Chapter 2 - The meeting

1686 Words
Exercise, read books, advance study, and hangout with Leigh. After the graduation, I busied myself. Ilan lang yan sa mga pinagkakaabalahan ko ngayong summer. Ngayon ay makikipag kita ako kay Leigh sa mall. Mamimili kami ng mga pang tinda like kikiam, fishball, fries at iba pa. Sa naipon ko kasing pera ay pinahiram ko siya para makapag simula sila ng mama niya ng business ngayong summer. Pagkatapos namin sa mall ay sa bahay kami didiretso para sabay tignan ang result ng exam namin sa University of the Philippines. Ipinadala ang letter kahapon at napag usapan namin na sabay namin iyong bubuksan upang malaman kung nakapasa ba kami. "HALA! Sorry ,Eyey. Kanina ka pa ba? Pinatulog ko pa kasi mga kapatid ko bago umalis, natagalan tuloy ako." ani Leigh na humihingal pa. Gusto ko ang nickname na itinawag niya sakin. Para bang natutuwa ang puso ko sa nickname na 'yon. Napa ngiti naman ako bago tumugon dahil kitang kita ko sa itsura niya na nag madali nga talaga siya. "Hindi, kararating ko lang din. Huminga ka nga muna, maghihintay naman ako kaya di ka dapat nag madali ng sobra." balik na tugon ko. "Woooh!" hingang malalim niya. "Halika na para matapos tayo agad at excited na ako sa result ng test natin sa UP." bakas nga ang excitement sa boses niya. Papunta na kami ngayon sa isang stall kung saan makakahanap ng paper plates na pang fries and cheese sticks. Nadaan kami sa bookstore at naalala ko naman na wala pa nga pala akong copy nung book na Heartless sizzle, kalalabas lang non nung February kaya naman di pa ako nakakabili. "Leigh, daan muna tayong bookstore bibili lang ako ng libro. Okay lang ba?" tanong ko. "Sure sige! Mag titingin tingin din ako." ani Leigh. Pag pasok namin sa bookstore ang aliwalas ng pakiramdam ko, ang overwhelming na makita ang maraming libro na naka display. Parang gusto ko tuloy bilhin lahat, kaso wala pa akong kakayahan. Nahanap ko na agad ang libro na nais kong bilhin, pero nag tingin tingin pa din ako ng iba baka kasi magustuhan ko din. Habang nag titingin ako ng libro biglang lumapit si Leigh sa akin. "Comfort room lang muna ako saglit, dito na lang kita babalikan kung okay lang?" ani Leigh. Tumango at ngumiti na lamang ako at nag patuloy sa pag tingin ng libro. Sa dulong bahagi ng bookstore ako napadpad at nakakita ako ng very rare na book, kukuhanin ko na sana ito nang may biglang nauna sa akin. Napa tingin ako sa kaniya at sa hindi malamang dahilan ay bumilis ang t***k ng puso ko, hindi ko alam kung dahil ba sa kaba o ano. Tinitigan ko ang lalaki, oo lalaki ang naunang kumuha ng libro. Naka hoodie na jacket siya na kulay cream, cap na black, simpleng shorts at shades. Ang bango niya at mukhang mayaman sa unang tingin. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit nakatitig lang siya sa akin. Konti na lang ay aakalain ko ng bulag siya. Iwinagayway ko ang aking kamay sa harap ng mukha niya, nakita ko namang napakurap siya. "Hi mister! Bibilhin mo ba ang book?" tanong ko na naka ngiti ng alanganin. Ngunit sa halip na sagutin ako ay bigla siyang tumalikod at dumiretso sa counter. Nagulat ako, halo halong emotion din ang nararamdaman ko. Sad at nanghihinayang dahil 'di ko nabili ang rare book na iyon at nagtataka din sa kinilos ng lalaki. "Oh bakit para kang pinag sakluban ng langit at lupa diyan?" gulat na tanong ni Leigh sa akin. Hindi ko napansin na nakabalik na pala siya, ikinuwento ko sa kaniya ang weird na lalaki at ang nangyari habang palapit kami sa counter. "Grabe ang creepy naman niya, di man lang nag salita?" tanong niya sa akin habang nilalagay ko ang libro sa counter. Umiling ako at nag labas ng pera sa wallet para magbayad. Iniisip pa rin ang lalaki. Nang aabutin na ng cashier lady ang pera ko ay may biglang sumingit na kamay at nag abot ng card. Sa pagka bigla ay hindi agad ako nakapag react ng maayos. Lalo pa akong nanigas sa kinatatayuan ko ng mag salita ang lalaki. "Charge it here." maikling wika niya. Hindi ko alam kung bakit pamilyar sa akin ang boses niya, sa ikli ng sinabi niya ay para bang ang lakas ng impact sa akin. Ang manly ng voice niya pero parang narinig ko na iyon dati. Nakaramdam ako ng pagsakit ng ulo kaya hindi ko na pinilit na alalahanin pa. Nang lingunin ko si Leigh ay nakanganga lang din siya sa lalaki. Naging mabilis naman ang pangyayari at nagulat ako ng may ipahawak na paper bag sa akin ang lalaki bago umalis. Nang magsalita ang cashier lady ay tsaka lang ako natauhan. Bigla akong hinila ni Leigh palabas ng bookstore at luminga linga. Pilit rin hinahanap ng aking mata ang lalaki ngunit wala na siya sa paligid. Napatingin ako sa paper bag na hawak ko, dalawang paper bag galing sa bookstore. Ang isa ay ang binili kong libro at ang isa ay ang binigay ng lalaki. Nang tingnan ko ang paper bag ay di ko alam ang mararamdaman ko, natutuwa, nabibigla at nagtataka ako ngayon. Bigla naman lumapit si Leigh sa akin at tinignan din ang paper bag. "Ito ba yung sinasabi mong rare na libro?" Hindi ko mawari kung bakit parang kinikilig si Leigh. "Oo at di ko alam kung bakit niya ibinigay sa akin, pagkatapos niyang makipag unahan at ibibigay din pala niya sa akin." may inis sa boses ko ngunit di ko alam bakit parang defense mechanism ko iyon. Dahil sa totoo lang ay masaya ang puso ko sa di malaman na dahilan. Nasa jollibee kami ngayon ni Leigh, dahil sa naging libre ang pag bili ko ng libro ay naisip kong ipang kain na lamang namin ni Leigh ang pera na dapat ay pambili ko ng libro. "Dalawang 1-pc. with burger steak nga po" sinabi ko ang order sa cashier lady at mabilis naman ang naging response nito. Habang kumakain kami ay panay ang banggit ni Leigh sa weird na lalaki. "Ang weird niya pero kinikilig ako!!! Paano pala kung siya na ang the one mo? Malay mo may gusto iyon sa'yo!? Kaya ganon ang kinikilos niya, what if diba?" hindi talaga mapigil ang bibig ni Leigh kahit na kumakain. Napapa iling na lang ako pero napapaisip din at the same time. Paano nga kung kilala ako ng lalaking iyon? Mabilis ko ring inalis sa isipan ko iyon at tinapos ko na ang pagkain. Nag abang kami ni Leigh ng Tricycle sa labas ng store ng jollibee at dumiretso na sa bahay. Pagkarating namin sa bahay ay dumiretso na kami sa kwarto ko dahil wala namang tao. Nasa work si dada at siguradong nasa palengke si mama. "OMG!!! Buksan na natin dali, kinakabahan ako!" nangingiti na lang ako sa itsura ni Leigh dahil kanina pa pabago bago ang isip niya, sasabihing buksan na namin ngunit biglang sisigaw ng wait lang HAHAHAHA. "Wait! Buksan na natin ng sabay, at kahit anong resulta ay dapat masaya tayo at tanggapin natin." naka ngiti kong saad upang matigil na ang pag aalinlangan niya. Habang binabasa namin ang nakalagay sa letter ng tahimik ay pa intense nang pa intense ang atmosphere sa kwarto. Nagulat ako ng biglang sumigaw si Leigh at nag tatalon...masaya ako para sa aming dalawa. Maluha luha siya habang nagtata talon at naka ngiti lang ako sa kaniya. Alam ko na ang resulta naming dalawa ngayon. "Oh! Bakit naka ngiti ka lang diyan? Hindi ka masaya? Hindi ka ba pumasa?" may takot at kaba sa boses na tanong niya. Bigla naman akong tumayo sa kama at niyakap siya. "Pasado tayong dalawa!!!!" sigaw ko at nag tatalon kami habang magka yakap. " U.P. HERE WE COOOOOME!!! " sabay naming sigaw dalawa. --- April 22, 2015. It's my 17th birthday nothing special happened. I just celebrated it with Leigh. We ate lunch at the mall, we watched movie together and also played some games in arcade. We bonded and I'm thankful that I was able to spend it with her. Ngayon lang naging ganito kasaya ang birthday ko. Noon kasi ay madalas akong umiiyak tuwing kaarawan ko dahil sa mga masasakit na salita ni Mama. Sermon at paninigaw niya ang lagi kong handa. " Aeza anak? Regalo ko para sayo." nakangiting sambit ni Dada sa akin pagpasok niya ng kwarto ko. Maghapon lang kasi ulit akong nagkulong dahil alam ko na pag nakita ako ni mama ay mahabang sermunan na naman ang mangyayari. Tinanggap ko ang binibigay ni Dada, isalang necklace na ang pendant ay four leaf clover. I smiled because I know what it symbolizes. Si Dada lang talaga ang nakakapag pagaan ng loob ko. "Halika sa baba, ipinagluto kita at may inihanda akong cake para sayo." aya sa akin ni Dada. "Wala siya, umalis ang mama mo." dugtong ni Dada nang siguro ay nakita niya ang pag aalinlangan ko. Ngumiti ako sa kaniya at sumama pababa sa kusina. --- Ganoon palagi ang eksena tuwing birthday ko, kaya naman ngayong nakasama ko si Leigh sa pag celebrate ay kahit papano gumaan ang pakiramdam ko. Pag uwi ko ay wala si Mama, hindi ko alam pero nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Nadatnan ko si Dada sa kusina na naglalagay ng iilang putahe sa lamesa. Nang maramdaman niya ang presensya ko ay nag angat siya ng paningin at ngumiti sa akin. "Happy Birthday, Aeza anak!" masayang bati ni Dada sa akin. Ngumiti ako at lumapit kay Dada. "Thankyouuu so much po, Dada! Hindi niyo po kailanman nakalimutan ang kaarawan ko, masaya po ako dahil sa inyo." ani ko habang naluluhang nakayakap kay Dada. Marahang hinagod ni Dada ang likod ko at sinuklay ang buhok ko gamit ang kaniyang mga daliri. "Syempre naman anak, hinding hindi ko makakalimutan 'tong araw na ito. Dahil ito ang araw na dumating ang pinaka magandang biyaya sa akin galing sa Panginoon." Dada said while caressing my hair. My birthday ended that night after I and Dada ate dinner and that was my happiest birthday so far ever since I last remember.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD