"Anong nangyari at bakit ka hinabol ng mga lalaking iyon?" nag- aalalang tanong ko sa kanya. Hindi agad nakasagot si Maria dahil tila okupado pa ang kaniyang utak sa mga nangyari. Hinahabol nito ang kaniyang hininga at lubos na nahihirapan. Wala akong maitulong sa kaniya, dahil hindi ko alam ang gagawin ko. "Namimitas lamang po ako ng bulaklak sa aming hardin nang bigla po akong hilahin ng dalawang lalaking iyon at tinangkang halayin." Nang sagutin niya ang aking tanong, muling nanariwa sa kaniyang isipan kung paano siya pinagkaisahan ang kaniyang kahinaan. Nagsimula siyang managhoy. Umagos ang mga luha. Bumaha ng kapighatian. Ang kataksilan ng kalalakihan ay tila pinaslang ang kaniyang pag- asang mamuhay nang malayo sa kapaitan. Naghihikahos sa isang pagsubok na hindi naman niya ninai

