Kasalukuyan akong nasa kusina at inaayos ang dining table para makapag breakfast.
"Good morning po, Nay. Si Sheya po?" rinig ko mula sa labas ng bahay ang boses ni Trisha. Lakas ih, laki bunganga ih.
"Pasok ka, anak at kumain ka sa loob ng. Nandon at kumakain ng breakfast si Sheya."
"Sigi po Nay, salamat po" masayang bati ni Trisha kay Nanay Mar.
"Sheyaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!" Muntik ko pang mabitawan ang hawak kong glass na baso ng dahil sa sigaw ni Trisha. Jusko kahit kailan talaga eh, isang araw mapapahamak na lang ako wala sa oras.
"Jusko naman Trisha, papatayin mo ba ako sa gul—?!" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil niyakap ako agad ni Trisha.
"Huhuhu Sheya magpagaling ka na huhuhu 'di ko kayang wala ka" sambit nito habang yakap yakap parin ako. Muntanga Trisha.
"Gaga, 'di pa ako mamatay. Masyado kang spoiler. OA na, 'di ka na tatanggapin ng star magic kasi over na ang acting mo Trisha" napabitaw naman siya agad at pinunasan ang kanyang luha sa mata
"Ay ganon ba? Sige next time aayusin ko, ganun kasi ang acting nakita ko sa TV nung isang araw" sabi niya at umupo sabay nag sandok ng kanin, at kumuha ng dalawang bacon at isang hotdog.
"Nga pala, diba ngayon ang check up mo Sheya. Samahan kita, gusto mo? Practice lang naman ngayon eh kaya okay lang kahit 'di na ako makapumunta. Gusto kitang samahan eh" hindi niya man ako tinitignan sa mata, alam kong kinaawaan ako ni Trisha. Ramdam ko yun.
"Ano ka ba? Okay lang Trisha at sasamahan akk ni Nanay. You know what? You should go, baka hahanapin ka ni Justine mo eh" asar ko sa kanya. Ang boring, I don't know how to annoy this girl ih. Lahat kasi nasasakyan niya, pati si Justine. Joke.
"You sure? Sheya I can manage my time with Justine. Maiintindihan niya naman ako kasi kaibigan kita"
At sabay kameng napatawa dalawa.
"Eme lang, practice para sa future if magustuhan na ako ni pareng Justine, pero mukhang malabo mars"
Nagtaka naman ako sa kanyang sinabi at napatingin sa kanya, "bakit naman malabo ang ganda mo kaya Trisha, for sure mga kagaya mo ang tipo nun, kaso mukhang playboy ata yun, kawawa ka"
"Mare ikaw ang kawawa"
"Pinagsasabi mo gaga, Grabe na yan imagination mo Trisha ha di ko na ma-reach teh" sabi ko sa kanya habang kumakain ng breakfast habang natatawa ng bahagya ngunit nanatili itong seryoso at nagpatuloy sa pagkain. Krazy trisha.
"Oh, by the way, ano pala yung favor na sinabi mo sa text?" At muntik ko na nga makalimutan yung purpose bakit pinapunta ko si Trisha dito.
"Ay oo nga pala. Teka kunin ko" tumayo ako pumunta sa kwarto, kinuha ko ang isang paper at pinagmasdan ito, napangiti naman ako, biglang kuumunot ko sa inasal ko.
Dinala ko ang bag na may lamang notebooks at idinala ito sa kusina.
"What's that? Is that a gift for me? Oh Sheyaaa you don't have to—"
"Hindi to para sayo noh!" Pag pigil ko sa kanyang tuloy tuloy na pananalita.
"At isa pa hindi 'regalo, Trisha. Naaalala mo ba nung kahapon pinapunta ako ni Ma'am Lea sa faculty. Kinausap niya ako if pwede pahiramin ko ang notes ko kay Justine mo." Pag explain ko sa kanya.
"At pumayag ka?"
"Nung una hinde, pero naisip ko kung di ko pahihiramin baka mabagsak siya. Oh edi minus points ako sa langit diba, mahirap na" sabi ko at sabay abot ng paper bag sa kanya.
Inirapan lang ako nito at kinuha ang paper bag.
"As a friend to diba?" Tanong nito at napakunot noo naman akong lumingon sa kanya
"As a friend? Anong as a friend? Yung pag utos ko sayo? Malamang, ano gusto mo? As a kapitbahay?" Di ko naman kasi talaga gets yung sinasabi niya, masyado siyang mabilis.
"Ewan ko sayo. Bahala ka" inilapag niya ang paper bag sa isang upuan at bumalik sa pagkain.
"Pasabi na rin pakibalik sakin after 2 days kasi kailangan ko rin mag-aral" sabi ko habang nagpapanggap na nagtataray at tinawanan lang ako nito.
Pinanood ko siya hanggang sa malapit ng matapos kumain.
"Oh siya sige. I gotta go now, it's almost 7am na. Basta ha don't forget to update me siz" tumayo na ito, kinuha ang paper bag at lumapit sa akin para yakapin ako.
Ewan ko ba pero kay Trisha lang lldin kahit papaano ang makakalabas ng totoong ako. Yung ako na 'di limitado ang kilos, i feel comfortable around her. Maybe it's because we've been friends for how many years already and I learned how to trust her also and treat her like a sister to me, joke wala lang talaga akong choice. Forever na ata akong naka stuck sa kanya.
Pero I'm not gonna lie, meron paring mga pagkakataon na mas pipiliin ko ang mapag-isa, at hindi lahat ay sinasabi ko kay Trisha.
Sinundan ko siya hanggang pintuan, "Bye po Nanay Mar, mauna na ho ako" pagpapaalam niya kay Nanay. Pinagmasdan namin hanggang sa makaalis siya ng gate.
"Nay, ready na po ako. Ikaw po ba? Punta na po tayo para maaga po tayo makauwi"
Sa totoo ayoko naman talagang magpa check up dahil dagdag gastos lamang ito tapos wala lang naman ito, mawawala lang rin naman ang sakit nito. Ngunit wala na akong magawa pa kundi sundin ang utos ni Nanay Mar.
"Osige anak, teka at kakausapin ko muna sina Inday."
Pumasok sa loob si Nanay Mar at lumapit sa ibang kasambahay namin at nakipag-usap.
Naka long sleeves ako, maong pants at naka converse na shoes. Halos ganito ang suot ko araw araw. Mas gusto kong hindi kita ang aking katawan, kasi ayokong may naririnig akong mga salita na tungkol sa katawan ko dahil isa ito sa mga insecurities ko sa buhay at pilit kong iniiwasan ang mga ganong topic.
Payat ako simula nung elementary, hanggang ngayon nasa 39 kilos parin ako at 4'4 ang height ko kaya para talaga akong walis tingtig na naglalakad.
Kahit na anong gawin kong kain, pag-inom ng nga kung ano-anong supplements at vitamins para makakatulong sa pag gain ng weight eh wala talagang tumatalab sa katawan ko. Robot ata ako eh.
Kinuha ko ang sling bag ko na may wallet at cellphone at inilagay ito sa loob ng sasakyan, pinaandar ko ang sasakyan upang uminit ang engine habang inaantay si Nanay Mar.
Ilang minuto pa lumabas na ng bahay si Nanay Mar at sabay kaming pumasok sa loob ng sasakyan.
15-20 minutes ang byahe papuntang Hospital at one way lamang ito paputang school.
"Kailan nga ulit ang graduation niyo anak?" Tanong ni Nanay Mar nang lumagpas kame sa skwelahan na pinagpapasukan ko.
"March 28 po Nay, bakit po?" sagot ko naman kay Nanay habang siya'y nakatingin sa labas ng bintana.
"Ah. Wala lang anak. Para makapag handa naman tayo sa araw na iyon dahil importante para sa atin yon" A bitter smile appear on my face and I let go of a deep sigh to Nanay's thought.
Hindi ko na tinanggihan ang ideya na ibinigay ni Nanay kasi alam kong wala akong magagawa. Kahit ayaw ko eh gagawin parin ni nanay ang pag hahanda. What's the point of celebrating pa? If hindi naman namin kasama si Mama mag celebrate.
"Umuwi kanina ang mama mo nak ng madaling araw at sinilip ka lang sa kwarto, mahimbing ang tulog mo kaya siguro hindi ka na niya kinausap" nagtaka ako sa sinabi ni Nanay. Usually kasi kapag umuuwi si mama, hindi niya ugali ang tignan ako o mag tanong sakin ng kung kamusta na ako. Kay Nanay Mar lang siya nakikibalita, minsanan lang din kung tumawag.
May family business kame na sinimulan nila ni Papa nung wala pa ako sa mundo. Ang business namin ay pagawaan ng mga scented candles. Sobrang successful ng negosya to the point na nage-export na kame sa different branch namin dito sa Pilipinas at iilan sa ibang bansa.
When my dad is still alive, they're always busy pero my mom and dad never left the house without saying goodbye, without a kiss goodnight.
Kaya sa panibagong mga araw na wala na si Papa, tila umiba rin ang ikot ng mundo samin mag-ina.
Hanggang ngayon, kahit wala na si papa, ay successful parin ang business ng pamilya namin. Nung nabubuhay pa si papa gusto niyang mag-aral ako ng business pag nakatungtong na ako ng kolehiyo.
Pero to be honest, iba ang gusto ko. Gusto ko maging doctor. Gusto ko mapunta sa hospital. Alam kong gusto ni Papa na business ad ang kunin ko sapagkat ako ay only child and in the future, I will be the one who will going to manage our family business.
I don't feel I'm good at handling money or managing a business so feel ko kapag ako na ang mamumuno sa business namin eh baka aabot pa sa bankruptcy, that's why i prefer to be in hospital setting, may mga dugo, may namamatay, may nabubuhay. I could really imagine my life now with that kind of situation in my life.
Aftsr almost 20 hours of driving, we finally arrived at the hospital. We walked towards the entrance and walang tao sa emergency room kaya dun kame dumiretso.
"Good po ma'am" bati sakin ng nurse na naka assign sa Emergency Room.
"Goodmorning po, magpapa check up po ako" sagot ko sa kanya at sumenyas muna siya na umupo.
"Pangalan po ma'am?"
"Sheya De Leon po"
"Ilang taon na po kayo?"
"16 po"
"Ah ma'am, ikaw po ba yung magulang ni Sheya?" Tanong ng nurse ng makita niya si Nanay Mar sa likod ko.
"Ah hinde nurse. Pero ako ang kasama niya a bahay. Busy po kasi ang Mama niya" sabi ni Nanay Mar habang hinihimas himas ng bahagya ang aking magkabilang balikat.
Napangiti naman ako sa nurse.
"Ano ba ang nararamdaman mo Sheya?" Mahinanong tanong nito sa akin.
"Ah nurse madalas ho kasi sumasakit ang tiyan ko, tapos po kahapon sa sobrang sakit eh nahimatay po ako sa school" sabi ko sa nurse habang pinagpatuloy ng nurse ang pagsusulat.
"Ilang araw mo na nararamdaman ang sakit, Sheya?" Tanong nito at tinignan ako.
"Mga apat na araw na rin po. Binalewala ko lang po kasi akala ko mawawala lang po siya at akala ko po ay ng dahil lang sa dalawa"
"Kailan ka ba huling dinalaw at ilang araw ang dalaw mo?" Tanong ulit ng nurse
"February 2 po nurse hanggang February 7" at dun ko naisip na oo nga pala, tapos na pala ang dalaw ko this month. So ang cramps na nararamdaman ko ay walang koneksyon ito sa dalaw ko.
"May mga allergies ka ba? Sa mga pagkain, sa mga gamot?"
"Wala po siya allergies nurse" sagot naman ni Nanay Mar sa tanong ng nurse. Feel ko kabadong kabado si Nanay mar, wala lang naman to. Baka nalipasan lang ako ng gutom, for sure may ibibigay lang sila na gamot na iinomin ko for how many days para maging okay at normal na ako.
"Sige po ma'am, wait lang Sheya ha, babalik ako" tumayo naman agad ito papunta sa station nila at wala pang isang minuto bumalik ito may dalang maliit na push cart na may thermometer at blood pressure apparatus at kung anu-ano pang nakalagay doon na ginagamit nila.
"Check natin vital signs mo ha"
Inilgay nito ang thermometer sa kaliwang underarm ko at ipinatong ang kanan na braso sa table. May ikinabit siya sa aking kanang braso at nag simula mag pump sa isang maliit na bilog na naka dikit sa aparato hanggang sa unti-unting humihigpit ang ikinabit niya sa aking braso.
Itinanggal niya ang hangin sa bagay na nakakabit sa braso ko at kasalukuyan niyang tinitignan ang isang bilog na may nga numero at may umiikot na kamay na parang sa orasan.
"Normal ang vital sign mo sheya" tumunog ang thermometer sa kaliwang kilikili ko.
"Normal rin ang temperature mo" Sabi nito at ipinakota sakin ang thermometer at nginitian ko naman siya.
"Hintayin natin si Doctora" at tinignan niya kame ni Nanay Mar, "upo muna kayo ma'am" dagdag ng nurse aat nakatingin kay Nanay Mar" At agad naman itong umupo sa kabilang upuan na naka harap sa gawi ko.
At bumalik sa pag-upo ang nurse at nagsimulang mag sulat sa isang malaking notebook. Ang dami niyang sinusulat, letter ba to? Mmk?
Binabantayan ko lamang ang bawat kilos niya, pilit na iniisip kung para ano ito at kung bakit nila ito ginagawa. Gusto ko ng ganitong trabaho. I think being a medical worker will help me remove my introvert self, well not totally remove but atleast mabawasan man lang ang pagiging introvert ko. I know it's hard, but baby steps Sheya, baby steps.
Pag kasi isang doctor o nurse, iba't-ibang tao ang makakasalamuha mo everyday, iba't ibang personality, race and beliefs. And it's really important if you're approach to them is going to be very gentle, understanding and non-judgemental doctor para makuha mo ang trust ng patient at sasabihin nila ang mga nararamdaman nila without any hesitation.
Magkaibang magkaiba ang personalidad ko sa trabahong gusto kong makuha in the future. Kaya i guess ngayon palang, kailangan ko ng ayusin ang sarili ko at mag handa.
Ilang minuto pa at dumating na ang Doktora, hindi bata hindi din siya ganun katanda. Mga nasa 28 ata ang edad niya. Maganda ito at malakas ang dating at sobrang bagay sa kanya ang white lab gown na kanyang ginagamit.
"Here doc" sabi ng nurse sa doctor at ipinakita nito ang kaninang mga sinusulat sa record.
"Okay, upo ng mahinanon at kapag sinabi kong hinga huminga ka ha" mahinan ngunit utos na sabi nito habang inilalagay ang stethoscope sa kanyang tenga.
Pumwesto siya sa likuran ko at itinapat ang flat surface ng stethoscope sa likod ko.
"Hinga"
"Hinga"
"Hinga"
"Hinga"
Paulit-ulit na sabi nito habang palipat-lipat naman niyang ipinapatong ang flat na bilog sa likuran ko.
"Ang sabi mo ay may masakit sa tiyan mo?" Sabi nito at itinanggal ang stethoscope sa tenga at ibinalik sa pagkasabit sa leeg niya.
"Opo doc'" mahinang sagot ko sabay tumatango-tango pa ako
"1 being the lowest and 10 being the highest, paano yung sakit nito?"
"At first po doc tolerable naman po siya, maybe around 4-5 doc. Pero kahapon po parang nasa 8 or 9 na po siya doc. Sobrang sakit po siya doc at nahimatay ako sa school kahapon"
Tumango tango naman ito at kinausap ang nurse.
"Nurse schedule her with colonoscopy Tomorrow, 9am"
"Yes doc" sagot naman ng nurse sa kanya at bumalik sa pagsusulat.
"Ma'am, tomorrow meron tayong gagawin na test kay sheya which is colonoscopy, para malaman natin kung may problema po ba sa kanyang tiyan, so before po natin gawin ang procedure na iyon pinagbabawalan ko po muna si Sheya sa pagkain ng mga solid foods po in preparation po for the procedure tomorrow, para hindi po tayo mahirapan sa procedure tomorrow. She can eat soup or yogurt" pagpapaliwinag niya kay Nanay Mar at tumatango tango naman si Nanay Mar biglang pag-sang ayon kay Doctora.
"Sheya, narinig mo naman ang sinabi ko diba, so kailangan mong gawin iyon for the procedure tomorrow. Bakit hindi ka pwede sa solid foods? Para di tayo mahirapan mag determine bukas kung may problema sa intestines mo"
"Doc hindi naman po ito malala diba?" Nag-aalalang tanong ni Nanay Mar kay Doctora.
"Sa ngayon ma'am, hindi po ako magsasalita ng patapos sapagkat kailangan natin mag run some tests para malaman po kung may problema o wala, ang masasabi ko lang po ngayon ay alagaan ni sheya ang kanyang katawan, at manalangin lang po tayo na hindi ito ganun kaseryoso" malungkot na ngiti ang ibinalik ni Nanay Mar kay doctora.
"Okay, I need to go, and tomorrow 9am po ang schedule niyo so much better if early po kayong pumunta" sabi ni Doctora sa amin at lumapit naman ito sa nurse at nakipag-usap.
Hindi ko na pinakinggan ang usapan ni Doctora at ng Nurse at napahilamos ako ng mukha gamit ang aking dalawang palad.
I can feel my heart beats faster and my hands are sweaty. I feel so nervous. Natatakot ako, because I don't really know what's wrong with me but I know there's something wrong.
—
♡˖꒰ᵕ༚ᵕ⑅꒱