*kring kring* *kring kring*
Napagising ako sa mahimbing kong tulog ng tumunog ang aking cellphone. May tumatawag. Malamang.
Kinakapa ko ang cellphone ko sa side table ng aking kama habang nakapikit pa rin ang mata, hanggang sa mahawakan ko ang cellphone, agad ko itong sinagot at itinapat sa tenga nang hindi binabasa kung sino ang tumatawag. Isa lang naman ang tumatawag sakin kaya alam ko na kung sino.
"Hoy mars nasaan ka na ba 1:10 na at mag sisimula na ang practice. Ayaw mo bang grumaduate mars?" sabi ko na nga ba, wala ng ibang tatawag pa sa akin.
"Oo, papunta na" maikling sambit ko at sabay pinatay ang tawag. Ang sakit sa tenga ng boses ng babaeng 'yon.
Tumayo ako at inayos ang sarili.
Pag uwi ko kanina at agad akong napahiga, dahil napakasakit ng aking tiyan. Malapit na siguro ang dalaw kaya nagkakaganito ako, PMS siguro.
Bumaba na ako at aalis na sana nang narinig ko ang pag tawag sakin ni Nanay Mar.
"Sheya anak teka lang at di ka pa kumain!" Agad akong lumingon at napangiti sa kanya, sobrang maaalalahanin talaga ni Nanay Mar. Sobrang nagpapasalamat ako na kahit papaano ay andyan siya para alagaan ako.
"Busog ako Nay eh. Kumain ako sa school. wag kang mag-alala sakin Nay at ika'y kumain na rin ha. Mauuna na ho ako Nay at may practice pa ho ako para sa graduation namin" Napansin ko ang saya na lumitaw sa buong mukha ni Nanay Mar at mas lalo naman akong napangiti sa kanyang reaction.
Halata kasing sobrang excited siya para sa graduation ko. Buti pa si Nanay Mar inaabangan ang graduation ko.
"Aba! Osige anak at baka mahuli ka pa, mag ingat ka ha at kumain ka anak ha" Sabi ni Nanay Mar sabay tapik sa aking braso.
Lumabas na ako ng pintuan at pumasok sa aking kotse. Pinaandar ko ito at nakita kong kumaway pa si Nanay Mar nang makalabas ako ng gate ng bahay namin.
Buti na lang at tinawagan ako ni Trisha, kung 'di niya ako tinawagan, sa tingin ko ay himbing na himbing parin ang aking tulog ngayon.
Hindi ako pwedeng mag absent kasi ngayon ang first day ng practice at para alam ko kung saan ang pwesto ng aking upuan sa gymnasium.
Dumaan muna ako ng Jollibee drive-thru at nag order ng isang fries, burger at sundae. At kinain ito habang nasa byahe papuntang school.
Hindi kasi ako nakakain kanina dahil pag dating ko ay nakatulog agad ako, di naman ako puyat, wala naman masyadong ginawa ngunit ramdam ko ang pagod sa katawan ko kaya nagpahinga ako, at napasarap ata ang pahinga ko kanina st sobrang kulang pa.
Pagdating ko sa parking area ay itinapon ko sa basurahan ang mga pinagkainan ko sa loob ng kotse kanina.
Pumasok na ako at dumiretso sa gymnasium kung saan ang daming estudyanteng magulo, tumatakbo, nagtatawanan at nagchichismisan.
Agad kong kinuha ang aking cellphone at tinawagan ang number ni Trisha, para malaman ko kung nasaan ang section namin naka pwesto.
Isang ring pa lamang ay agad naman itong nasagot ng bruha kong kaibigan,
"Hello siz andito kame sa may bandang entrance ng gym. Halika na"
Agad naman itong ibinaba ang tawag. Hindi man lang ako nakapag hello kamusta kumain ka na ba Trisha. Bastos talaga hmp.
Naglakad ako papuntang entrance ng gym nang biglang naramdaman kong may naglalakad sa tabi ko. Hindi ko ito binigyan ng pansin at binagalan ko ang paglalakad ko upang mauna siya dahil di ako komportable, ngunit sa hindi inaasahan, ako'y nagulat nang mapansin kong sinasabayan nito ang ritmo ng aking paglalakad.
Nilingon ko siya, nakatingin siya sa dinadaanam niya at nasa bulsa ang dalawang kamay. Binalewala ko siya at tumingin na rin sa dinadaanan hanggang sa naririnig ko na ang malakas na boses ni Trisha hanggang sa naaaninag ko na ang mga kaklase ko.
Hindi ko rin alam kung bakit hinayaan ko siyang mag lakad sa tabi ko, siguro kasi parehas naman talaga kame ng pupuntahan sa kadahilanang nasa iisang section kame.
Oo yun yon Sheya, magkaklase kayo sheya yun yon.
Lumapit ako sa kanilang direksyon at agad akong lumapit kay Trisha.
"Ay mars kaya ba ngayon ka lang, saan kayo galing? Ikaw ha, first day palang ni pareng Justine ha sinosolo mo na" napakumot naman ang aking noo sa kanyang sinasabi at hinila ng bahagya ang kanyang mahabang buhok.
"Sige sigaw ka pa. Ano ba 'yang mga sinasabi mo Trisha. Kilabutan ka nga." Napatawa naman siya habang inaayos ng bahagya ang kanyang buhok.
"Oh eh bakit nga mag kasama kayo papunta dito? Grabe ha desitiny yarn?" Napapikit naman ako sa inis. Minsan talaga naiisip ko na buti na lang maganda 'tong kaibigan ko, bumawi na lang sa ganda kasi hangin ang laman ng utak
"Siraulo ka. Malamang kaklase natin, eh sa nagkataon lang na nagkasabay ang dating namin. Bakit ba? Tama na 'yang pagagawa mo ng issue ha. 'Di nakakatuwa Trisha" pagbabanta ko sa kaniya at agad naman itong umarte na parang isinara ang bibig na parang zipper pero agad naman lumingon sa ibang kaklase namin at nakipag daldalan ulit. *face palm*
Tumahimik ako at napalingon sa gawi ni Justine. Kasama niya si Kevin. Ang escort ng aming klase.
"Good afternoon grade 10 students. Settle and arrange yourselves now because we are going to start in a while"
Nagsilingon ang mga estudyante papunta sa nagsasalita sa loob ng gymnasium.
"So be in your respective sections, make a line alphabetically" dagdag pa ng M.C.
Nagsimula na namang umingay ang mga estudyante at inayos ang kani-kanilang linya.
Lumapit ang aming adviser na si Ma'am Nikki at tinulungan kame sa pag arrange alphabetically.
Since we're set B, pangalawa kame sa magmamarch. Boys first and then Girls. Nakaayos na ang lahat, the students aree just waiting for the go signal of the M.C.
Kasalukuyang tinatawag na isa isa ng M.C. ang pangalan ng mga estudyante ng Grade 10-Set A ng bigla akong nahihilo at natumba ng dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko sa bandang tiyan ko.
Wala akong naririnig ibang ingay ngunit damang dama ko ang sakit ng aking tiyan na para bang may pumipiga dito. Unti-unting dumilim ang paligid ko hanggang sa wala na akong makita at maramdaman.
?????? ??????
Nagising ako ng dahil sa naririnig na mga boses na nag uusap. Alam ko ang isang boses na yon, si Nanay Mar.
"Ewan ko ba nurse sa batang 'yan. Lagi naman niyang sinasabi na kumakain siya at ngayon lang naman nangyari sa kanya ito"
"Natawagan niyo na po ba si Mrs. De Leon?" tanong ng school nurse kay Nanay Mar.
"Natawagan ko na po at ang sabi, ako na raw ho ang mag asikaso. Baka nalipasan lang daw ng gutom" napangiti ako ng mapait sa narinig ko
I think the only way my mom will notice me again is if I'm already dead. Isa lang naman ang gusto ko, to let her realize that there's still hope. She have a daughter, i want her to realize that even though my dad is not here anymore, we're still together, yes not complete but half of the family is still alive.
Sana this pain that is present here in my abdomen is something serious. If that's the only way to get the love of my mom back, then okay, I'll face it. I'll accept it, in exchange for my mom's love and attention.
If I just have the guts to talk to her and tell her what I truly feel and how wrecked I am. I want to tell her that she's not alone, na hindi lang siya ang nasasaktan. Ako rin. My dad is gone, but why does it feel like my mom's also gone.
"Sheya anak gising ka na, kamusta ang pakiramdam mo? Bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo?" nangingiyak sambit ni Nanay Mar habang pinupunasan ang luha na dumadaloy sa aking mukha.
Bahagya akong napaupo at sumandal sa unan na inayos ni Nanay Mar upang komportable ako.
"Ano ba ang nangyayari sa iyo Sheya? Inaalagaan naman kita ngunit bakit ka nagkakaganyan" nakayuko lamang ako habang hawak ni Nanay Mar ang aking kamay at bahagyang hinihimas ako.
"Mauna na po ako, Ma'am" agad akong lumingon sa pinanggalingan ng boses na yon at nakita ko ang walang ekspresyon na mukha ni Justine.
"Sige iho maraming salamat" sabi naman ni Nanay Mar. Ngumiti si Justine at napatingin sa akin. Bahagya itong tumango at umalis sa loob ng clinic.
"Sheya, ilang araw mo na bang nararamdaman ang sakit na yan?" Tanong ni Nurse Jessica, ang aming School nurse.
"Uhm, mga apat na araw na ho yata Nurse" himdi ko magawang tignan si Nanay Mar dahil alam kong alalang alala siya. Alam kong sinisisi niya ang sarili niya dahil nagkakaganito ako, ginagawa niya ang lahat upang pasayahin ako, maging okay ako at malusog ngunit napapabayaan ko talaga ang sarili ko.
"Sorry Nay di ko po nasabi sainyo kasi po akala ko mawawala lang po ang sakit at hindi magiging ganito kalala" hinawakan ni Nanay Mar ang aking mukha at pinagmasdan ako.
"Bukas na bukas Sheya sasamahan kita sa doctor. Kailangan mong magpa check up Sheya. Yun rin ang bilin ng nurse at ng Mama mo kaya wag ka ng tumanggi dahil para rin ito sa ikabubuti mo anak"
Hindi na ako umimik at hinayaan na si Nanay Mar. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinabi niya na yun ang utos ng Mama ko. 'Di ko alam kung totoo ba na may pakialam siya.
I wish my mom is here, sana kung gaano ako kamahal ni Nanay Mar eh ganun rin ako kamahal ng totoo kong ina.
???????????
Maaga akong nagising dahil maaga akong nagpa-hinga kagabi.
Kinuha ko ang cellphone sa side table and checked my messages and chats that was left unseen.
Binuksan ko ang text ni Trisha
Mareng Trisha
09012345678
Sheya naman eh, ano ba
ang nangyayari sayo at
napapabayaan mo ang
sarili mo ha? Kutusan
kita eh! :'
Mon, 7:41 PM
Sheya, sana okay ka na.
Palagi mong tatandaan
na andito lang ako para
sa iyo. If you need help,
just ask, okay? Im your
best friend, sheya. Please
get well soon, and please
update me about your
check up.
Mon, 7:58 PM
Nag bukas ako ng ibang messages, from ma'am nikki, some of my classmates asking if how am I, what's happening with me and lots of inspiring messages. Hindi ko alam paano nakuha ng mga classmates ko ang number ko, si Ma'am Nikki and Trisha lang naman ang may alam ng number ko.
Ngunit sa iilang messages na nakuha, kahit isa wala man lang akong natanggap galing kay Mama. Ano pa nga ba ang inaasahan ko, busy nga pala siya palagi.
Binuksan ko na lang ang message ni Trisha,
Mareng Trisha
09012345678
Sheya naman eh, ano ba
ng nangyayari sayo at
napapabayaan mo ang
sarili mo
Mon, 7:41 PM
Sheya, sana okay ka na.
Palagi mong tatandaan
na andito lang ako para
sa iyo. If you need help,
just ask okay? Im your
best friend, sheya. Please
get well soon, and please
update me about your
check up.
Mon, 7:58 PM
Trisha, pwede ka bang
dumaan dito sa bahay
before you go to
school. I have something to ask favor lang sana. Thank
you, Trisha.
Tue, 6:17 AM
OKAY NO WORRIES,
I'LL BE THERE IN 20
MINUTES!!!!! ?
Tue, 6:18 AM
I smile and charged my phone. Pumunta ako sa study area at kinuha ang isang pig na sticky notes. Nag sulat ako ng "Thank you (◔‿◔)" at idinikit ito sa likod ng isang notebook at inilagay sa isang bag.
Naligo ako, kumain and waited for Trisha to arrive.
-
♡˖꒰ᵕ༚ᵕ⑅꒱