Nanginginig ang mga kamay niya, ni hindi niya halos alam kung saan kukuha ng lakas. Sabay na halos manlambot ang kanyang mga binti sa bagay na narinig. Gulat man pero alam niyang hindi siya nagkakamali sa bagay na narinig. Malinaw na malinaw ang sinabi nito. "Anak ko si Sam?" Pinkatitigan siya ni Marj. "Ano? Totoo ba? Marj?! Please ...totoo ba?" Agad na nilapitan ni Agos si Cecilia at pinakalma. "Love," Napasapo si Cecilia sa kanyang noo, nakaramdam siya ng pagkahilo. Ngunit hindi dahil dala sa kanyang pagbubuntis kundi dahil sa pagkagulantang. Mabuti na lang ay nandiyan si Agos at agad inilagay s'ya sa mga bisig nito. Pero pursigido si Cecilia na malaman ang lahat, na malanan kung papaano? Kung totoo ba talaga? At papaano iyon nalaman ni Marj "Marj please--totoo ba?" Nagaal

