Dinala kami ng mga grupo ng lalaking ito sa isang liblib na bahay. Nakagapos ang aming mga kamay, at hindi kami makasigaw upang humingi ng tulog dahil sa mga busal sa aming bibig. Napuno na ng mantsa ang kaninang damit ni Elena na mas maputi pa sa ulap. At gayon din naman ako, gulong gulo ang buhok at nanlilimahid sa pawis. Hindi ko ring maiwasang tumulo ang aking laway dahil pinapanatili ng busal na nakabukas ang aming mga bibig. “Kahit anong ingay ang gawin niyo, walang makakarinig sa inyo...,” sambit sa amin ng lalaki. Nagulat kami sa kaniyang pagdating sa bahay na ito. May hawak siyang bolo sa kaniyang kaliwang kamay. Mayroon din siyang mga kasama na may hawak namang mga maliliit na punyal na nakasukbit sa kanilang tagiliran. Sumenyas ang lalaking ito sa mga lalaking nasa kaniyang

