Magmula noong nagbagi ang Gobernadorcillo ng aming lugar, naging talamak na ang p*****n. Kabi- kabilang mga pagtangis ang iyong maririnig kung ikaw ay lalabas sa may kapatagan malapit sa kakahuyan. Nang kumagat na ang liwanag at napansin naming wala ng mga tao sa labas, sinubukan kong lumabas mula sa kwebang aming pinagtaguan upang masipat ang mga pangyayari sa labas. Pilit man akong pinigilan nina Juancho at Enrique sa delikadong paglabas kong ito, wala na silang nagawa kundi ang hayaan ako dahil tuluyan na akong nakalabas. Buong ingat akong naglakad at tila hindi mabasagang pinggan ang aking mga paghakbang palabas. Naging sensitibo ako sa mga kaluskos na maaari kong mabuo, at sa mga nakabadyang kapahamakan sa aking paligid. Batid kong hindi ako ang puntirya ng mga tauhan ni Gob. Sebas

