5

1993 Words
It's past 9am, since early kaming pumunta ng hospital, maaga lang rin kami nakauwi. Naalala ko ang mga habilin ni Doctora sa akin kaya napag-pasyahan kong mag grocery na lang since wala naman na akong gagawin ngayong araw. Gusto ko ngang pumasok mamaya at mag attend ng practice ngunit magpahinga na lang muna raw ako at si Ma'am Nikki na raw ang bahala sa pag turo sakin once nakabalik na ako at maayos na ang kalagayan ko. Alam ko namang hindi rin ako papayagan ni Nanay Mar na pumasok, baka mas lalo lang ako mahihirapan kaya magpapahinga na lang ako ngayon pagtapos kong mag grocery. May 7/11 naman na malapit sa school na 5 minutes ride lang naman so maybe dun na lang ako mag grocery dahil kompleto naman sila don. Kinuha ko ang cellphone ko at nag scroll ng mga social media accounts ko, hindi ako active sa mga social media, ginagamit ko laman ito kapag may importante at kung wala akong magawa. Panay scroll lang ang ginagawa ko at nabo-bored na naman ako. Ilalapag ko na sana ang cellphone sa kama ko ng biglang may nag pop up Justine Julius sent you a Friend Request ACCEPT DELETE Napatitig naman ako dito at inisip ng mabuti kung ano ang dahilan at nag sent ng friend request itong lalaking ito. Ang oa Sheya, baka naman kasi may papagawa sayo, or may itatanong, or gusto lang niyang dumagdag ng friends sa sss acc niya. Iilan lamang ang friends ko sa f*******:, kaunting classmates and families lamang. Kaya boring talaga ang newsfeed ko. Pero mas okay lang sakin ang ganun dahil ayokong makabasa ng mga toxic s**t na kumakalat sa mga social medias. Pinindot ko ang accept at sinara ang cellphone. Gusto kongag hot tub ngayon, gusto kong marelax at makapag-isip. Pumasok ako sa CR at binuksan ang gripo para mapuno ang bath tub. Tumingin ako sa salamin at nakita ko ang kabuuan ko. Pinagmasdan ko ang aking mukha hanggang paa. Ang laki ng ipinagbago ng aking timbang ng hindi ko namamalayan. Aaminin ko naman na dati pa lamang ay payat na ako pero iba ngayon, mas pumayat ako ng husto. Napapansin ko rin na sobrang bilis kong mabusog kaya konti lang ako kung kumain. Nararamdaman ko yung pagod ng katawan ko palagi kahit wala naman ako masyadong ginagawa. Bumaba ako upang kumuha ng bottled water at para mag timpla ng tea. Naglalakad ako sa hallway ng may nsrinig akong kaluskos sa kwarto ni Mama at Papa. Hindi naman pumapasok ang mga kasambahay o si Nanay Mar kapag walang iniutos si Mama sa kanila. Kahit ako ay malimit lamang kung pumasok sa kwarto nila. Pero iba naman ang dahilan ko, ayokong inaalala ang mga memorya na mayroon kami. Iniiwasan kong maging malungkot dahil ayokong umabot na naman sa pagkakataon na matulog ako habang umiiyak at gigising para umiyak. Pinakiramdam ko ang ingay na nagmumula sa kwarto nila at nakarinig na naman ako na parang may ginagalaw na gamit sa loob. Dahan dahan akong napunta sa pinto ng kwarto hanggang sa kaharap ko na ito. Tinitigan ko ang ang door know na kulay ginto na luma. I was about to touch it ng biglang bumukas ito. "Sheya" iniangat ko ang aking mukha sa boses na narinig ko. Si Mama. Ang ganda ganda ni Mama, para siyang beauty queen. Makinis ang mukha at napaka ayos kung manamit. Mga katangian ng isang babae na hindi ko nakuha sa kanya. Kinahiligan ni Mama ang bihisan ako at ayusan nung nasa elementary pa lamang ako. Nung mga panahon na bata pa ako at wala pang kakayahan alagaan ang sarili. Ngunit nung tumungtong naman ako ng grade 7 ay hindi na ganun ang alaga ni Mama. Naiintindihan ko naman yun sapagkat gusto niyang matuto ako sa sarili kong pangangalaga lalo na't nagdadalaga. Hindi ko naman na mawawala ng tuluyan ang pag-alalaga niya sakin. Nawala lahat. Nakalimutan niya lahat, pinili niyang kalimutan ito ng buo "Umuwi ka?" Nagulat ako ng siya ang makita ko. Hindi ko maalala kailan kami huling nag-usap ng matagal o kahit mag kwentuhan man lang. Ewan ko nga kung naaalala niyang malapit na akong grumaduate. "Ah oo. May kinuha lang ako at babalik rin ako sa trabaho agad" at nilagpasan niya ako. May dala siyang mga papers na nasa isang folder. "Ma, malapit na ang graduation ko" kinagat ko ang ibabang labi ko ng dahil sa nasabi ko. Napatigil naman siya sa paglalakad at lumingon ito sa akin, walang akong nakikitang ekspresyon sa kanyang pagmumukha, matamlay ang kanyang mga mata. "Sabihan mo ang Nanay Mar mo" tumalikod na ito at naglakad papalayo. Bumalik ako sa kwarto ko, tinanggal ko ang buong saplot ko at napahiga sa bath tub. Nag umpisang bumuhos ng paunti unti ang luha na galing sa aking mga mata. Ganun ba ang epekto ng sakit sa isang tao? Nang dahil sa lungkot na nararamdaman, lahat ng nasa paligid ay apektado. Lahat ng mga taong mahal ka ay maninibago. Lumipas ang ilang minuto na naka babad ako sa bath tub at umiiyak. Gusto kong sumigaw, gusto kong humagulgol at gusto kong magalit. Pilit kong iniintindi ang sitwasyon ngunit sadyang may mga pagkakataon lang na gusto kong sumabog ng dahil sa sakit na nararamdaman ko. Mahigit 30 minutes at napagpasyahan kong mag banlaw at tumuloy sa grocery store. Nang makabihis na ako, sinuot ko ang jacket na naka sabit sa likod ng pinto at kinuha ko ang purse, susi at cellphone sa side table. "Sheya, saan ang punta mo?" Tanong ni Nanay Mar habang nag wawalis sa sala. "Sa grocery lang Nay, may ipapadala ho ba kayo?" "Ahh oo anak meron, teka at kukunin ko ang listahan" pumunta si nanay sa kusina at kinuha ang listahan na naka dikit sa refrigerator. "Ito anak, kaunti lang 'yan dahil yan lang naman ang mga kinakailangan dito sa bahay" kinuha ko ang listahan at inilagay ito sa loob ng aking maliit na purse. "Si..." nagdadalawang isip panimula ko "Si mama po?" Natahimik si Nanay Mar napangiti ng mapait. "Nakaalis na anak, kakaalis lang niya" ngumiti lamang ako sa sinabi ni Nanay Mar. "Sige na anak at para makauwi ka ng maaga" sabi pa ni Nanay Mar kaya agad na akong nagpaalam at lumabas ng bahay. Sumakay ako sa sasakyan at dumiretso sa 7/11. Ilang minuto lang ang lumipas at dumating na ako. Kaunti lang ang tao sa loob, may kumakain, meron nagbabayad sa cashier ng mga pinamili. Pagpasok ko ay agad akong kumuha ng cart st nag simula ng mag libot at kinuha ang mga naka sulat sa listahan ni Nanay. Iilang mga prutas, gulay, mga canned foods. Kumuha rin ako ng mga yogurts, milks at isang box ng tea at kumuha ako ng 1 liter na bottled water. Habang tumitingin ng mga iba't ibang yogurts sa mga malalaking refrigerator at baka may magustuhan pa ako, naisip ko kasi na hanggang mamayang gabi ay solid foods lamang ang pwede sa akin, biglang nag vibrate ang cellphone ko sa purse na hawak ko at agad ko naman itong kinuha para basahin, baka si Nanay Mar may ipapahabol na bilhin. Pag bukas ko ng text messages, nabasa ko ang pangalan ni Trisha. Mareng Trisha 09012345678 Sheya? Nasaan ka? Kamusta ang check up mo? Call me ha if you need something. By the way, di ko pa naibigay kay Justine ang mga notes, wala kasi siya dito. Absent. Tue, 11:03 AM Tumaas ng bahagya ang aking kilay sa nabasa. Bakit naman siya maga-absent? "Excuse me" agad kong itinago ang cellphone sa likod ko at lumingon, nagulat ako sa nakita ko kaya't napasandal ako sa pinto ng refrigerator at agad niya naman akong hinawakan sa dalawang braso ko para hindi tuluyang matumba. Tumigil ang paligid ng kami ay nagkatitigan, parang nasa pelikula ang aming sitwasyon. Wala ako ibang maramdaman kundi ang bilis at ang lakas na t***k ng puso ko na para bang lahat ng andito ay naririnig kung paano kabilis ang pag t***k nito. Ngayon ko lang nakita ang kanyang mukha, at sobrang lapit pa sa akin. Matangos ang kanyang ilong at mahaba ang mga pilik mata. Mapupungay ang mga mata at mapupula ang labi. Umayos ako ng tayo ng dumating ang aking mata sa kanyang labi. Napalunok ako dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, ang awkward. Tumakbo ka Sheya, save yourself. Buksan ko ba ang refrigerator at pumasok sa loob? Ibigay ko na lang sa kanya ang push cart ko. "Uhhh, okay ka lang?" Bumalik sa ayos ang aking pag-iisip nung bigla siyang nag salita. Ano kaya iniisip nito? Tinatawanan na siguro ako nito sa isip niya. "Ahh oo. Ahhh" sagot ko at bahagyang nilakihan ang aking mata habang nakaturo sa refrigerator na nasa likod ko, senyales na kung may kukunin ba siya. "Ah, yeah" sagot niya na medyo naguguluhan, kaya itinabi ko ang aking sarili at ang push cart at binuksan niya ito at kumuha ng isang bottled water. Isinara niya ang pinto ng refrigerator at itinaas ang bottled water habang nakatingin sa akin. Tinalikuran niya ako at nag lakad paalis ng bigla akong sumigaw, "Justine!" Kahit ako sa sarili ko ay nagulat kung bakit ko siya tinawag, ano ba yan Sheya, pinagagagawa mo sa buhay mo. Nilalagay mo ang sarili mo sa mainit na tubig. Agad naman siyang lumingon at inaantay ang aking sasabihin "Ah, ano, ang mga a-ano, ang n-notes pala ahhh nakay ahhh T-Trisha" bat ka ba nauutal Sheya. Mag salita ka ng maayos. "Ah yeah. Thank you" ngumiti ito at tuluyan ng nag lakad palayo. Ano bang problema nun, ako na nga nagpahiram, ganun pa ang attitude niya. Napaka sungit. Bumaligtad na ata ang mundo at ayaw niya ng makipag-kaibigan sakin. Tandang tanda ko pa kahapon kung paano ko siya sinungitan. Tapos biglang, nalaman ko na siya pala ang nagdala sakin ng clinic. Hinawakan ko ang push cart ko ng biglang may naramdaman na naman ako na cramps sa aking tiyan. Itinulak ko ang oush cart papuntang cashier at nakita ko na si Justine ang dulo ng linya. Ako ang pangatlo, kasunod niya. Masyado kasing marami ang pinamili ng nasa harap ni Justien kaya matagal sa cashier. Dumiretso ako sa likod niya at nag-panggap na may inaayos sa cart ko, pero ang totoo ayoko lang tignan siya, nahihiya ako sa aking iansal kahapon at kanina. Napaka krazy mo Sheya. "Nagpa check up ka na ba?" Bigla akong napatigil at tinignan siya para masigurong ako ang kausap niya. "Ah oo kanina. Pero kailangan ko pang bumalik bukas para sa sa ibang test" Bottled water lang talaga ang dala niya. Yun lang talaga ang dala niya. Ang dami ng pinamili ng nasa harap niya at handa siyang pumila para lang sa bottled water na pwede naman niyang bilhin sa mga tindahan sa labas. Oh eh bakit ba Sheya, bat mo ba pinapakialaman ang life choices ng ibang tao. Bumalik ang tingin ko sa laman ng cart ko at nag panggap muli na inaayos ito, parang tamga talaga Sheya. Nakakahiya ka, ang awkward mong tao. "Alagaan mo ang sarili mo Sheya" napatigil ako sa kanya at hindi ko agad inangat ang aking ulo dahil hindi pa ata nakarating sa utak ko ang mensahe. Pag-angat ko ng tingin ay naka talikod na ito sa akin at nagbabayad na ng kanyang bottled water. Ang tangkad niya pala, hanggang balikat lang ako kahit matangkad naman ako ay feel ko ang liit ko pag kasama siya. Kinuha niya ang kanyang sukli at nag lakad na paalis ng 7/11 ng hindi man lang ako nilingon o nag-paalam. "Ma'am" tawag sakin ng cashier at agad ko namang itinulak ang push cart ko at sinimulan niya na ang pag kuha ng mga pinamili ko isa isa. — Sorry for the grammatical and typographical errors, tao lang. Will try my best to check all the errors in my free time, thank ü <3 ♡˖꒰ᵕ༚ᵕ⑅
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD