KABANATA 37: CONSEJOS DE AMOR

2113 Words

"Ang taas naman pala ng iyong tipo para sa lalaking gusto mong makatuluyan, Ate Maya!" pambobola ni Maria. Natawa na lamang ako sa kaniyang sinabi dahil maging ako ay nagulat din sa mga nasabi ko. Hindi naman sa isang mapili akong babae, ngunit kung bababaan ko ang aking pamantayan pagdating sa kalidad ng lalaking aking pipiliin ay ako rin ang magsisisi sa huli. Nakataya ang aking kinabukasan dito kaya marapat lamang na pumili ako nang naaayon sa aking kagustuhan. "Huy, hindi naman. Nais ko lamang maging tiyak ang aking kinabukasan maging ang magiging supling namin kung sakali man kaya ganito ang aking pamantayan sa mga lalaki," pagpapaliwanag ko sa dalawa na kasalukuyang mariing nakikinig sa akin. "Nagkaroon ka na po ng ng nobya o manliligaw?" pang- uusisa ni Elena. Seryoso ang kaniya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD