Hindi ako nakagalaw sa aking pwesto. Tila naestatwa na lamang ako habang yakap yakap ako ni Juancho. Hindi ko rin naigalaw ang aking tingin, diretso lamang ito. Hindi ko alam ang gagawin ko, tatakas ba ako mula sa mga yakap niya o hahayaan na lamang siya dahil baka kailangan niya nito. Tumagal ng ilang minuto ang mahigpit niyang pagkakayakap sa akin, at noong tuluyan na niya akong binitawan. Hanggang ngayon sariwa pa rin sa akin ang halik na ginawa niya sa aking noo. Siguro hindi ko ito malilimutan sa tala ng aking buhay, dahil ito ang unang pagkakataong hinalikan ako ni Juancho. Humarap siya sa akin at muli akong binigyan ng ngiti. Halata sa mata niya na hindi pa ganoon kabuti ang kaniyang pakiramdam. Kaya, kinapa ko ang kaniyang leeg upang tignan kung may lagnat pa siya, at hindi nama

