"Hush, little baby, don't say a word, Papa's going to buy you a mocking bird,--" Nakaupo sila sa carpeted area ng sala habang naka play sa malaking tv ang nursery rhymes na kanina pa tumutugtog at kinakanta nila. Naka dapa si Ago sa sahig habang nilalaro ang paa ni Sam na ngayon nasa pagitan ng hita ni Cecilia na nakaupo rin sa may sahig. Kitang-kita naman sa mukha ng bata ang labis na saya. Namumula-mula pa ang pisngi nito sa kakatawa. Habang sinasabayan nila ng pagkanta. "naaaaa... Taaaa.. wooowoo" hindi maintindihan na sabi ng bata ngunit ikinasaya nila iton. "Yehey! galing-galing naman!" ipinalakpak ni Cecilia ang maliit na kamay ng sanggol habang si Agos naman ay agad pinangigilan ang mataba nitong paa kaya humagikgik si Sam. Nagkatinginan sila ni Ceciloa, parehas na may ngiti s

