Tinanghali ako ng gising at labis akong nagmadali para maggayak sa aking pagpasok. Mabilisang ligo at ayos lamang ang ginawa ko sa aking sarili. Napagpasyahan ko na hindi na lamang ako daraan kina Enrique dahil baka mahuli ako sa klase kung magkataon. Tumingin ako sa orasan ko, at nakitang tatlumpung minuto na lamang ay magsisimula na ang first class namin si Philippine History. Nag- text na lamang ako kay Enrique na hindi na ako makadaraan sa kaniyang dorm dahil na- late ako ng gising, at sumagot din naman ito agad. Marahil kaya nahuli ako ng aking gising ay dahil sa aking pagkalasing sa ininom naming wine. Bagaman hindi ako gano'n nalasing, tila nasobrahan ang pagkahilong naramdaman, that's why I felt so nauseous. Malalim na rin ang gabi nang makauwi ako sa dorm ko, and hinatid din

