Agad kaming umuwi ni Juancho nang magsimula nang dumilim ang paligid. Dapithapon na, at lubhang delikado na kung hihintayin pa naming lumalim ang gabi bago kami umuwi. Magkahawak kamay kaming umuwi. Panay ang aking tingin kay Juancho nang may ngiti sa aking labi, at sinusuklian rin naman niya ito ng abot- tengang ngiti. Sobrang naging masaya ako sa araw na ito, sa kadahilanang pareho kaming nagkapalitan ng aming pagtingin. Kanina ko pa iniisip kung kailan pa nagkaroon ng pagtingin sa akin si Juancho. Sa tuwing sumasagapi sa isipan ko ang mga nangyari kanina ay labis akong napapangiti, sa halip na mahiya sa isa't- isa. "Juancho, maaari ba kitang matanong?" Tumigil ako nang saglit sa gitna ng aming paglalakad, matanong lamang si Juancho. Agad naman itong humarap sa akin, at hinawi ang i

