2

2356 Words
"Okay take your sit, class" sabi ni ma'am nikki at nagsi-upuan naman ang buong klase. Bumalik ang aking paningin sa kawalan at nanatiling walang pakialam sa paligid. Nakaupo ako sa pinakalikod at nasa kanan ko si Trisha at kasunod niya ay ang isle ng classroom. Sa totoo lang gustong gusto ni trisha na umupo kame sa harap, but i just cannot. Ayoko nasa akin ang attention. Ayokong mapansin ako and i just prefer peace in the situation na walang nakakapansin sakin. Less talk, less mistake. Sinasabihan ko naman siya na wala akong pakialam kahit mag isa kaya okay lang sakin if uupo siya sa harap, mas gusto kong mag isa at tahimik. Kaso hindi naman niya ako iniiwan mag-isa sa likod. "Class, I want you to welcome your new classmate, Justin Julius. He's a transferee so I want you all to be friendly and he's now oart of this class, so better be nice class okay?" "Yes sir" "Yes principal" "Uy ang pogi ha" Mga bulungan na naririnig ko ngunit hindi parin ako lumingon. I don't know why, but I just don't have the will to look at their direction. Wala naman kasi akong pakialam, pero pag si Dwight Ramos sana hehe 3 points sana. Joke. "Okay Julius, introduce your self to the class and I'll go now. Thank you Ma'am Nikki, thank you Elena. Thank you class" "Bye principal" sigaw ng mga kaklase ko at tuluyan na ngang umalis si Principal. "Hi classmates. Once again, I'm Justin Julius. You can call me JJ or Justin, whatever you're comfortable. I'm 16 years old. If you wonder why i transferred even though the graduation is approaching, uhm it's just that uhm, something personal reasons lang, so nevermind. But anyway, I hope everyone is better in this class and listening" "Huy sheya" I turned my face to look at Trisha, bigla ba naman akong kinalabit, ang saya na ng imagination ko eh nasa clouds na ako patalon-talon. Bigla akong napatigil nang inilibot ko ang aking mata at napansin na lahat ng mata nila ay sa akin nakatingin. "Oh? Bakit?" Kunot noo kong tanong kay Trisha. "Hi. May I know your name?" Lahat kame ay npalingon sa transferee naming kaklase na lalakeng matangkad, matangos ang ilong maputi at naka civilian. Why is he looking at me, is he talking to me???? Napatingin ako kay Trisha nang mapansin kong kinakalabit niya ako habang nakatingin pa rin sa transferee. "Ah... Ako?" Sabi ko habang nakaturo sa sarili, naguguluhan parin kung ako ba talaga ang kausap niya. "Yes. Looks like your so busy imagining things, may you share it with us?" Nagtawanan ang iilan sa mga kaklase ko. Ano naman nakakatawa don. Ahh alam ko na mukhang clown kasi siya. "Why are you asking? Who are you? I don't even know you so I don't owe you an explanation" plain but sharp words came out of my mouth. I feel my palms are so sweaty but I tried to hide the nervousness that is building inside me. "Oohhhhh" mahinang reaction ng mga kaklase ko. He's just looking into my eyes. Super directly into my eyes. The way he stares at me feels like he's digging into the depth of my soul. Trying to understand where the words came from. Hindi ako nagpatalo at nakipag titigan rin ako sa kanya. "Okay what an introduction Mr. Julius. I guess that's enough. You may take your seat now and let's continue with our discussion" He is slowly walking towards me without removing his stare at me. Bumilis ang t***k ng puso ko ng papalapit ng papalapit siya at napunta sa likuran ko and that was the time the staring contest stopped. I really am not sure who won tho. Siguro, ako. Hindi ko alam may upuan pa pala sa likod ko. Ano ba naman yan. I won't deny, he's cute tho. Cute pero ang feeling masyado. Eh ano naman kung hindi ako nakikinig, is he discussing something important? Something urgent? Is he reporting? Or lalabas ba sa exam yung mga pinagsasabi niya? Well, if hinde, then I guess tama lang na nag imagine na lang ako na nasa ulap ako, sayang nga naputol ang imagination ko. Discuss... Discuss.. Discuss. "Okay, class. Later this afternoon, for the first practice of your upcoming graduation, please be present because later is the releasing of your invitations, you'll going to practice also to march, to sing and for those with awardees, it will be announce later, so don't be late, don't be absent. All of you should sing. High school graduation only happens once in your life so let's make it a memorable one, okay? Go take a break and then be back for your next subject. Sa wakas recess. Katahimikan nasaan ka na. Isa sa pinaka nagustuhan ko sa paaralan ay ang recess time. Pag recess, mag isa lang ako sa room or minsan kasama si Trisha. Pero most of the time mag isa ako. Lahat kasi ng students ay nasa cafeteria, sa library, sa hallway o sa plaza ng school. Ang iba kumakain, ang iba nag-aaral pero ang iba naglalandian lang naman. Sayang ang tuition ng mga magulang, naglalandian lang pala ang mga anak nilang putok na putok ang blush on at liptint pero amoy putok naman talaga. "Hoy arat na girl kumain na tayo, gutom na gutom na ako" nagmamadaling nililigpit ni Trisha ang mga gamit habang nakatingin sakin. "Sige punta ka na. Hindi ako gutom. Bilhan mo na lang ako ng mineral water" sabay abot sa kanya ng bente pesos. Hindi ako nagtitipid, sadyang hindi lang ako gutom. "Oh sige balik lang ako. Iwan ko nalang ang gamit ko para mabilis." Tumango ako at tinignan siyang umalis. "Hay silence. Sa wakas" malakas na sabi ko na may kasamang buntong hininga habang hinihmas himas ang aking leeg at nakapikit pa. "Oo nga sawakas at tahimik na kaya pwede bamg wag kang maingay" Agad akong napatayo at napatingin sa akig likod. Nakalimutan kong nakaupo pala siya sa likod ko. Nawala sa isip ko. "Oh ano? Bat ka nakatingin sakin?" Kunot noong tanong niya sakin. I rolled my eyes at napaupo. I will ignore him. No matter how annoying he is. I will ignore him. I will ignore him. "You know what, hindi mo naman kailngan iignore ako. You know, I'm a good person" Napakunot ang uno ko, can he read my mind?? This guy is really creeping me out. Ignore sheya ignore. Anytime soon andito na si Trisha. Oo nga bakit wala pa si Trisha. Ang tagal ng break time ha. Usually ang bilis bilis lang ng break time, bakit ngayon ang tagal. For the first time in history, gusto ko na ng maingay na kapaligiraaaaaaan "Sheya right? I'm Justin. If it's okay with you, can we be friends?" Why me? Sa dinami dami ng kaklase namin? Bakit ako? Bakla ba to? Bakit sa babae nakikipag kaibigan at hindi sa lalake. Hay nako Sheya kung anu-ano ang iniisip. "Silence means yes, right?" I can't see his reaction kasi nasa likod ko parin siya. Bakit ba to hindi umaalis, hinde ba to kumakain? Ano ba yan. He's ruining my alone time. Ito na nga lang ang oras na may katahimikan, sinisira niya pa. "Alam mo Justin, makipag-kaibigan ka na sa lahat, wag lang ako. Mapapagod ka lang" nakatingin parin ako sa kawalan at pilit iniiwasan siya. As much as possible I don't want to start a conversation. Besides, hindi ko siya malingon, di ko magalaw ang ulo ko and I don't know why. "Bakit? Palagi ba kayong nag eexercise ng kaibigan mo kaya palagi kayong mukhang pagod?" Tumaas ang aking isang kilay sa kanyang sinabi. Wala akong pakialam kung biro yon o ano. Wala siyang respeto sa kanyang kinakausap. "Can you please just shut up? Can't you see that I don't want to talk to you? Ayaw kitang maging kaibigan Justin. Simple as that, sana maintindihan mo 'yon. Ang yabang yabang mo pa kung mag salita na kung akala mo kung sino ka talaga" Natahimik siya bigla. Napaisip naman ako bigla sa aking nasabi, am I too rude? He deserves it naman, ang ayos kong makipag usap sa kanya na 'wag ako. Kung sana sinunod niya na lang ang payo ko edi sana di siya nakatanggap ng masakit na salita galing sakin. Whatever. After how many minutes of awkward silence, dumating na si Trisha na may dalang dalawang tubig at isang piattos. "Hay jusko mare ang haba ng pila sa cafeteria akala mo wala ng bukas" iniabot niya sakin ang tubig at napaupo. Naramdaman ko ang pag tama ng kanyang siko sa siko ko na parang may sinasabi, napalingon ako sa kanya at nakatingin siya sa harap habang kinakain ang kanyang piattos, ngunit nakangiti. Agad kong nakuha ang mensahe na gusto niyang iparating. Alam kong si Justine ang nasa laman ng kanyang isip dahil kame lang dalawa ang naiwan sa classroom kanina. Huwag mo na lang alamin kung ano ang nangyari Trisha, baka pati ikaw ay may masabi. "Justine gusto mo?" Iniabot ni Trisha ang piattos kay Justine, todo ngiti naman itong babaeng sa gwapo lang mabait. "Ah sige okay lang, salamat. You're Trisha, right?" Sagot naman ni Justine kay Trisha. "Ehe yes im Trisha, sure ka ayaw mo ha hehe" gusto kong batukan ng malakas si Trisha, ang oa kung makapag salita. Babaeng babae eh samantalang pag ibang tao ang kausap, parang nangangaway. Plastic talaga. "Yeah I'm sure. Thank you ah, you're so friendly, sana all" halatang pinaparinggan ako sa sagot ni Justine kay Trisha. Hindi naman niya kasi deserve ang pagka mabait ko kaya wala akong pakialam, dasurv niya ang matarayan, he ruined my alone time eh. Nagsidatingan na ang mga kaklase namin paunti-unti hanggang sa umiingay at lalong umiingay ang bawat sulok ng silid-aralan. But I'm still here, stuck in my own world, imagining, observing and judging my classmates. Lahat busy sa kanya-kanyang pagkain, kwentuhan, tawanan, bangayan, laro at landian. Lumipas ang kinse minuto at tapos na ang break time. Another subject na, english time. Dumating ang teacher namin sa English na si Ma'am Fae, magaling mag turo si ma'am Fae, isa siya sa mga nagugustuhan ko pagdating sa pagtuturo dahil hindi nakakasawang pakinggan, hindi boring at may natututunan ka talaga. While ma'am Fae is discussing in front, hindi parin maalis sa isip ko ang inasal ko kanina kay Justine. Alam kong mali, that's not the usual me pero ewan ko ba, sadyang may inis lang na bumuo sakin at hindi ko napigilan iparamdam ito sa kanya. Simula kaninang umaga hanggang sa ngayon ay hindi ko siya nilingunan, hindi rin naman siya tumayo. Tahimik rin siya at wala siyang kinakausap masyado. Siguro naninibago pa at he's adjusting pa sa surroundings. Nagsasalita lamang siya kapag may lumalapit sa kanya at kapag importante. "Class study your lessons because next week will be the schedule for your last periodical examination so I want you all to study hard and do your best. Next month graduation niyo na class, prepare yourselves for the big day" "Yes po ma'am Fae" "Noted ma'am" "Thank you ma'am" Ma'am Fae is smiling while fixing her things and then suddenly, "oh wait, before i forgot, where's Sheya De Leon?" Napatingin ako sa kanya at itinaas ang aking kanang kamay. "I'm here po ma'am, why po?" "Before you go home, go to my office I have something to ask" kinabahan naman ako bigla sa kanya. But it seems like it's nothing serious kasi nakangiti naman si ma'am, so I guess i didn't do anything bad. "Yes po ma'am" sagot ko sa kanya at inayos ang notebook sa aking bag. "Hala lagot ka siz may nagawa ka ba?" bulong ni Trisha sakin habang malaki ang matang nakatingin sa akin. "Ano ka ba, wala. Baka may ipapagawa lang" tumango tango rin siya at nag ligpit na rin ng gamit. "Oh ano siz samahan ba kita kay ma'am Fae or mauna na ako?" Sabi ni Trisha habang tumatayo sa kinauupuan. "Wag na, ako na. Umuwi ka na at mag practice kasi ikaw ang lead vocalist mamaya sa practice" "Siraulo ka sige na nga bye na siz, see u later. Wag kang ma-late ha." Sabay kaway sakin at napatingin naman ito kay Justine at kumaway rin na may matamis na ngiti sa labi. Kala mo talaga ang ganda niyang tignan. Tumayo na ako at isinabit ang bag sa likod. Naglakad ako palabas na parang walang tao sa likod ko. Nagmamadaling naglakad ako papunta sa English department. Sumasakit na naman ang tiyan ko, gusto ko ng umuwi at magpahinga. Napapadalas ata ang pag sakit ng tiyan ko. "Good noon teachers" bati ko sa lahat ng teachers na nasa loob ng faculty at dumiretso ako sa desk ni ma'am Fae na nagsusulat. "Ma'am, ano po yun? Bakit niyo po ako pinatawag?" Napaupo ako sa upuan na nakaharap kay ma'am Fae. "Oh nothing so serious, Sheya. Diba i told you guys na you should study hard for your upcoming exams, i just have a favor Sheya." My heart started to pound like crazy, parang mabubutas ang aking dibdib at parang sasabog ang aking puso sa kaba. My anxiety could never. "A-ahh yes ma'am sure, tell me what c-can I do m-ma'am" nauutal kong sagot kay ma'am. Ano ba ipapagawa niya, kinakabahan tuloy ako. "Is it okay if someone will lend all of your notes?" Yun lang naman pala eh. Sanay na akong hinihiram ng mga kaklase ko ang notes ko especially if may papalapit na exams. My notes is different than theirs, mine is colorful, i like to do it in a creative way. I enjoy making my notes every night. Parang stress reliever ko ang pag design ng bawat pahina ng aking notebook. Naka highlights ang mga importante. Mas ginaganahan kasi akong mag-aral pag maayos ang aking pagsusulat. "Ah that's it ma'am? Yes ofcourse. Hinihiram naman po nila ang notes ko and that's fine wig me ma'am" Hindi ko lang alam bakit kailangan niya pang ipagpaalam sakin ng ganito eh dati pa naman nanghihiram ang mga kaklase ko. "Sino po ba ang hihiram ma'am? At ibibigay ko po sa kanya mamaya" "The transferee, si Justine Julius, Sheya." — ♡˖꒰ᵕ༚ᵕ⑅꒱
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD