Hindi ko na lamang pinansin ang ginawa sa akin ni Enrique, dahil batid ko na hindi naman niya intensyon na mangyari sa akin iyon. Bagamat hapong hapo ako sa ilang minutong pagtatakbo sa ilalim ng nagngangalit na init ng araw, masaya pa rin ako dahil sinurpresa nila akong dalawa sa aking kaarwan. Nagpahinga muna ako nang ilang sandali sa aking upuan, at pilit na hinahabol ang aking hininga. Huminga ako nang malalim upang bumagal kahit papaano ang t***k ng aking puso dahil sa kaba na idinulot sa akin ni Enrique. "Kaya pala kanina nagngingitian pa kayo bago tayo umalis. Akala ko naman kung ano ang pinaplano niyo," sambit ko habang malalim na humihinga. Patuloy ko pa ring pinapakalma ang sarili ko, at inaayos ang aking hitsura. Kinuha ko ang aking salamin mula sa aking bag at saglit na nagl

