Disclaimer:
This is a work of Fiction. Names, businesses, places, events, are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to an actual person, living or dead, or actual event/place are purely coincidental.
Aeza's POV
We won the Math Quiz Bee and nasundan pa yun ng maraming contest and guess what? We always won! Mas naging close na din kami ni Leigh dahil dun. Tinawag na nga kaming power duo.
Si mama naman ay ganun pa rin. Palagi ko pa rin siyang pinag dadasal na sana ay mawala na ang galit niya sa akin.
Kasalukuyan akong nag lalakad ngayon kasama si Leigh, papunta kaming covered court. Galing kaming canteen dahil nag break. Ngayon ang unang araw ng practice ng graduation. Napaka bilis ng panahon, college na ko next next month.
"Aeza sana makapasa tayo sa UP ano?" ani Leigh.
Napangiti ako dahil talagang pangarap namin ang makapasok sa university na iyon.
"Tiwala lang, Leigh. Papasa tayo ron." sabi ko while giving her an assuring smile.
Nag entrance exam kami ni Leigh sa University of the Philippines last year. At malalaman ang resulta noon isang buwan mula ngayon.
Nang makarating na kami sa covered court ay pina paayos na muli ang mga ka batch namin upang makapag simula na uli sa practice. Ngayong araw din ipapa alam sa amin ang aming mga awards bilang graduates.
_
Best in Math
Best in Science
Best in Filipino
Best in English
Best in Arts
Best in History
Leadership Award
Conduct Award
Deportment Award
and Class Valedictorian
Ito ang mga nakuha kong award, at sobra akong napaluha. Halos pareho kami ng award ni Leigh, siya ang Class Salutatorian. Napaka saya naming dalawa dahil isang malaking karangalan ito at talagang malaking impact ito sa pag apply namin sa mga universities. Ito rin ang naging bunga ng lahat ng mga pinaghirapan namin. Ito ang resulta ng pagiging active namin at mga pagsali sa mga quiz bee at patimpalak.
"Sana ay maging proud na sa akin si mama" piping dasal ng puso ko.
Nang makauwi ako sa bahay ay masaya ako dahil nais kong ibalita kay Dada at mama ng mga award ko. Wala pa si Dada ng makauwi ako, marahil ay nasa trabaho pa. Nakita ko naman si mama na natutulog sa sofa kaya hindi ko na inabala. Naisipan ko na mamayang gabi ko na lamang sasabihin sa kanila. Umakyat na lang muna ako sa kwarto at nagbihis, kumuha ako ng libro, umupo sa study table ko at nagbasa.
Nagising ako ng makarinig ng katok sa pinto ng kwarto ko, hindi ko man lang namalayan na nakatulugan ko pala ang pag babasa. Nang buksan ko ang pinto ay nakita ko ang naka ngiting si Dada.
"Halika na anak, mag hahapunan na tayo." ani Dada.
Ngumiti ako at sinabing susunod ako. Inayos ko muna ang libro na kinuha ko kanina sa bookshelf ko. Nag ayos ng buhok at sumunod na bumaba sa kusina. Nadatnan ko si Dada na tila hinihintay ako at si mama na nag uumpisa na kumain. Tahimik akong umupo sa upuan katabi ni Dada at nag simula na kaming kumain.
"Sa lunes na ang graduation niyo anak, diba?" ani Dada.
Nagulat man ay tumango pa rin ako at ngumiti. Hindi ko maisatinig ang nais kong sabihin, gusto ko sanang ipaalam ang mga karangalan na natanggap ko ngunit nag aalinlangan ako.
Kahit gustong gusto ko ng magsalita ay tahimik na lamang akong kumain, ramdam ko din kasi ang masamang tingin sa akin ni mama. Matapos namin mag hapunan ay dumiretso na ako sa kwarto ko. I did all my night routines after I finished reading the book I read earlier. Nakatulog na agad ako.
~
" I promise you, I'll be always be by your side no matter what happens. I'll be watching you from a far. I won't let anything bad happen to you. Be safe, I love you."
Nagising ako sa panaginip na iyon, 14 years old ako ng mag simula akong managinip tungkol sa isang lalaki na nakahawak sa pisngi ko habang binabanggit ang mga katagang iyon. Umiiyak ako at nakapikit sa senaryo na iyon at sa tuwing ididilat ko ang mga mata ko upang makita ang mukha ng lalaki ay bigla itong nagliliwanag pagka tapos ay naglalaho, at magigising ako na puno ng luha.
Hindi ko lubos na maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng panaginip na iyon, pero mula ng mag birthday ako at tumuntong ng 16 years old ay di ko pa uli iyon napanaginipan, ngayon na lang uli. At gaya noon sobra na naman ang pag iyak ko ng magising ako. Alam kong may malaking parte sa buhay ko ang lalaking iyon ngunit hindi ko alam kung sino siya at wala akong ideya dahil hindi ko pa rin naman siya lubusang nakikita.
Lumabas ako ng kwarto at nag tungo sa kusina upang uminom ng tubig. When I glanced at the clock earlier, I see that it's already 4:30 am. Hindi na siguro ako makakatulog uli. Kaya pag tapos uminom ay naisipan kong mag palit ng damit sa kwarto. Mag jogging ako bago maghanda sa pag pasok.
30 minutes ako nag jog at nang makabalik ay nag pahinga ako sandali bago maligo. Nang matapos maligo at makapag ayos ay bumaba na ako, si Dada lang ang naabutan ko sa kusina.
" Anak, nakahanda ka na pala papasok. Halika na at kumain, maagang umalis ang mama mo at pumunta sa palengke." naka ngiting ani Dada at nag patuloy sa paghain ng pagkain.
Minsan lang kami magkasabay tatlo nila mama na kumain, madalas kasing wala si mama. Gusto ko sanang isipin na busy lang talaga siya, pero naiisip ko na baka ayaw niya lang ako makita at makasabay.
_______________________________________________________
"Tuffin, Aeza Mari V., Valedictorian." ani Ma'am Sandra, ang host ng graduation na teacher din sa school. namin.
Matapos ng graduation march at isa isang patawag kanina sa aming mga pangalan karugtong ng mga parangal na aming tinanggap during the graduation ceremony ay tinawag na ako upang mag bigay ng speech.
" Good morning honored guests, Principal Cruz, all faculty, academic and supporting staff, friends, family, and all of you, graduates, the class of 2015." I started.
"Congratulations! We’ve done it, all the hard work has finally paid off and we’re all ready to take the next big step in life. I am honored to stand before you today and reflect on our collective journey in this school. The past four years have certainly been tough, but now we are all here to celebrate our triumphs, our achievements, our victories and the journey on which we have all embarked toward our future destinations. First, I would like to extend my deepest gratitude to my adviser, Ma'am Carmen Antonio, to Principal Cruz and to all the teachers and faculty members that became my second parents. I am also grateful to Leigh, she became my best companion. Finally, I am thankful to my parents for supporting me throughout my journey. Thank you so much Dada and Mama." I paused to look at the people in front of me. I only saw Dada, he's smiling and clapping for me. My heart teared up when I noticed that Mama is not here. Hindi talaga siya dumalo. Nag simulang mag tubig ang mata ko kaya nag patuloy na ako bago pa bumagsak ang luha ko.
"When we started our first year, no one ever knew how things would change in a few months. Each of us has had our own unique experiences; a combination of good times and bad times. Graduation marks the end of yet another extraordinary chapter in our lives. With this chapter closed, I am sure that many of us are already anxious about starting the next
one because, unlike the textbooks, we cannot skip through the pages of life to see how long the next chapter is going to be. Often on graduation day we look outside for heroes but I am sure they are right here among us." tuluyan ng tumulo ang luha ko, pero pinanatili ko ang ngiti sa mga labi ko.
"When you leave here today, celebrate what you have accomplished, but look forward with an eye toward how you, too, can be an inspiration for others. Congratulations Class of 2015!" I ended my speech with a genuine smile.