Nakatitig lamang ako habang natutulog nang mahimbing si Enrique. Pinagmamasdan ko ang mga gasgas niya sa kaniyang mukha. Akin namang hinawakan ang mga natuyot na dugo sa paligid ng kaniyang sugat. Nakapangalumbaba ako sa kama at nakatitig sa kaniya. Patuloy ako sa paninisi sa aking sarili dahil kung hindi ako umalis dito sa bahay, hindi sana namin mararanasan ang mga ito. Ako ang puno’t dulo ng lahat kaya naman sobrang bigat ng aking damdamin. Hindi ako mapakali at patuloy na inuusig ng sarili kong konsensya. “Sorry talaga, Enrique. Hindi ko talaga ginusto na masaktan ka. Sana mapatawad mo ako.” Para akong baliw na umiiyak sa tabi habang wala siyang malay. Dama ko na mabibigat ang mga paghingang binibitawan ni Enrique dahil ipinatong ko ang aking ulo sa kaniyang dibdib nang akin siyang

