"Wala pa rin bang balita kung nasaan siya?!" madiin na sabi ni Agos kay Cecilia sa kausap niya. Sa kabilang linya si Khalil iyon na siyang humalili muna sa misyon para pamunuan ang paghahanap sa lugar na pinagtataguan ni Nathalia. Hindi niya kasi magawang iwan si Cecilia lalo pa ngayon na alam niyang mas tumindi ang galit at dedikasyon nito na mahanap at mapatay si Nathalia. Hindi siya maaring makalingat sa asawa dahil alam niya ang mga posibilidad na gawin nito lalo na kapag malingat lang saglit ang paningin niya. Hindi niya hahayaan na gawin nito kung ano man ang tumatakbo sa utak nito ngayon, hindi niya hahayaan na ilagay nito ang lahat sa kamay niya ngayon. Na kahit alam niya na kaya ni Cecilia ang sarili ay hindi niya pa rin hahayaan ito, kahit na ito ang reyna at kayang ipagtangg

