Nagising si Agos at natagpuan na wala sa tabi niya si Cecilia. Mahina niyang tinawag niya ito nagbabakasakali na nasa paligid lang ito at bumangon saglit pero sinuyod na niya ang silid ay wala pa rin. Hindi niya makita kahit anino nito. Nakaramdam siya ng kaba, ng pag-alala sa tanging bagay na pumasok sa isip niya. Kilala niya si Cecilia at ng dahil sa pinagdadaanan nila ngayon ay hindi imposible na gawin nga nito ang bagay na iyon. Dali-dali niyang kinuha ang cellphone niya sa gilid ng kama upang tawagan ito ngunit isang mensahe ang kanyang natagpuan mula kay Cecilia. "Hi love, Pasensya ka na. Alam kong sa mga oras na ‘to baka nga nagising ka ng wala ako sa tabi mo. Alam kong mag-aalala ka pero mahal kailangan kong gawin ito. Nakipagtulungan ako kay Carl ngayon at kailangan ko siyan

