"Nanay mar si mama po?" Bungad ko kay Nanay Maria, ang yaya ko simula nung bata ako. Siya na ang madalas nag aalaga sa akin kasi laging nasa trabaho ang mama ko.
Mahigit 3 years na rin ang lumipas nung nawala ang Papa ko, ng dahil sa cancer. Namatay siya ng dahil sa prostate cancer. Late namin nalaman, di naagapan.
"Ah goodmorning anak, ayun maagang umalis Sheya. Halika na umupo ka't ipaghahain kita"
Hindi na ako nakasalita at umupo na lamang habang inaantay ang aking breakfast.
I always start my day without seeing my mom, and end my day without her parin, sanay na ako although minsan hinahanap hanap ko parin si Mama.
Natatandaan ko nung buhay pa si Papa, hindi man kami laging magkasama kumain ng breakfast but when it comes to dinner time kailangan present lahat.
Sa dinner na nangyayari, it takes 1-2 hours of eating and talking about our day. Summarization kumbaga.
But everything changed when my dad died. Wala ng ibang ginawa si Mama kundi ang mag trabaho ng mag trabaho.
I don't think she's working for my future, she's using her work to forget memories. To remove loneliness. It has been her coping mechanism ever since, and it hurts me inside kasi it seems like she doesn't aware that I am in si much pain and it affects me as a whole.
I feel alone physically and emotionally. I want my mom to be here with me, to be okay with me. She's my strength but i guess she forgot that I'm still here. That I'm still alive and waiting for her to notice me, again. I'm waiting for her to remember that she have her daughter who is in high school that needs her care, love and presence.
"Nay, sa tingin mo po ba if buhay pa si Papa, hindi magiging ganito ang buhay ko araw araw?" I can't contain my self but to ask my Yaya. Curious ako kung ganun rin ba ang naiisip ni nanay mar.
"Alam mo anak, 3 years na ang nakalipas pero sobrang naninibago parin ako sa inyo. Sa mga pagbabago. Pasensya ka na anak at wala akong magawa sapagkat di ko naman masabihan ang Mama mo" sabi ni nanay mar at inilapag ang aking breakfast sa lamesa.
Nakita ko ang awa sa pananalita ni Nanay mar at nag simula na akong kumain, alam kong pilit niyang pinapalakas ang loob ko sa kanyang mga sinasabi at naiintindihan ko kung saan nanggagaling ang mga salita ni nanay. Si nanay mar ang andyan para samin simula nung bata pa ako.
"Kung pwede lang ibalik ang panahon, pipilitin kong ibalik anak para lang makita ko kayong masaya. Parang anak ko na ang Mama at Papa mo nak, at ikaw rin parang apo ko na at hindi ko kayang makitang nagkakaganyan kayo mag ina"
Kahit naman kasi anong gawin o sabihin ko kay Mama hindi niya ako pakikinggan. I can feel the distance and the barrier between me and Mama but it seems like ako lang ang nakakapansin since she only cares for herself now.
Nanatili akong tahimik at pinipilit tapusin ang aking breakfast na inihanda ni Nanay mar pero ilang subo palang eh parang ayoko ng tapusin.
"Oh anak okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" Tanong ni nanay ng makita ang reaction ko
"Ah okay lang nay. Busog na po ako at sumakit po ang tiyan ko bigla pero okay lang ako nay"
"Nako naman sheya ha, sinasabi ko sayo alagaan mo ang sarili mo at bata ka pa. Kumain ka sa tamang oras at wag ka mag puyat palagi"
Alalang alala si nanay mar ngunit tumayo na ako nang makitang 6:45am na.
"Nay i need to go na po. Baka ma late po ako sa school at monday pa naman ngayon"
"Ang konti ng kinain mo Sheya, kumain ka sa school mo ha. Mag ingat ka anak"
Nginitian ko si nanay mar at kinuha ang aking bag at tumakbo palabas ng bahay.
Sumakay ako sa sasakyan ko at inandar ito.
I was going to start the engine nang maramdaman ko na naman ang sakit ng tiyan ko.
"What's wrong with me" I asked my self while holding my abdomen. After how many seconds nawala rin ang sakit at nagdali dali akong mag maneho.
5-10 minutes drive lang ang layo ng bahay namin sa school na pinapasukan ko pero minsan late parin talaga ako, ewan ko ba.
Habang nagmamaneho biglang nag ring ang cellphone ko sa bag kaya pinilit kong abutin ito ng hindi inaalis ang paningin sa kalasada. Mahirap na at baka kunin na ako ni Lord, di pa ako handa at wala pa akong jowa.
Kung mamatay man ako, sana maranasan ko naman magka jowa diba.
Nakuha ko ang cellphone ko at i checked immediately if who's calling while I'm driving.
It's Trisha, i answered.
"Hoy bakla nasaan ka na ba at 5 minutes na lang mag flag ceremony na"
I almost stepped the brake ng dahil sa sigaw ng kaibigan ko.
"Kung di ka ba naman tumatawag at sumisigaw edi sana makakapunta pa ako ng school ng buhay eh no? I'm driving Trisha okay" Sigaw ko pabalik sa kanya, gigil yarn.
"Okay okay sorry naman. Tagal mo kasi. I'm at gate 1, dito kita antayin okay bye drive safely bestie mwa"
Sometimes I wonder paano ako nagkaroon ng best friend na super duper mega extrovert.
But I'm so thankful Trisha tried his best to remove the wall between us. I know how she struggled to be my friend. I know so many people na sa una lang naman nag try kausapin ako but eventually sumuko rin at hindi kinaya ang ugali ko. Well, I can't blame them kasi minsan nga gusto ko na rin mag give up sa sarili kong ugali. Sila pa kaya?
But Trisha's different. She's full of positivity, happiness and i admire her strength so much. I sometimes wish I have the same energy as hers when it comes to facing different life situations.
Gaya ko, madami ring pinagdadaanang negatibo sa buhay si Trisha, but if you're someone stranger to her and you'll see her in public places, never mo siyang makikitang umiiyak o kahit matamlay na mukha. Palagi siyang nakangiti, tumatawa at ang daming sinasabi na parang ang perfect ng kanyang life, walang problema. It's just that, she knows when to be happy and when to be sad.
I don't know what's her secret para mag stay sakin ng almost 4 years now. Our friendship started when we were on our grade 6. Transferee siya sa school and naging kaklase ko siya.
To be honest, i dont have friends way back in my elementary days until she transferred to our school. Well, I'm not the one who approached first, obviously siya talaga.
Ewan ko ba sa dinami dami ng kaklase ko, bakit ako ang nakita niya na nasa isang sulok at hindi pinakinggan ang kanyang introduction speech sa harap ng class.
Maganda si Trisha, mahaba ang huhok, maputi at sexy ang katawan. Madaming humahanga sa kanya at kabaligtaran naman ako ng kanyang anyo.
Payat ako, matangkad, walang pakialam sa sariling pananamit.
Dumating ako sa gate, i parked my car next to Trisha's car. Lumabas na rin siya sa kotse niya ng makita ako.
"Ang tagal mo naman siz, ayos ka lang ba? Mukhang matamlay ka ha" bungad sakin ni Trisha habang hinawakan ang aking arm.
"Ano ba yan Trisha, kailan ba ako hindi naging matamlay ha? Siraulo ka ba?" Inirapan ko siya at nag fake ng smile.
Pumasok na kame samantalang naglakad naman ng padabog si Trisha. Arte.
Dumiretso na kame sa aming line, sa line ng mga Grade 10. Tuwing monday lang nagkakaroon ng flag ceremony sa school namin at tuwing Friday ng hapon naman ang flag retreat. Weird right? I know.
Tumahimik na ako ng makarating kame sa linya ng aming klase at pinagmasdan ang nasa paligid ko. Si Trisha ayun naging marites na at kung kani-kanino nakikipag usap. Lunes na lunes napaka chismosa talaga. Maingay at magulo ang paligid. Gusto kong umalis dito, di ako makapag isip ng maayos pag ganito kagulo ang nasa paligid ko.
Kaya minsan ayokong pumasok ng maaga kapag Lunes kaso naging mahigpit na ang paaralan na pinapasukan namin, at di na nila pinapapasok sa gate ang mga late na estudyante, makakapasok ka lang kapag may letter na galing sa magulang mo na nakasaad kung bakit ka late, at dapat may signature.
For sure kapag na-late ako, si Nanay Mar ang gagawa ng letter for me, kaya kahit ayoko ng magulo na kapaligiran, mas ayokong maramdaman na walang pakialam sakin ang Mama ko.
"Hoy Elena may transferee ba talaga eh malapit ng matapos ang fourth grading ah. Bat hindi nalang niya tinapos ang junior high niya at mag transfer na lang pag senior high na" sabi ni Trisha sa president ng klase namin na si Elena.
"Ano ka ba naman Trisha, magugulat ka kung makita mo, ang gwapo." Manghang mangha ang nakikita kong expression sa mukha ni Elena.
"Bakit? Totoo ba yan? Nakita mo na? Gwapo ba ha Elena? Ano ha Elena ano? Sumagot ka Elena?!" Tuloy tuloy na tanong ni Trisha. Di ko talaga kaya minsan ang bunganga ng babaeng ito. Napakalaki, ang lakas ng boses.
"Ano ba naman yan Trisha, ang ingay mo ang laki ng bunganga mo. Isa isang tanong lang naman mare. Pero hehe hindi ko pa nakita eh pero yun ang sabi ng iba, eh kaya feel ko gwapo nga talaga"
Nanatili naman akong tahimik at nakinig sa mga bali-balita sa paligid ko hanggang sa matapos ang flag ceremony.
Kapag talaga lunes, ang ingay ng mga estudyante, todo kwento ng mga bagay-bagay na nangyayari sa buhay nila.
Mas gugustuhin ko na lang tumahimik kaysa mag overshare sa mga taong plastic naman. Minsan natatawa nga ako eh habang pinagmamasdan silang nagpaplastican lahat.
Pumunta sa harap si Elena at nakuha naman niya ang atensyon ng mga kaklase ko.
"Classmates makinig kayo, diretso na kayo sa classroom natin at mag ligpit ng kalat ninyo. Pupunta muna ako sa principal's office at may transferee daw na magiging kaklase natin kaya behave kayo ha"
Nakinig naman kame at naglakad na papuntang classroom.
"Excited akong malaman kung sino babyung bagong kaklase natin" sabi ni Trisha habang bitbit ang kanyang dalawang libro. Ako tuloy ang nahihirapan sa kanya, di ba siya napapagod makipag daldalan kahit mabibigat ang dala. Sabagay, sanay na siya
"Huy Sheya ano ka ba, buhay ka ba ha. Multo ka na lang ba kaya ka di nagsasalita" sabay winagayway pa niya sa mukha ko ang kamay niya.
"Wag kang magulo Trisha at mag lakad na lang tayo" nagkibit balikat si Trisha at walang nagawa kundi ang makipagdaldalan sa ibang kaklase namin hanggang sa nakarating kame sa aming silid-aralan.
Then again, nagkakalat na naman sa classroom ang boses ng aking magandang kaibigan at halos boses niya lang ang naririnig sa classroom. Panginoon, tulong.
Napatigil ako sa pag iisip ng biglang nagsi takbuhan ang mga kaklase ko sa kanya-kanyang upuan at nagsipag ayos sa pag upo.
"Andyan na sila" sabi ni Trisha sa akin pagka upo niya. Hindi ko siya pinansin at ang kanilang ingay at tumingin sa kawalan. Mahabang introduction na naman, nakakapagod makinig. Sana recess na.
Dumating si Ma'am Nikki, Principal Francisco, si Elena at ang transferee.
"Good morning, class" sabi ni Principal at nagsipag tayuan naman kaming lahat.
Lumingon ako sa kinatatayuan nila at di ko sila masyadong naaaninag sapagkat ako ay nakaupo sa pinaka likod at dulo ng klase at nakatayo ang lahat sa aking harapan.
"Good morning Ma'am Nikki, Principal Francisco."
—
♡˖꒰ᵕ༚ᵕ⑅꒱