//Flashback// "Hihiramin ko lang ang bata," wika ni Nathalia kay Helen na ngayon ay nagpapaaraw sa anak. agad naman na gumuhit ang pagtataka sa babae dahil hindi niya alam kung bakit tila nakikipag kaibigan ito. Nag-iba ang trato sa kanya ng babae noong panahon na huling buwan na lang ng pagbubuntis niya, tapos nagtaka pa siya ng malaman nito na hinahanap siya ni Nathalia nung nalaman nito mismo na nanganak na siya. At ito nga, kaharap niya ang babae at hinihiram ang anak niya sa hindi malamang dahilan. Napatingin siya sa impis na tiyan nito, kakapanganak lang rin nito ng isang araw kaya nagtataka siya kung bakit bumangon na ito. Oo siguro sa isang katulad niya na isang Apid at sanay na nakailangan kumayod mag-isa dahil wala din naman siyang katuwang sa pag-aalaga sa anak. Ay kaya na n

