"Nasaan na yung baby na cute? nasaan na?" malapad ang ngiti niya at pinisil pisil ang pisngi ni baby Sam. "Ito, makulit na, ano? makulit na yung baby na 'yan. Tawa-tawa pa, kiss kita diyan eh," natawa si Cecilia nang humagikgik ang bata at inabot pa ang mukha niya na tila tuwang-tuwa na makipaglaro sa kanya. Pumapadyak ang paa nito na giliw na giliw kay Cecilia na ganon din naman sa kanya. Ibang iba na ito sa baby na dumating sa bahay nila. Kiniliti niya ang tiyan nito kaya mas lalong nagpapadyak ang bata habang humahagikhik. "Ano? gusto mo talaga i-kiss kita? nagpapa cute ka nanaman diyan?" hinawakan niya ang dalawang kamay ng bata at isinapo niya iyon sa mukha niya. Pinangigilan naman nito ang pisngi niya kaya halos matawa siya lalo na ng iniaangat pa nito ang ulo niya at gustong

