KABANATA 46: CASA DE PECADO Y MALDAD

2057 Words

Wala nang nagawa sina Juancho, lalong lalo na si Enrique sa pandadakip sa amin ni Maria nina Gob. Sebastian. Kahit na nagpupumilit ito habang kami ay naglalakad palabas, pinigilan lamang siya ng mga tauhan ng gobernador. Kahit na kami ay nasa labas, rinig ko ang mga sigaw ni Juancho mula sa loob, ngunit sa halip na panghinaan ng loob, tila ako ang naging sandigan ni Maria. Mahigpit akong nakahawak sa kaniyang kamay at nagsasabing nandito lamang ako sa kaniyang tabi at hindi siya hahayaan. Isinakay kami ni Gob. Sebastian sa isang magarang calesa na balot sa kulay ng ginto. Punong puno ito ng palamuti, at masasabi mong ito ay tunay ngang pagmamay- ari ng isang mayaman. Kaming tatlo lamang ni Maria at Gob. Sebastian ang nakasakay sa calesa, at ang gobernador ay pumagitna sa amin ni Maria.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD