"Lintik na pag aaral 'yan! Dagdag gastos at perwisyo lang 'yan, hindi naman kailangan. Mag aaral pa, mag aasawa lang din naman!"
Nagising si Aeza sa lakas ng sigaw ng mama niya. Hindi na din naman iyon bago sa kaniya dahil lagi naman nangyayari iyon. Madalas pa nga ay sa mismong harapan niya ito isinisigaw.
Napatingin siya sa orasan at nakitang ala singko pa lang pala ng umaga. Hindi na lang niya ito pinansin at nagtungo na siya sa kaniyang banyo upang maligo at mag ayos.
Makalipas ang tatlumpung minuto ay natapos siyang makapag ayos at nag aalangan man siyang lumabas, wala siyang choice. Unang araw ng eskwela at hindi niya gustong mahuli sa klase lalo at graduating siya.
Pag labas niya ng kwarto niya ay naabutan niya ang kaniyang mama at dada sa hapag na nagsisimula pa lang kumain. Nginitian siya ng kaniyang dada at aayain na sana siyang kumain nang mag salita ang mama niya.
"Tignan mo nga naman, talagang matigas ang ulo mong bata ka ano? Wala ka namang mararating pero kung mangarap ka, mataas pa sa lipad ng ibon. Sana lang 'wag mong sayangin ang pera namin ng dada mo sa kagagahan mo, dahil sinisigurado ko sa iyong palalayasin kita. Ganyang ganyan lang din ang nangyari sa anak ni kumareng Marisol, oh eh kamusta ngayon? Ayun at buntis na nga tinakasan pa ng nakabuntis. Sinasabi ko na sayo kung mag aasawa ka lang din, mabuti pang tumigil ka na." mahabang litanya ng kaniyang ina.
"Hanep na almusal 'to, sermon." sa isip ni Aeza
Ngumiti na lamang siya ng alanganin, at kahit gutom siya at gustong kumain, nagpaalam na siya na aalis. Tutal ay busog na siya sa sermon ng mama niya.
Bago siya lumabas ay kinalabit siya ng kaniyang Dada, hindi niya man lang naramdaman na sumunod pala ito.
"Oh anak baon mo, dinagdagan ko na para makapag breakfast ka sa school mo." sabi nito ng nakangiti.
Ngumiti siya pabalik sa kaniyang Dada at nagmano bago tuluyang lumabas ng bahay. Tinignan niya ang ibinigay ng kaniyang Dada, 150 pesos. Sapat na ito upang makakain siya hanggang matapos ang klase at may maitatabi pa siya.
-------------------------------------------------------
Aeza's POV
Habang naglalakad palabas ng subdivision nakakita ako ng tricycle na may sakay na isang estudyante na kapareho ko ng school kaya naman sumakay na rin ako. Mas mura ang ibabayad ko dahil back ride lang ako.
~
Ako nga pala si Aeza Mari V. Tuffin, 16 years old at kasalukuyan akong nasa 4th year high school. Wala akong kaibigan sa school, pero wala din naman akong kaaway. Tahimik lang kasi ako at nakikisama ako sa mga kaklase ko.
Siguro ay nagtataka na kayo kung bakit gano'n na lang ako kung tratuhin ng mama ko, tinuturing niya kasi ako bilang sagabal at ang nag iisang sumira sa lahat ng pangarap niya. Kahit na gano'n ang sitwasyon ko ay nagpapasalamat pa rin ako dahil mabuti ang pakikisama sa'kin ng Dada ko. Kahit papa'no ay ramdam kong may nagmamahal sa akin.
Nang nasa school na ako, ay agad akong nag bayad at pumasok sa gate, bumati ako ng good morning sa guard at dumiretso na sa classroom ko. Hindi na ako bago sa school na ito dahil dito na ako nag aral mula elementary. Semi private school lang ito, dahil gustuhin man ni Dada na pag aralin ako sa private, ay ayaw ni mama.
_
Pagpasok ko sa room ay kakaunti pa lamang ang students dahil maaga pa naman. Tumingin ako sa aking wrist watch at nakitang 6am pa lang at may 30 minutes pa ako bago magsimula ang Flag Raising Ceremony. 7am naman ang start ng unang klase.
Napag desisyunan ko na pumunta na muna sa canteen upang bumili ng breakfast, pag dating sa canteen ay kaunti lang din ang tao at karamihan ay mga magkakaibigan na naghihintayan.
Dumiretso na ako sa mga pagkain, ang style kasi rito sa amin ay kapag rice meal ang bibilhin ay ikaw mismo ang kukuha at pipili sa isang mesa pagkatapos ay babayaran sa cashier, kapag mga snacks at candy naman ay ang mismong cashier ang magbibigay sa'yo. Pinili ko ang nasa isang styro na fried rice na may kasamang isang fried egg at tatlong nuggets.
Dito na ako sa canteen kumain upang hindi na ako mahirapan sa pag bitbit ng pagkain hanggang sa classroom. Makalipas ang 20 minutes ay tapos na akong kumain at naglalakad na pabalik ng room. May mga nakakasalubong ako na mga naging kaklase ko na ngumingiti sa akin kaya ngumingiti rin ako pabalik. Hindi ko man gano'n sila naging close ay maayos naman ang samahan namin.
_
Nagsimula na ang flag raising ceremony dito sa covered court ng school. Maayos na nakapila ang lahat at nakikisabay sa mga gawain. Matapos iyon ay bumalik na kami sa classroom, marami sa mga kaklase ko ngayon ay kaklase ko din ng mga nagdaan na taon.
Gaya ng tipikal na first day ay wala pang masiyadong pinapagawa, puro pagpapakilala lang din karamihan. Dahil kahit magkakakilala na ang iba sa amin, ay may mga bagong lipat din at ang mga teacher ay iba sa mga naging teacher namin noon.
Alas tres na nang pumasok ang aming adviser sa room. 3:00 -4:00 pm ang schedule niya ngayon at huli na rin para sa araw na ito. Nameet na namin siya kanina dahil siya ang teacher namin sa Math na unang subject sa umaga.
Nakangiting bumati sa'min si Ma'am Carms at nag umpisa na agad sa agenda sa oras na iyon para daw matapos ng maaga. Nomination ng class officers ang agenda ng oras na iyon, kaya naman nag umpisa na si Ma'am na magtanong kung sino ang gusto namin na maging President.
May nag nominate kay Sofie, Adrien at sa di inaasahan ay may nag nominate din sa akin. Para sa akin ay okay lang kung manalo o matalo ako, maganda din kasi sa image at marami ang opportunity kung mag-gagraduate akong President. Thirty lang kami sa klase, 15 na babae, at 15 na lalaki.
Nakakuha si Sofie ng 6 na boto habang si Adrien naman ay 10. Automatic na ako ang panalo dahil, 27 lahat ang boboto at may 11 na boto ako. Dati na rin akong naging officer, kung minsan secretary at kung minsan ay representative. Tinawag ako ni Ma'am Carms sa unahan para ako na ang mag lead.
Natapos ang nomination at dinismiss na din agad kami ni Ma'am. Ngunit parang ayoko pang umuwi dahil tiyak na si mama ang maaabutan ko sa bahay. At baka sigawan at sermunan na naman ako. Hay buhay, walang choice. Sumakay na ako ng tricycle pauwi, gaya kanina ay back ride lang uli ako.
Nang makarating sa bahay ay wala si mama, iniisip ko na baka may binili o pinuntahan. Pero ng napadaan ako sa kwarto nila ni Dada ay nakita ko siyang nakahiga sa kama at natutulog. Kaya dumiretso na ako sa kwarto ko. Naglinis muna ako ng katawan at nagbihis ng pambahay.
_
Maayos naman ang pamumuhay namin, nagiisa din kasi akong anak kaya hindi gano'n kahirap. Nagtatrabaho si Dada bilang isang Engineer habang si Mama naman ay may mga pwesto sa palengke na may mga tumatao kaya minsan ay nasa bahay lang si mama.
Ang bahay naman namin ay hanggang 2nd floor. Typical na bahay, may dalawang kwarto sa itaas na parehong may banyo. Hindi gaano kalakihan ang kwarto ko pero sakto na para sa akin. May single bed ako at maliit na drawer sa gilid nito. May bookshelf din ako na nakadikit sa wall nitong kwarto dahil bukod sa mahilig ako mag basa ay mahilig din ako mag collect ng libro. Dito ko inilalaan ang mga naisave ko na sobra sa baon ko. May magigit sa 100 ako na libro, at gumagaan na agad ang pakiramdam ko kapag nakikita ko ang mga books ko.
_
Nang sumapit ang alas siyete ng gabi ay tinawag ako ni Dada upang kumain. Nagulat pa ako dahil kaming dalawa lang ang kakain. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil ibig sabihin ay makaka kain ako ng maayos dahil wala si mama. Ang sabi ni Dada ay nag punta raw si mama sa palengke upang kunin ang naging benta ng araw na iyon at nakipag kita daw sa mga kaibigan nito upang kumain sa labas. Pagkatapos namin kumain ni Dada ay nag prisinta ako na mag hugas dahil alam ko naman pagod na din di Dada sa trabaho.
_______________________________________________________
Mabilis na lumipas ang mga araw, wala pa rin pagbabago ang bunganga ni mama. Hindi ko na nga siya maintindihan, kahit wala akong ginagawa ay palagi siyang galit sa akin. Iniintindi ko na lang dahil ayokong maging bastos at baka humaba lang din ang seremonyas niya.
Nasa school ako ngayon at Filipino ang subject, ito ang subject bago mag lunch. Nang matapos ang klase ay nagtayuan na agad ang mga kaklase ko upang pumunta sa canteen. Habang ako ay nag ayos pa ng gamit, at palabas na din sana ng makita kong nasa kinauupuan pa rin niya si Leigh. Mukhang wala siyang balak kumain, lagi siyang ganyan. Kaya di na ko naka tiis at nilapitan ko siya.
"Hi!" nahihiya kong bati sa kaniya at ngumiti.
Nag angat naman siya ng tingin sa akin.
"Hello, Pres. bakit po?" nahihiya niya ring ani.
"Hindi ka ba magla-lunch?" tanong ko
Umiling naman siya bago mag salita, "Naku Pres hindi po. Hindi naman po ako gutom" aniya at ngumiti ng bahagya.
"Sigurado ka ba? Kung gusto mo ay sumabay ka sa akin, libre ko na ang lunch mo :)" .
Nakita ko naman ang pagliwanag ng kaniyang mukha nang marinig ang sinabi ko, ngunit bigla rin nawala ang kaniyang ngiti at umiling ng ilang ulit.
"Naku hindi na po talaga, nakakahiya naman po." aniya
Ngunit pinilit ko na siya at inaya ng lumabas. Sumama din naman siya sa akin sa canteen.
"Anong gusto mo?" tanong ko sa kaniya.
"Yung mura lang po sana Pres, o kung ano ang sa iyo", ngumiti siya na parang nahihiya.
"Hahanap po ako ng uupuan natin Pres." dagdag niya pa.
Napailing na lang ako dahil nahihiya pa rin talaga siya. Pumili ako ng dalawang rice meal na ang ulam ay adobo, nagpadagdag din ako ng isang kanin dahil baka gutom at kulangin si Leigh. Pagka bayad ko ng pagkain namin ay pinuntahan ko na siya sa table na sinave niya para sa aming dalawa.
_
Matapos naming kumain ay bumalik na kami sa classroom. Naalala ko ang naikwento ni Leigh kanina sa akin tungkol sa kaniya, kung bakit hindi siya lumalabas at kumakain 'pag lunch. Madaldal din siya, yun ang napansin ko.
"Mahirap lang kasi kami, ang nanay ko ay naglalabada para may ipang kain kami magkapatid. Dalawa kaming magkapatid at nag aaral pareho, single mom si nanay dahil iniwan kami ng amerikanong tatay namin. Kaya tinitiis ko na di kumain ng lunch para sa kapatid ko at para makatipid si nanay." kwento ni Leigh kanina.
Matalino si Leigh, at alam kong magaling siya talaga. May mga kaibigan din naman siya pero dahil nahihiya siya sa kalagayan niya ay 'di siya masiyado nakikihalubilo at baka mapagastos din daw siya.
-------------------------------------------------------
Natapos ang klase at nagpaalam na sa akin si Leigh na mauuna na siya pauwi para matulungan ang nanay niya, kaya tumango na lang ako sa kaniya at ngumiti.
Palabas na ako ng school ng tawagin ako ni Ma'am Carms, mukhang galing siya sa Principal's office.
"Good afternoon po, Ma'am." bati ko.
"Good afternoon din Aeza, nais ko lang sabihin sa'yo na magkakaroon ng Math quiz bee sa susunod na buwan. At kayong dalawa ni Leigh Aya ang napili para mag represent ng school." ani Ma'am Carms.
Nagulat man ay tumango ako at ngumiti, "Sige po Ma'am at salamat po." ani ko at ngumiti.
"Kakausapin ko kayo bukas ni Leigh at nang mapaghandaan natin ang quiz bee. Ingat ka sa pag uwi." Kumaway na lang ako kay Ma'am at ngumiti.
-------------------------------------------------------
Nang makauwi ako ay andun na si Dada at mama sa sala. Nagmano ako sa kanila ngunit si Dada lang ang nagpa mano. Kaya naman nagpaalam na ako na aakyat muna sa kwarto.
Pagka pasok ko pa lang sa kwarto ay di ko na agad napigilan ang pag bagsak ng luha sa mata ko. Balak ko pa naman sana na ibalita sa kanila na magiging representative ako ng school para sa quiz bee ngunit pinanghinaan na naman ako ng loob dahil kay mama. Mukhang 'di din naman siya masaya tuwing nakikita pa lang ako.
Gabi na ng katukin ako ni Dada at ayaing kumain ng dinner. Pinagbuksan ko agad si Dada at sumabay na pababa sa kusina.
"Oh anak kumain ka ng marami ha at wala pa ang mama mo dahil kumuha ng benta sa palengke." sabi ni Dada habang ipinag hahain ako.
"May sasabihin po pala ako, Dada." ano ko sa nahihiyang tono.
"Ano iyon anak? May kailangan ka ba? May gagawin o may gustong bilhin?" sunod-sunod na tanong ni Dada.
"Wala po Dada, gusto ko lang po sabihin na magiging representative po ako ng school namin para sa quiz bee. " ani ko at nakita ko naman ang pag ngiti ni Dada.
"Wow! Napaka galing mo naman anak, kung gano'n ay pagbutihin mo ha? Bibigyan kita ng gift kapag nanalo ka." naka ngiting ani ni Dada.
Natuwa naman ako at nagpatuloy ang usapan namin ni Dada habang kumakain. Ganito kami ni Dada kapag wala si mama, alam ko din kasi na di kaya ni Dada na pigilan si mama sa tuwing sisigawan ako kaya wala din siyang magawa. Naikwento ko rin kay Dada si Leigh at nakakahiya man ay sabi niya dadagdagan niya ang allowance ko para kahit paano ay mailibre ko ng pagkain si Leigh. Masaya akong natulog ng gabing iyon.
.