Nananatiling nasa mga kamay ng lalaking nanaksak sa kaniya si Elena kahit na ito pa ay labis na nanghihina. Si Juancho ay kasalukuyang nakikipagbuno sa mga kasamahan ng lalaking ito. Katulad kung paano siya makipagdigma sa kaniyang mga pinapatay, ganoon din ang ginawa ni Juancho sa kanila. Nanaig sa kaniyang puso ang paghihiganti at matinding galit dahil sa ginawang pagsaksak at pagdakip sa kaniyang kapataid na si Elena. Wala siyang kinaawaan ni isa sa kanila. Buong lakas at tapang niyang pinagpapatay ang mga lalaki hanggang sa tumigis ang kanilang mga dugo sa sahig. Hindi lamang isa o dalawa ang napatumba ni Juancho, dahil nagawa niyang paslangin ang lahat ng mga sumugod sa kaniya. Tila nandilim na ang kaniyang paningin sa kaniyang mga kalaban. Dumanak ang dugo at nangibabaw ang tapan

