Kahit na ako ay labis na nanghihina, pinilit kong tumayo. Sa aking pagtayo, nakita ko kung paano tumagas ang aking mga dugo mula sa sugat ko sa binti. Nag- isip ako ng paraan upang hindi na muli pa itong magdugo. Nagtungo ako sa isang batong may matalas na bahagi at doon ko ikiniskis ang aking saya. Ang bahagi ng saya ko na napunit ay aking itinali sa palibot ng aking binti. Mahigpit ko itong binuhol hanggang sa matakpan ko an g buong sugat. Tiniis ko ang sakit, at napaihip na lamang ako sa hangin upang kahit papaano ay maibsan ang kirot na aking naramdaman. Tiniyak kong wala na ang mga tauhan ni Gob. Sebastian sa paligid. Naghintay ako ng ilang sandali, at buong tapang na tinahak ang masukal at madilim na kagubatan. Iika- ika ako habang naglalakad patungo kina G. Lucas upang aking mai

