Aeza's POV
"Good morning, Ms. Tuffin. The purpose of this email is to notify you about the scholarship granted for you as the Valedictorian of Class 2015. Attached here is the benefits and allowance that you can get if you agree to study at University of Bulacan. Sorry for the late notice."
100% full scholarship
Php 15,000.00 allowance monthly
Php 5,000.00 book allowance
Free Physical education uniform
Free dormitory room
Summer job every vacation
And a chance to participate on our donations and community/social activities.
Bigla akong naguluhan, sobrang laking opportunity ng binigay sa akin ng school. Kung tatanggapin ko ang scholarship na 'yon ay malaki ang matitipid ko at isa pa ay magkakaroon ako ng pag kakataon na mamuhay mag isa. Ngunit inaalala ko si Leigh. Hindi ko pa nasasabi sa kaniya ang tungkol sa natanggap kong email galing kay Ma'am Carms. Baka kasi magtampo siya sa akin dahil nangako kami sa isa't isa na iisang school ang papasukan namin at yun ay ang U.P.
University of Bulacan is a great university too. Kahit nasa province ito ay talaga namang hindi nawawala sa ranking, malapit din ito kumpara sa University of the Philippines na nasa Quezon City pa. Ang dami din benefits ang inoffer nito kaya naman di ko maiwasang mag dalawang isip.
*ring~ ring~*
Nagising ako sa pagkaka tulala nang mag ring ang cellphone ko.
Leigh calling~
Agad ko itong kinuha at sinagot kahit na medyo nagulat at kinabahan at masaya pa din akong bumati.
"Hi Leigh! Napatawag ka?"
"Gusto mo pumunta dito sa bahay? May sasabihin sana ako sayo, importante ito."
Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan, feeling ko ay nalaman niya ang tungkol sa scholarship. Baka magalit siya sa akin.
"Ah sige sige, bihis lang ako." sagot ko.
"Okay! Bye bye ingat ka." sabi niya at binaba na ang tawag.
Matapos kong mag bihis ay bumaba na ako, ngunit di ko inaasahan na maabutan ko si mama at dada sa sala na nag uusap.
"Oh andiyan na pala ang magaling mong anak, Martin." rinig kong sabi ni mama kay dada.
"Ano saan ka pupunta? Makikipag kita ka ba sa nobyo mo? Aba't sinasabi ko na sayo Aeza ngayon pa lang kung mag aasawa ka lang din ay tigil tigilan mo na kami sa pagkukunwari mong mag aral, baka mamaya ay nag aaksaya lang kami ng pera sa'yo. Hindi na nga kita gustong pag aralin, mukha naman wala kang mararating." mahabang litanya ni mama habang masama ang tingin sa akin.
Hindi naman ako agad nakasagot dahil tila may bumara sa lalamunan ko, ang marinig ang ganong bagay ay napaka sakit lalo at kay mama pa nang galing.
"Tumigil ka na nga muna, Aya. Umakyat ka na sa taas at ako na ang kakausap kay Aeza." pigil na sabi ni Dada.
Pinanood ko namang umakyat si mama sa kwarto nila ni Dada at pag tapos ay binaling ko kay Dada ang paningin ko. Nagtataka ako and at the same time ay kinakabahan sa tingin ni Dada.
"Mari anak, pasensya ka na sa mama mo ha? Kamusta ka anak?" mahinahong sabi ni Dada.
"Mabuti naman po ako, Dada. Kayo po kamusta?" ganting tugon ko kahit na alanganin ang ngiti ko.
"Anak, didiretsuhin na kita. Naging maluho ang mama mo simula nang magtapos ka ng high school, kahit na anong gawin kong pag iipon para sa pag aaral mo ay tingin ko hindi sumasapat. Nagagalit kasi ang mama mo sa tuwing hindi ko siya nabibigyan ng dagdag na pera pang shopping niya kaya madalas ay iyong iniipon ko para sa'yo ang nabibigay ko sa kaniya. Nagagalit din siya sa tuwing sasabihin ko na ang perang iyon ay para sa pag aaral mo ng kolehiyo, ayaw niya na magtuloy ka ng pag aaral kaya naman talagang inuubos niya ang sweldo ko sa pag bili ng luho niya. Pasensya ka na talaga anak, gustuhin man kitang suportahan sa pag pasok sa nais mong paaralan ay natatakot ako na baka hindi maging sapat ang pera natin." may lungkot sa boses na paliwanag ni Dada.
Naiintindihan ko siya at nalulungkot din ako, ngunit hindi ko na ipinahalata na niyakap ko na lamang siya ng mahigpit.
" 'Wag na po kayo mag alala sa akin, Dada. Maaari po ba natin 'tong pag usapan sa sunod na araw? Dadalaw lamang po ako kay Leigh dahil may importante siyang sasabihin at after po noon ay may sasabihin din po ako sa inyo." nakangiti kong ani.
Ngumiti at tumango naman si Dada kaya nag madali na akong umalis pagka mano ko sa kanya.
Habang lulan ng tricycle ay may nabubuo ng ideya at desisyon sa isip ko. Nang makarating kila Leigh ay pinilit kong pasayahin ang pakiramdam ko.
"Magandang tanghali po!" bati ko sa mama ni Leigh na nagbabantay sa business nila.
Ngumiti lang siya sa akin at sinabing pumasok na ako dahil hinihintay ako ni Leigh sa loob..
Pag pasok ko ay nakita kong tulala si Leigh, pero nang maramdaman niya siguro ang presensya ko ay muntik pa siyang mapatalon.
"Huy! Ano ka ba, ginulat mo 'ko!" gulat na gulat siya pag kakita sa akin na para siyang naka kita ng magandang artista, joke.
"Ano yung sasabihin mo? May sasabihin din sana ako." medyo kabado kong sabi sa kaniya.
"Eh kasi, sabi ni mama hindi daw niya kakayanin na pag aralin ako sa U.P. Kahit gaano niya daw kagusto ay baka mabaon lang daw kami sa utang dahil una sa lahat ay kahit libre ang paaral ay may mga hindi pa rin inaasahang bayarin, gaya na lang ng baon sa araw-araw, projects, miscellaneous fee at pamasahe papasok o bayad sa dorm kung sakali. Ayaw ko naman na mahirapan din si mama. Dahil kaya nga ako mag aaral ay para matulungan at maiahon sila sa hirap. Sinabi ko sayo 'to kasi baka mag tampo ka sakin pag hindi tayo sa iisang school pumasok." mahaba at malungkot niyang paliwanag.
"Ano ka ba, maiintindihan ko naman. Ang totoo ay yun din ang gusto ko sanang sabihin sayo, bago ako pumunta dito ay kinausap ako ni Dada. Kulang daw ang ipon niya para sa pag college ko, at baka kapusin daw kami kung sakali. Naging maluho daw kasi si mama at nagagalit kapag hindi nabibigyan ng pang shopping. Pero bago 'yun ay may natanggap akong email galing school. Scholarship para sa pagiging valedictorian ko. Kumpleto na siya at may allowance pa. Gusto ko din agad sabihin sayo dahil baka mag tampo ka sa akin." pag kuwento ko ng nangyari nung umaga bago ako pumunta sa kanila.
Nakita ko naman ang pag laki ng mata at pag bilog ng labi niya. "OMG!!! Hala, hindi pa pala ako nag checheck ng email, nabalitaan ko kasi 'yan bago ang graduation natin, kaso nakaligtaan ko. Wait lang! Iche- check ko ang sa akin."
Titig na titig ako sa kaniya habang binubuksan niya ang kaniyang cellphone upang tignan kung may natanggap siyang email galing sa school. Unti - unti namang namilog ang mga mata at bibig niya, kasabay ng pag tili at pag talon niya. Napayakap na siya sa akin at dinala ako sa pag talon niya. Kahit naguguluhan ay medyo nauunawaan ko na ang ibig sabihin ng galak niya.
"O to the M to the G!!! May scholarship din ako for University of Bulacan! Di tayo magkaka layo ng school at magkasama pa din tayo!!!" excited niyang ani.
Natutuwa naman ako dahil nang binasa ko ang email sa kaniya ay katulad na katulad ang offer sa amin. Masaya ako para sa aming dalawa. Dahil kahit di kami matutuloy sa pag pasok sa pangarap naming paaralan ay nabigyan naman kami ng blessings in disguise. Akala ko kasi talaga ay magkaka conflict na.
_
Pagkauwi ko sa bahay ay si Dada lang ang nakita ko, nasa kusina siya. Medyo mag gagabi na din kasi, napasarap pala ang pakikipag kuwentuhan ko kay Leigh at inabot kami ng 4pm.
"Dada, pwede ko po ba kayo makausap?" sabi ko kay Dada kasabay ng pagbati ko sa kaniya.
Tumingin naman siya sakin at hininaan muna ang apoy ng niluluto bago nag salita. "Oh Aeza anjan ka na pala, anak. Kung tungkol sa pag aaral mo, ay 'wag mo na muna masiyadong isipin. Gagawa si Dada ng paraan." nakangiti ngunit may bahid ng lungkot na ani Dada.
"Dada, yun nga po ang sasabihin ko sa inyo. 'Wag na po kayo mag alala sa pag aaral ko. Nakatanggap po ako kanina ng email galing sa school. Nag offer po sila ng full scholarship para sa pagiging Valedictorian ko. May kasama na pong allowance, book allowance, dorm at iba pa po. Makukuha ko po iyon kung tatanggapin ko ang offer na sa University of Bulacan mag aral." paliwanag ko kay Dada.
"Nako, anak. Sigurado ka na ba? Alam kong pangarap mo ang makapag aral sa U.P. kaya naman gagawa na lang si Dada ng paraa..." pinutol ko na agad ang sasabihin niya.
"Dada naman po. Huwag niyo na pong pahirapan ang sarili niyo. Isa pa po, maganda din naman po sa University of Bulacan. Malapit at magandang unibersidad din naman po. At saka po pala Dada, si Leigh din po kasi ay doon na mag aaral." ani ko na ang mga paningin ay nasa palad.
"Paano na kapag nag dorm ka? Hindi ka na madalas makakasama ng Dada. Hindi na kita makakasabay kumain." mahihimigan ang lungkot sa boses ni Dada.
Hindi ako agad nakasagot dahil bukod sa naiiyak na ako ay biglang kumulo ang niluluto ni Dada. Tiyak na adobo iyon dahil amoy na amoy ko. Naisip ko bigla na mamimiss ko ang mga luto ni Dada. Mamimiss ko na makasabay at makausap siya sa hapag kung sakali na mag dodorm na ako. Mamimiss ko yung mga pag kamusta niya sa akin, pag tawag at pag papaalala sa mga dapat kong gawin. Pero kailangan ko ito, hindi lang para sa pag aaral ko. Kung hindi para na rin malayo muna ako kay Mama. Mamimiss ko si Dada, pero aaminin kong na excite ako sa isiping hindi ko makaka salamuha si Mama sa araw araw. Maiiwasan ko ang paninigaw at pang iinsulto niya sa akin. Hindi ko maririnig ang mga masasakit niyang salita at hindi ko makikita ang galit sa mga mata niya sa tuwing nakikita ako. The thought of that made me feel good somehow. Atleast I can manage and be able to live peacefully kapag nag dorm na ako.
"Palagi ko pa din po kayong dadalawin, Dada. Magsasabay pa din po tayo sa pag kain kung sakaling may libreng oras po ako. Hindi ko din naman po kaya na hindi makita ang pinaka favorite ko and the best Dada sa buong earth!" masaya kong ani.
"Pangako iyan, Aeza ha? Huwag ka munang mag boyfriend doon ha? Unahin mo ang pag aaral mo anak, para mapatunayan mo na kaya at kinaya mo." ani Dada.
Bago pa kami mag iyakan ay nagpaalam na muna akong magbibihis sa kwarto at bababa din agad upang kumain na. Si Dada talaga, crush nga ay wala ako, boyfriend pa kaya? Isa pa ay hindi ko din naman iyon priority sa ngayon at hindi ko rin iniisip. Hindi ko pa din naman alam ang tunay na pakiramdam ng may ganoon. Ang sabi ni Leigh ay masaya daw magka boyfriend, ngunit parang sa halos lahat ng nabasa at napanood ko ay laging may nasasaktan. Nagiging happy ending lang sa dulo dahil iyon ay nasa libro o palabas. Ngunit sa totoong buhay ay hindi laging ganon. Naalala ko pa ang minsang sinabi ni Leigh sa akin.
"Love has a happy ending, if it's not happy it's not yet the end." may point naman. But for me, Love should be genuine, it is not always happy. Being happy is not an enough reason for you to say you're inlove. Love don't depends on happiness.
Sabay kaming kumain ni Dada at mas na feel ko ang pagka miss sa kaniya kahit na hindi pa naman ako aalis. May ilang linggo pa bago mag pasukan kaya naman makakasama ko pa si Dada at may oras pa din ako para sa pag hahanda.