KABANATA 49: SACRIFICIOS DE AMOR

2121 Words

Nagising na lamang ako mula sa aking pagkatulog at agad na napabangon sa aking kinahihigaan. Sa aking pagmulat ng mata, agad kong nakita si Maria sa aking gilid na gulat na gulat nang makita akong nagising na. Inilibot ko ang aking tingin at nakita ko na lamang ang sarili ko na nakahiga sa kama sa loob ng silid ng mga kasambahay. “Anong nangyari sa akin, Maria?” nahihilo kong tanong kay Maria na nakahawak sa aking kamay. “Nawalan po kayo ng malay, Ate Maya, matapos kayong ilublob ni Donya Luciana sa tubigan kanina,” sagot nito. Agad namang bumalik sa aking isipan ang mga nangyari sa akin kanina. Nakadama ako ng kaunting pagkahilo kaya naman napahawak ako sa aking sintido. Bahagyang nandilim at umikot ang aking paningin. “Ayos lang po ba kayo, Ate Maya,” pagmamalasakit ni Maria. “Oo, M

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD