KABANATA 6: INVASIÓN SANGRE

3005 Words
"Ipagpatuloy mo ang iyong pagtugtog ng gitara, Binibini. Nahalina kami sa taglay nitong ganda," sabi pa ng kasama nitong lalaki. Unti- unti na akong nababalot ng takot dahil sa mga lalaking nakapalibot sa akin. Nakakatakot ang mga aura ng lalaking ito. Mukha silang mga terorista na ang gusto lamang ay kaguluhan. "Tumugtog kang muli!" galit na sigaw ng isang lalaki. Napatingin ako sa kanya at kitang- kita sa mga mata niya ang galit. Napakaseryoso ng mukha niya at nakakunot pa ang noo nito. Sa mukhang ipinapakita niya ay animo'y papatayin ako nito. "Ah, hindi na po. Babalik na po kasi ako sa aming tahanan. Hanap na po ako ng aking ama," sabi ko upang makatakas mula sa mga masasamang tao na ito. Nang ako ay tumayo na upang sana ay umalis na sa aking kinauupuan at bumalik na sa tahanan nina Juancho, binunot ng isang lalaki ang itak niya at saka itinutok ito sa aking leeg. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko habang may nakatutok na itak sa leeg ko. Unti- unting nangingilid ang mga luha ko sa aking mata dahil sa takot na baka ako'y mamatay. "Huwag niyo po akong patayin, parang awa niyo na po," takot kong pagmamakaawa sa lalaki. "Umupo ka diyan at tugtugan mo na kami," sabi ng lalaki sabay tulak sa akin na naging dahilan upang mapaupo ako patungo sa inuupuan ko kanina. Sinubukan ko muling tugtugin ang vihuela na hawak ko upang maibigay na ang kagustuhan ng mga lalaking ito. Ngunit nang dahil sa takot ko mula sa kanila ay mali- maling kwerdas ang siyang nakakalabit ko na nagresulta sa hindi magandang pakinggan. Hindi man ako makatingin sa mga lalaki na nasa harapan ko, halata naman sa kanila na hindi nila nagugustuhan ang musikang naririnig nila. "Hindi mo aayusin, ha?" Napapikit na lamang ako sa isang malakas na sampal ng lalaki. Nabitawan ko ang hawak kong vihuela upang hawakan ang pisngi kong nakatanggap ng isang sampal sa kamay ng lalaki. Nanginginig ang mga daliri ko habang hinihimas ang mamula- mula kong pisngi. Naiiyak na rin ako dahil labis na ang takot ko sa kanila. Gusto ko nang umalis dito. Tulungan mo ako Juancho, Enrique... "Tumugtog kang muli kung hindi gigilitan ko na talaga iyang leeg mo para hindi ka na makatugtog pang muli," pananakot pa ng isang lalaki na nasa gilid ko. Nanginginig kong kinuha ang vihuela na nasa lupa. Sinubukan kong tumugtog muli ngunit nang ito ay tutugtugin ko na ay nahulog muli ito sa lupa. Dahil sa pagkahulog na ito ay mas lalong nagalit ang mga lalaking ito. Bago ko pa makuha ang instrumento ay nakatanggap na ako ng makailang suntok. Napahiga ako sa lupa at saka ako'y pinagsisipa. Wala akong magawa kundi ang umiyak. Hindi ako makalaban, hindi ako makapalag. Hindi ko magawang maipagtanggol ang sarili, wala akong kalaban- laban sa kanila. Nanghihina ako. Kailangan ko ng tulong. "Ano putangina? Hindi ka pa rin madadalang gago ka? Napakadali na lang ng ipinagagawa namin pero hindi mo magawa. Stupidong babae! Pwe," sabi ng lalaki na mukhang lider nila sabay dura sa akin. "Tumayo ka na, tugtugan mo kaming muli. Putangina, ang dali- dali na lang noon," sabi ng isang lalaki. Pinilit kong tumayo kahit nahihirapan na ako dahil sa mga pasa at sugat na natamo ko sa kanila. Sinubukan ko muling tugtugin ang vihuela ngunit dumating sina Enrique at Juancho upang sagipin ako. "Mayaaa!" sigaw ni Enrique mula sa malayo. Nakita ko silang dalawang tumatakbo papalapit sa amin. Bakas sa mukha ng dalawa ang galit sa mga lalaking nanakit sa akin. Napaurong sa kinatatayuan nila ang lider ng grupo upang humarap kina Juancho at Enrique. Napangiti ito habang seryoso ang mukha. Naghanda na rin ang mga kasamahan nito sa papalapit na pagpunta ng dalawa sa aming pwesto. Nang tuluyan nang makalapit sa kinapupwestuhan sina Juancho at Enrique ay pinaulanan nila ng malalakas na suntok ang mga kalalakihang nanakit sa akin. Napatumba ang iba samantalang ang iba naman ay nakaganti ng suntok na nagpabagsak kay Juancho sa lupa. "Putangina," mura ng isang lalaki matapos siyang magasgasan sa mukha nang siya'y bigyan ng isang malakas na suntok ni Enrique. Napangiti naman si Enrique ngunit nakatanggap rin siya ng suntok mula rito. Ang kanilang lider ay nananatili lamang nakatayo habang pinagmamasdan ang pakikipagbuno ng kaniyang mga tauhan. "Maya, diyan ka lang. Ililigtas kita!" sigaw ni Juancho habang nakikipagsapakan sa dalawang lalaking kalaban niya. Humagalpak naman sa katatawa ang kanilang lider dahil sa sinabing ito ni Juancho. "Ililigtas? Putangina mo, ulol!" sabi ng lider habang hindi tumitigil sa katatawa. Ibinaling ng lider ang kaniyang tingin sa akin. Nanunusok ang kaniyang mga titig, na tila ba'y pinapatay ka na kaagad sa isip. Napangisi pa ito bago magsalita. "Subukan mong umalis sa kinatatayuan mo kung gusto mong dumanak ang dugo mo pati ng mga kasama mo," pananakot nito. Mas lalo akong nabalot sa takot nang bigkasin niya ang mga salitang iyon. Ayaw kong gumalaw sa kinauupuan ko dahil ayaw kong madamay ang dalawa sa kapalpakan ko. Patuloy pa rin ang pakikipagbuno nina Juancho at Enrique sa mga kalalakihang nanggulo sa lugar na ito. Nagtamo dalawa ng iilang mga pasa at sugat sa iba't- ibang parte ng kanilang katawan. Napansing kong may tumutulong dugo sa braso ni Enrique mula sa inilabas na itak ng kanilang kalaban. "Enrique, 'yong braso mo may sugat," sigaw ko upang marinig ito ni Enrique. Tumingin naman ito sa kaniyang braso ngunit hindi na pinansin at nagpatuloy na lang sa pakikipagdigma. Lumingon naman sa akin ang kanilang lider at binigyan ako ng isang nakakatakot na titig. "Gusto mo talaga mamatay kayo, ha? Malanding puta," sabi ng lider sabay tutok ng kaniyang itak sa akin. Napatigil naman ako at napaurong sa kinauupuan ko. Humarap muli siya upang panoorin ang labanan. Napansin kong unti- unting nababawasan ang mga tauhan niya na nakapagpagalit sa kaniya. Dalawa na lamang ang natira sa kalaban nina Juancho at Enrique dahil ang iba ay nakahandusay na sa lupa, mga walang malay at ang iba naman ay nanghihina. Habang nakikipaglaban si Juancho at Enrique, nakita kong lumapit ang lider ng mga nanggugulo sa kanilang pwesto at binunot ang itak mula sa kaniyang tagiliran. Napansin kong papalapit sa kinatatayuan ni Juancho ang lalaki kung kaya't tinawag ko ang atensyon ni Juancho na kasalukuyang determinadong pagbagsakin ang kaniyang kalaban. "Juancho sa likod mo---." Hindi ko natapos ang dapat na sasabihin ko matapos akong busalan ng dalawa niyang kasama sa kinatatayuan niya kanina. Napansin kong narinig naman ni Juancho ang sigaw ko at napatingin ito sa akin matapos mapabagsak ang kaniyang kalaban, ngunit huli na ang lahat matapos niyang magtamo ng isang malalim na saksak mula sa kanilang pinuno. "Juancho!" sigaw ni Enrique na kasalukuyan pa ring nakikipagsuntukan sa kaniyang kalaban. Nang mapabagsak na niya ito, lumapit ito kay Juancho upang ipagtanggol mula sa sumaksak dito. "'Yan ang nararapat sa inyong mga ulol. Hindi kayo marunong matakot sa mga dapat niyong kinatatakutan. Subukan niyo muling pumalag sa amin, ay hindi lang 'yan ang matatanggap mo. Kikitilin ko rin pati ang buhay niyo at ng pamilya niyo," pananakot ng kanilang lider kay Juancho na ngayon ay nakahiga sa mga kamay ni Enrique, nakahawak sa kaniyang tagiliran upang mapigilan ang labis na pagtagas ng kaniyang dugo. Nang paalis na ang lider sa kinatatayuan niya, nakarinig ako ng dalawang putok ng baril mula sa malayo. Nakita ko si Mang Tonyo sa gilid ng isang puno, nakatutok sa langit ang kaniyang rebolber upang takutin ang mga lalaking nanggugulo sa amin. Nakita ko rin si Elena na nakasilip sa likod ng isang puno. Naglakad si Mang Tonyo papalapit sa pwesto nina Juancho habang nakatutok sa harapan ang dala niyang rebolber. Takot na umatras ang mga lalaking nanggugulo sa amin. Maging ang mga lalaking nagbabantay sa akin ay umalis na rin sa kanilang kinatatayuan at tumakbo papalayo. Tumakbo na rin ako paalis sa pwesto ko upang pumunta kina Juancho at Enrique. "Babalikan ko kayo," pambabanta ng kanilang lider sabay ngisi sa amin. Seryoso ang mukha niya bago siya umalis sa harap namin kasama ang mga tauhan niya. Nang tuluyan nang makaalis ang grupo nila, tumatakbo papalapit sa amin si Elena. Itinayo na namin si Juancho upang maidala sa bahay nang sa gayon ay magamot ang natamo niyang sugat. "Enrique, 'yong braso mo... nagdurugo rin." Nagdurugo pa rin ang mahabang sugat ni Enrique sa kaniyang braso. Tinignan niya lamang ito ngunit hindi na ito binigyang pansin. "Hayaan mo na. Mas malaki ang sugat ni Juancho, Maya. Kailangan nating magamot ito agad bago pa siya tuluyang maubusan ng dugo." Hirap na hirap niyang inakay si Juancho upang makatayo ito sa kinatatayuan niya. Iniuwi nina Mang Tonyo at Enrique ang duguang si Juancho. Sumunod naman kami ni Elena sa kanila upang tulungan silang dalhin si Juancho. Nang kami ay makarating na sa kanilang tahanan, inihiga ito ni Enrique sa may papag. "Kumusta ka na Juancho, ano nararamdaman mo?", tanong ni Enrique sa kanya. Bakas sa mukha ni Enrique ang pag-aalala niya kay Juancho. "Maya, kumuha ka ng tubig," utos sa akin ni Enrique. Dali- dali rin naman akong kumuha ng tubig sa kanilang kusina ngunit nadatnan ko ang mga timba na walang lamang tubig. Bumalik ako kay Enrique upang sabihin na wala ng tubig. "Enrique, wala ng tubig sa timba," sabi ko. "Maghanap kayo ng tubig ni Elena, dalian niyo." Nagmamadali kaming tumakbo ni Elena dala- dala ang dalawang timba upang kumuha ng tubig sa may batisan. Ilang beses akong nadapa gawa ng pagmamadali ngunit hindi na importante ang mga maliliit na gasgas na natamo ko kumpara sa nag-aagaw buhay na si Juancho. Kahit na mabigat ang dala naming tubig, kailangan naming makarating ni Elena ng bahay bago pa malagutan ng hininga si Juancho. Ilang minuto rin ang kinain bago kami tuluyang nakarating sa kanilang tahanan. Pawis na pawis kaming dumating ni Elena sa kanilang tahanan. Dali- daling sumalok ng tubig ni Enrique sa balde na dala namin at ito ay agad na ipinainom kay Juancho. Bahagya niyang ibinangon si Juancho mula sa pagkakahiga nito upang hindi ito malunod sa iinuming tubig. "Saglit lamang at ako ay aalis. Kukuha lamang ako ng dahon ng bayabas at iba pang halamang gamot upang panggamot ni Kuya Juancho sa kaniyang sugat," pagpapaalam sa amin ni Elena. "Ate Maya, ayos lamang ba sa'yo na linisan ang sugat ni Kuya sa kaniyang sikmura upang pagdating ko ay ilalapat ko na lamang ang mga halamang gamot sa kaniyang sugat," dagdag pa nito. "Ayos lang, Elena. Kami na muna ang bahala sa Kuya mo," sagot naman ni Enrique. Lumingon ako sa kaniya upang ngumiti ang sinuklian rin naman niya ako ng ngiti sabay bumaling muli kay Juancho. Umalis na si Elena sa bahay upang maghanap ng mga halamang gamot. Naghahanda naman ng pagkain si Mang Tonyo habang inaasikaso namin ni Enrique si Juancho. "Maya, kumuha ka ng malinis na tela at basain mo," utos ni Enrique. Agad akong naghanap ng malinis na tela, ngunit wala akong mahanap. Ayaw ko namang mangialam sa mga kasuotan nila, kung kaya't tinastasan ko ng maliit na tela ang saya na suot suot ko. Lumabas ako upang basain ito ng tubig mula sa inigib namin sa batisan. "Ito, Enrique," sabi ko sabay abot sa kanya ng tela. Napatingin naman sa akin si Enrique at tumingin din sa suot kong saya. Bahagya kong itinago ang bahagi ng saya ko na tinastasan ko upang hindi makita ni Enrique. "Tinastasan mo ang saya mo, Maya?", tanong ni Enrique. Hindi na ako nakatanggi pa kaya tumango na lamang ako sa tanong niya. Hindi niya rin naman ito pinansin at nagpokus nang muli kay Juancho. "Enrique ako na muna ang mag-aasikaso kay Juancho, magpahinga ka muna at linisin din 'yang sugat mo sa braso," I said. Napatingin naman siya sa braso niyang may sugat at saka tinakpan ito. "Ayos lang ba sa'yo na ikaw muna ang bahala sa kaniya?", tanong pa niya. "Oo, ayos lang sa akin. Magpahinga ka muna diyan at asikasuhin mo rin 'yang sugat mo baka maimpeksyon pa iyan." "Sige, lalabas muna ako at huhugasan ko 'to." Gamit ang telang basa na dinala ko, pinunasan ko ang sugat ni Juancho. Kasalukuyang mahimbing ang tulog ni Juancho kung kaya't nabaling ang atensyon ko sa kaniyang mukha. I saw how beautiful his face structures are. Sobrang fine ng mukha niya though may konti itong gasgas at mga pasa mula sa laban nila ng mga masasamang tao. I brushed my fingers to his face. I touched his bruises and scratches. My fingers suddenly touched his lips that bring shivers down to my spine. At noong nahawakan ko ang mga labi niya ay biglang niyang hinawakan ang braso ko. I saw his eyes slowly opening. Naniningkit ang mga ito at kinikilala ako. Binigyan niya ako ng isang ngiti. "Wala sa mukha ko ang tama ng saksak," Juancho said. I was filled with embarrassment. Gusto ko na lamang magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan. Bakit ko nga naman ba kasi hinawakan ang mukha maging ang labi niya kung nasa tagiliran niya ang saksak. Hinila ko ang braso ko mula sa mahigpit na pagkakayakap niya at humingi ng pasensya. "Pasensya na, may mga sugat at pasa ka rin kasi sa mukha." His eyes very striking. Hindi naalis ang mga titig niya sa akin. "Saglit lamang, babasain ko lang muli ang tela upang linisin ang sugat mo." Umalis ako sa kinatatayuan ko ngunit hinila niyang muli ako. Bumangon siya sa higaan at umupo. Magkaharap na ngayon ang aming mga mukha. Sinusubukan kong umiwas ng tingin sa kaniya ngunit pilit niya pa ring ibinabalik ang mga titig ko sa kanya. "Ayos ka lang ba, Maya?", tanong ni Juancho sa akin. His eyes are still on me. Hindi ito maalis sa aking mukha. Uminog ang mga mata niya sa buong mukha ko at napansin kong tumigil ito sa aking bibig. Napapikit ako noong inilapat niya ang kaniyang daliri sa aking labi. I felt a little pain on the side of my lips, doon ko lamang naramdaman na may sugat pala ako sa labi dahil sa sampal sa akin. Dumilat ako upang tingnan si Juancho. Nakita kong umiwas siya ng tingin at napaawang ang labi niya. Napansin ko ang maliit na luha na bumagsak mula sa kaniyang mata. Agad naman niya itong pinunasan at humarap muli sa akin. "Maya, patawad kung hindi kita naprotektahan mula sa mga masasamang taong iyon. Sa susunod ay hindi na muling lalapat ang mga palad nila sa iyong pisngi," Juancho said. Namasa rin naman ang mga mata ko at nagbadya ang pagbagsak ng luha. Binigyan ako ni Juancho ng isang mahigpit na yakap na nakapagpagulat sa akin. "Sa susunod na gawin nila ulit sa'yo ito ay hindi ko na sila mapapatawad. Handa akong ibuwis muli ang buhay ko para lamang sa kaligtasan mo," Juancho said while hugging me. Lumaki naman ang mata ko dahil sa sinabing ito ni Juancho. "Sa susunod ay mag- iingat na ako kaya huwag mo na akong alalahanin pa, Juancho." I patted his back while we are still hugging. Nagulat kami ni Juancho sa biglaang pagdating ni Elena sa tahanan kung kaya nagpumiglas kami mula sa aming pagkakayakap. Kita rin sa mga mata ni Elena ang gulat sa kaniyang mga nakita. "Nandito na pala... ang mga halamang-gamot... na gagamitin sa sugat mo Kuya Juancho," nauutal na sinabi ni Elena. Tumingin ako sa kanya at saka ay umiling upang ipahiwatig na mali ang inaakala niya. "Labas muna ako, babasain ko lamang itong tela na ito para linisin ang sugat mo, Juancho," I said sabay alis ng kanilang bahay. Napapikit na lamang ako dahil sa dobleng kahihiyan na naranasan ko ngayong araw. Nadatnan kong nakaupo na si Enrique sa may labas. Nawala na rin ang mga dugo sa sugat niya sa kaniyang braso. Nagpapahangin na lamang siya sa labas. Tumabi ako sa kaniya upang kausapin sandali. "Nalinisan mo na ba ang sugat mo?", tanong ko sa kanya kahit na alam ko naman na nalinisan na ito. Nanatili siyang nakatulala, at noong nakita ko kung saan siya nakatingin ay nanlaki ang mga mata ko. Nakatitig siya sa may bintana, at kita ko roon ang nakaupong si Juancho. Sigurado akong nakita ni Enrique ang yakapan namin ni Juancho kaya at napaharap ako sa kanya. Humarap din naman siya sa akin at saka binigyan ako ng ngiti. "Enrique, 'yong nakita mo ano kasi---" "Ayos lang 'yon. Bumalik ka na sa loob para malinisan mo 'yong sugat ni Juancho," Enrique said while giving me a fake smile. Gusto kong ipaliwanag sa kaniya ang mga nangyari dahil baka ma-misinterpret niya ang nakita niya sa amin ni Juancho. Wala akong nagawa kundi bumalik muli sa loob ng bahay nila Juancho. Bago ako pumasok sa pintuan ay lumingon muli ako sa kinauupuan ni Enrique. Umiwas naman ito ng tingin sa akin at saka tumingin sa kawalan. Pumasok na ako sa tahanan nina Juancho at noong nakita ako ni Juancho ay pinasadahan ako nito ng isang malaking ngiti. Nakabusagot pa rin ako kung kaya't nagtaka si Juancho at tinanong ako. "Bakit naman hindi maipinta ang mukha mo? May problema ka ba, Maya?", tanong sa akin ni Juancho. Umiling na lang ako sa naging tanong ni Juancho. "Ah, wala. Naalala ko lang 'yong mga nangyaring kaguluhan kanina, patuloy pa rin akong binabagabag no'n eh," I said. "Linisin ko na 'yang sugat mo upang hindi na magkaroon pa ng impeksyon at magamot na ni Elena," I added. Nilinis ko nang muli ang sugat ni Juancho sa kaniyang tagiliran. Tinanggal ko ang ilang mga namuong dugo sa paligid nito. Lumabas namang muli si Elena upang hugasan ang mga dahon na nakuha niya. Habang nililinisan ko ang sugat ni Juancho ay hinawakan niya ang kamay ko at napatingin ako sa kaniya. Nagkatitigan kaming dalawa, at saka'y niyakap niyang muli ako. Mahigpit... mas mahigpit pa sa kanina. "Huwag ka nang matakot pang muli, Maya. Nandito lamang ako sa tabi mo at proprotektahan kita mula sa mga umaapi sa'yo," Juancho said while looking at my eyes. Lumingon naman ako sa bintana, at nakita ko sa kaniyang kinauupuan si Enrique na nakatingin lamang sa ginagawa namin ni Juancho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD