Nanlaki ang mga mata nito at hindi napigilan ang pagbuhos ng mga luha mula sa kanyang mga mata. Nanghihina ang kanyang tuhod kaya napaluhod ito at niyakap siya habang nakasentro ang mukha nito sa tiyan ni Cecilia. "Mahal--" "Bilang reyna, gagawin ko ang lahat para sa nasasakupan ko pero bilang si Cecilia, mas importante sa akin ang nararamdaman mo. Ang paghihirap mo. Ang sakrepisyo mo bilang si Agos. At para kay Sam, para din sa aming lahat. Mahal kita Agos, mahal na mahal kita alam mo ‘yan, nagawa na kitang bitawan at sukuan noon, kayo ni Sam, at ipinangako ko na hinding-hindi ko na hahayaan na maulit iyon." Tila mas lalong nagsisi si Agos sa kanyang mga salita na binitawan kanina. Mali siya, Hindi niya inalam muna ang dahilan ni Cecilia. "Cecilia, Patawad. Hindi ko alam ang akala k

