Pagkatapos linisan ni Enrique ang aking sugat sa binti, agad naman kaming inaya ni Gng. Saturnina na maghapunan. “Tara, kumain muna ng ating hapunan dahil mukha kayong pagod na pagod sa araw na ito,” nahihiyang wika ni Gng. Saturnina nang hindi man lang makatingin sa aming dalawa ni Enrique. Nagkatinginan kami ni Enrique sapagkat batid kong matindi ang poot nito sa akin matapos ang nangyari sa kaniyang anak at aking lolo na si G. Lucas. Nagdalawang isip kami kung tutugon ba kami sa kanya, ngunit sumibol sa aming mga puso ang respeto at pagsunod sa kaniya. Marahan kaming naglakad patungo sa hapag- kainan nang may kasamang hiya. Pagdating namin doon, agad na tumambad sa amin ang ilang mga pagkaing niluto ni Gng. Saturnina. Mayroon ditong tinolang manok, inihaw na manok, mga kamote, sag

