mas gusto niya raw dito dahil hindi siya mag-isa at wala raw mag-aalaga sa akin kaya hindi niya ako pinapabayaan.
*kring kring*
*kring kring*
kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng ourse at tinignan ang screen dahil may tumatawag.
calling....
mareng trisha
09012345678
reject answer
reject. joke.
"hello siz? kamusta na? ano resulta? ilang months na? babae o lalake?" malapit ko ng maibuga ang laman ng aking bunganga ng dahil sa unang bungad niya sakin.
"siraulo ka" sabi ko habang tumatawa ng bahagya
"nagkita kayo noh?" nagulat ako sa sinabi ni trisha. bakit niya alam? sinabi ba ni justine o baka naman nakita niya kami? oh no
"h—ha? ahhh hi—hindi naman kasi si—sinasadya yon!" pag depensa ko sa sarili ko, totoo naman kasi biglang nalang siyang sumulpot dun.
"so nagkita nga kayo?!" tanong na pasigaw ang aking natanggap galing sa kabilang linya.
"oh bat ka nagagalit? sumisigaw ka?!" sagot ko pabalik na syempre pasigaw rin
"saan kayo nagkita ha at bakit kayo nagkita?" akala ko alam niya, don't tell me hindi niya alam at sinubukan niya lang ako.
"hindi mo alam????"
"sheya paano ko naman malalaman? eh nasa school ako ha? ano ako stalker mo?" napakamot ako sa aking sentido dahil totoo ngang hindi niya alam.
"hay nako. oo nagkita kame pero hindi yun planado. nag grocery kasi ako kanina tapos nakita ko siya, nakita rin niya ako, tapos na. walang nangyaring matinong pag-uusap trisha at sigi na babye na kasi kumakain ako at kailangan kong magpahinga" binaba ko ang aking tawag ang inilapag ang cellphone sa lamesa.
"napakakulit talaga nung kaibigan mo eh noh nak hahaha" sabi ni nanay habang naupo sa tabi ko at kumain
"opo nga nay eh, wala naman akong magagawa dahil wala naman akong ibang kaibigan ho"
natapos akong kumain at inilagay ang aking pinagkainan sa lababo, nag hugas ng kamay at kinuha ang cellphone sa lamesa't pumasok sa kwarto.
agad akong napahiga sa aking kama at nag muni muni.
the moment we had earlier flashed in my mind out of nowhere.
kahit isang beses ay hindi pa kami nakapag usap ng matino o ng maayos. hindi naman siguro counted yung sinungitan ko siya sa klase diba hehe
ang dami ko pang naisip ng kung anu-ano hanggang sa ako'y nakatulog.
*knock* *knock *knock*
nagising ako ng dahil sa ilang pagkatok sa aking pinto.
"sheyaa anak maghahapunan na tayo, gumising ka muna"
"opo nay bababa po ako" sigaw ko habang naka pikit parin ang mga mata. hindi ko naligilan ang aking pag hikab ngunit tumayo na ako habang kinukusot ang aking mata.
tumingin ako sa digital clock na nasa side table at nagulat ako sa oras, 7:25pm.
wew. para akong hindi natulog ng ilang araw ha. para akong construction worker na sobrang pagod kung umuwi ng dahil sa bumuhat ng kung anu-anong mabibigat sa trabaho.
bumaba na ako at uminom ng tubig.
"nay bakit ngayon niyo lang po ako ginising" ang unang sabi ko kay nanay mar. baka hindi na naman ako makakatulog nito ngayong gabi ng dahil sa nakatulog na ako ng mahaba.
"ginigising kita sheya pero sobrang sarap ng tulog mo. di ka ba natulog kagabi?" takang tanong ni nanay mar habang inihahanda ang aking pagkain.
"ganun po ba. ewan ko nga nay eh, hindi naman po ako nagpuyat kagabi pero sobrang pagod ng nararamdaman ko" sabi ko at nilapag nito ang isang baso ng chocolate drink, white rice with egg.
nag simula na akong kumain at nakipag kwentuhan kay nanay mar.
"alam mo nay may bago po kaming kaklalse" kahit patapos na po ang klase"
"talaga nak? sino? at bakit naman siya nag-transfer eh malapit na ang graduation ninyo diba?" takang tanong ni nanay mar habang umiinom ng tea.
"opo nga nay. yung si justine po, yung nasa cli—" hindi ko natapos ang aking sinabi dahil nagsalita agad si nanay mar
"ah! yung nasa clinic kahapon, yung nag buhat sayo, siya rin yung tumawag sakin nak"
"si-siya po ang nag dala sakin sa clinic nay?"
"oo nak, alalang alala nga siya habang inaantay akong dumating, magkaibigan ba kayo nak?" lumingon ako sa kanya at nakita ko ang ngiti ni nanay mar na may halong pang-aasar.
"nay ano yaaan" tanong ko sa kanya
"nagtatanong lang naman ako nak hehe" ngiting ngiti si nanay mar at uminom ng kanyang tsaa.
"kaibigan lang ho nay. ano ka ba nay, bata po po ako" tawang tawa naman si nanay mar habang tinitignan ang aking ekspresyon.
"at mabuti naman yan ang nasa isip mo anak. bata pa kayo pero okay lang yan ang crush crush na yan nak, napagdaanan ko na yan, alam ko na ang mga yan" dugtong ni nanay mar.
hindi ko naman siya crush eh. oo gwapo siya pero masungit. hindi marunong makipag-usap ng maayos at sobrang tahimik lamang siya.
kapag siguro naging magkaibigan kami, walang magsasalita. staring contest lamang ang sagot at awkward silence.
ayos yon para mapayapa ang friendship. medyo naiingayan na rin kasi ako kay trisha. oo medyo pa lang po.
pagkatapos kong kumain ay pumasok ako ng kwarto at naisipan kong tawagan si trisha, gusto kong malaman kung kamusta ang araw ng practice at kung may dapat ba akong habulin.
wala pang dalawang ring ay nasagot agad ito ni trisha. cellphone ng cellphone ba 'to at ang bilis kung sumagot
"oh siz, miss mo ingay ko noh? what do you want my beautiful best friend?" ani nito, sana hindi na lang ako tumawag at natulog na lang ulit.
"gusto ko lang malaman kung kamusta yung practice? may nagbago ba o may dinagdagan?"paliwanag ko habang naka upo sa aking kama.
"ah kala ko pa naman ay miss mo ako, hmm wala namang nagbago. ganun parin naman" wika ni trisha. tumahimik naman ako at inisip kung tatanungin ko ba siya tungkol sa mga pinahiram kong notebooks kay justine.
"ahm trisha" panimula ko. hindi ko masabi dahil alam kong pupunuin ako ng asar ng babaeng ito at hindi niya ako titigilan, mawawala na ng tuluyan ang peace of mind ko. wag naman sana.
"oo siz nakuha niya na, kaninang hapon ko lang naibigay dahil hapon na kasi siya pumasok ih. wag ka mag-alala at hindi mababagsak ang justine mo" wika nito, hindi pa naman ako nakapag tanong eh alam niya na kung ano ang nasa isip ko. wala talaga akong maitatago sa babaeng ito. ganun niya ako kakilala at alam niya kung paano ako kumilos at mag-isip, nababasa niya kahit wala pa akong sinasabi o ginagawa.
"ah mabuti naman. sinabi mo bang isauli niya agad?" kailangan ko rin kasing mag-aral dahil papalapit na ang last examination.
"ah oo siz isasauli niya raw bago ang sched ng exam" dagdag naman ni trisha.
"oo sige na magpapahinga na ako at maaga pa ako bukas" paliwanag ko kay trisha. masyado na kasi siyang maingay at nagsisimula nang uminit ang tenga ko.
"ano ba yan, nagmamadali?! hmp sige oo nga bukas pala ang schedule mo sa check up. sige balitaan mo ako ha? mag iingat ka at maging okay ka na ha kung hindi kakalbuhin kita!" banta ni trisha na parang sumisigaw pa.
"oo na oo na sige na, bye" at naputol ang aming pag uusap at inilapag ko sa kama ang aking cellphone.
tumayo ako sa pagkaka-upo at naglakad papunta sa aking study table. hindi pa ako inaantok at wala naman akong magawa. gusto kong magbasa ng notes pero wala naman akong notes dito.
*ding*
messenger
justine julius: thank you.
—
super busy, sorry late, tao lang.
♡˖꒰ᵕ༚ᵕ⑅꒱