KABANATA 66: EN MANOS DEL MAL

1761 Words

Naging okupado ang isip ko. Hindi ko mawari na si Juancho na mismo ang siyang pumaslang sa inosenteng buhay ng isang babae. Nang akmang babagsak ako sa lupa dahil sa labis na pagkabigla, mabilis akong nasalo ni Enrique sa kaniyang mga bisig. Mabuti na lamang at nasalo niya ako dahil kung hindi, tatama ako sa malaking bato na nasa likuran namin. Nakadama ako ng pagkahilo. Namutla ako at hindi rin ako makahinga. Kaya naman, nagpasya na lamang si Enrique na ipasan ako sa kaniyang likuran at iuwi na sa bahay upang makapagpahinga ako. Inilapag niya ang aking katawan patungo sa aking kama. Labis akong nanghihina at hanggang ngayon at gulat na gulat pa rin. “Matulog ka na Maya at huwag mo nang isipin pa ‘yon...,” paalala sa akin ni Enrique habang pinupunasan ng telang isinawsaw sa maligamgam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD