Habang nasa byahe kami, manghang mangha si Juancho, dahil ngayon lamang ito nakasaksi ng mga ganitong sasakyan. Hindi siya sanay na hindi calesa ang aming sinasakyan, at nabigla siya sa malakihang pagtalon mula sa tradisyonal na transportasyon patungong mekanikal. "Maya, ngayon lamang ako nakasaksi ng ganito kagandang tanawin at mga sasakyan," namamanghang sambit sa akin ni Juancho na kasalukuyang katabi ko, at nakadungaw sa bintana ng bus. Napagigitnaan ako nina Juancho at Enrique, dahil nagpasya ako na paupuin si Juancho sa may tabi ng bintana upang makita niya ang mga tanawin sa kasalukuyan. Kita ko kung paano naiirita at kumukunot ang noo ni Enrique sa tuwing nag- uusap kami ni Juancho, ngunit hindi ko na lamang ito pinagtuunan ng pansin dahil sigurado akong hanggang ngayon ay may h

