Nanlamig ang buong katawan ko nang makaharap ko ang lalaking kanina'y pinagmamasdan ko lamang. Mas gwapo pa pala siya kapag malapitan. Ang kaniyang mapupungay na mata at mahahabang pilikmata ang mas lalong nakapagpaganda sa kaniyang mukha. Matangos din ang kaniyang ilong at kayumanggi ang kulay---Filipinong Filipino ang kaniyang datingan. "Anong pangalan mo, Binibini?", malambing na tanong niya sa akin. Mas lalo akong namangha sa kaniya dahil sa malalim niyang boses. "Ah... Maya pala. Maya Ysabelle Hermosa." Nakipagkamay ako sa kaniya at naramdaman ko ang pagkamagaspang ng palad niya. Nanatili ang tingin ko sa kaniya dahil napakaperpekto nito. Akala ko sa mga libro ko lamang makikita ang mga ito ngunit ngayon ay nasa harap ko na ang lalaking tipo ko. "Ang galing mo pala tumugtog ng vihu

