"Think about it Cill, isipin mo na mapapadali ang lahat ng ‘to, marry me at sabay nating harapin ito, tutulungan kita sa lahat ng pangangailangan mo, pati ng Salinlahi." Inilagay nito ang ballpen sa kamay ni Cecilia kaya tila mas lalong hindi makapaniwala ito. Talagang seryoso si Carl at hindi nagbibiro sa bagay na inaalok nito. Sa kinikilos pa niya parang hindi siya binibigyan nito ng oras na pagisipan ang kaniyang inaalok. "C-Carl, teka" aniya ng may pagaalinlangan. "Cill, I know may nararamdaman ka pa rin kay Agos, pero alam ko napipilitan ka lang din na pakisamahan siya. With this idea I can help you, Marry me at tutulungan kitang makalimutan si Agos. And I know hindi kalaunan ay matutunan mo rin akong mahalin." Umiling si Cecilia, ngunit pursigido talaga ito sa kanyang inaalo

