Chapter 2.

1612 Words
LEA POV “Ang kapal ng mukha ng lalaking ʼyon na halikan ako. Sino ba sʼya? Wala ba siyang kahihiyan?” “Sandali, sino ba kinakausap mo? Sarili mo ba? Anong nangyari at mainit yata ang ulo mo?” Pag-aalalang tanong ni Violy. “Ang Tristan Conziñigi na iyon! Hinalikan ba naman niya ako sa harap pa ng maraming tao? Mukha ba akong kaladkaring babae sa daan?” “Hinalikan ka n-ni Tri-Tristan Con-Conziñigi. Totoo ba iyang sinasabi mo?” Lumapit pa si Violy para mag-usisa sa reaksʼyon ng mukha ng kaniyang kaibigan. “Sa tingin mo ba magsisinungaling ako? Hinawakan lang naman niya ang dalawa kong pulsuhan. Tapos ang ending, bigla na lamang niya akong hinalikan.” Halos magtatalon sa kilig ang kaibigan ni Lea. Matagal na kasi nitong hinahangan ang pagiging gʼwapo ni Tristan. “Dapat pala magkasabay tayo kanina, para hindi ikaw ang nakaranas nang matamis niyang halik.” “Alam mo kaya hindi matapos-tapos ang thesis mo, dahil dʼyan sa kinababaliwan mo. Ano baʼng nakita nʼyo sa lalaking ʼyon? Hmp . . . Walang babae na papayag sa kabastusan na ginawa ng lalaking ʼyon.” “Hoy! Nagkakamali ka. Lahat ng kababaihan sa campus siya ang pinag-uusapan. Manhid ka na lang kung hindi mo naririnig.” “Ang masasabi ko lang. Ayoko sa kanʼya. Pinaglihi yata siya sa kabastusan.” Inis na umalis si Lea sa harapan ng kaniyang kaibigan. Kahit anong pagtawag sa kaniya nito ay hindi man lang niya kayang tingnan. Masama talaga ang loob na nararamdaman ni Lea. Iyon kasi ang unang halik niya. At ang masama ay hindi pa sa lalaking nagugustuhan niya, kundi sa lalaking sobra niyang kinaiinisan. Matapos niyang makalayo sa bahay ni Violy. Sumakay na siya ng dyip. Pakiramdam niya ay babagsak ang malakas na ulan. “Manong, bayad nga po. Pakibaba na lang po ako sa kanto ng palengke.” Ilang saglit pa ay narating na rin niya ang palengke. Maraming tao ang hindi mapakali kung saan ilalagay ang ilan nilang paninda. Hudyat na sa paparating na ulan. Bumili siya ng gulay at sinamahan na rin niya ng tinapang isda. Saka niya nakita si Aling Sita. “Oh, hija. Hindi ka pa ba nakauuwi? Kanina ka pa hinihintay ng magulang mo.” “Pauwi na rin po ako. Bumili lang ako ng pasalubong sa kanila.” “Ganoon ba? Basta mag-iingat ka pag-uwi. At tiyak may bagyong paparating ngayon.” “Maraming salamat po, Aling Sita.” Mag-aalas sʼyete pasado na nang gabi. Nang masilayan ni Lea ang kaniyang relo. Habang unti-unti na rin bumabagsak ang ulan. Kasunod nang pag-ring ng kaniyang telepono. “Inay, pauwi na po ako.” “Nasaan ka ba anak? Kanina ka pa hinihintay ng tatay mo. Tiyak magagalit na naman iyon. Kapag gabi ka nang umuwi.” Ini-off na lamang ni Lea ang telepono. Wala na rin naman siyang magandang sasabihin na dahilan sa kaniyang ina. Lalo naʼt iniisip niya ang nanggagalaiti niyang ama. Napadaan muna siya sa isang store. Twenty four-seven kasi iyon na bukas. Sarado na kasi ang ilang pharmacy na pʼwede niyang bilihan ng gamot. Palakas na rin nang Palakas ang buhos ng ulan. Kasabay nang malakas na kidlat na kaniyang naririnig. Tanging liwanag lang ng ilaw ng store ang nagsisilbi niyang kanlungan. Halos walang ilaw ang bawat poste ng kaniyang daraanan. “Excuse po, maʼam. Baka gusto niyo pong pumasok muna sa loob. Malakas na po kasi ang ulan.” “Sa-salamat na lang . . . Paalis na rin kasi ako.” “Si-sige, po. Pero, sa oras na pong ito ay mahihirapan na po kayong sumakay, dahil kalimitan naman sa mga sasakyang dumaraan dito ay mga private vehicles lang po. At madalang na rin po ang dyip o anumang trysikel. Wala po bang susundo sa inyo? Delikado po kasi kapag inabot pa po kayo ng alanganing oras.” “Wa-wala, eh. Maghihintay na lang ako rito nang pagtigil ng ulan. Magbabakasakali na lang ako kung mayroʼn pang dumaraan na sasakyan.” “Ingat po kayo.” Iyon na lamang ang huling sinabi ng isang lalaking. Saka ito pumasok sa loob ng convenience store. Halos kalahating-oras na ay wala pa ring dumaraan na sasakyan. Naglakad-lakad muna siya papalayo sa convenience store, nang may nakita siyang waiting area sa ʼdi kalayuan nito. Iyon nga lamang ay may ka-diliman at kaunti lamang ang sinag ng ilaw na nagmumula sa tindahan. “Hanggang anong oras pa kaya ako maghihintay ng sasakyan. Halos isang oras na ang nakalipas. Kahit isa ay wala man lang sasakyan.” Dali-daling kinuha ni Lea ang telepono sa kaniyang bag. Kailangan na niyang tumawag sa kaniyang ama. Kung hindi ay makaririnig na naman siya ng katakot-takot na salita. Subalit, akmang mag-dial siya ng numero ay bigla na lamang itong na-low battery ang kaniyang telepono. Kaya naman ay inis niya itong itinago sa loob ng kaniyang bag. “Kapag minamalas ka naman, oh. Paano na ako nito makauuwi?” Habang nararamdaman ni Lea ang malamig na dampi ng hangin. Dalawang sasakyan naman ang tumigil sa kaniyang harapan. Bagay na nagpagulat sa kaniya. “Miss, baka gusto mong sumabay ka na sa amin. Kami na lang ang maghahatid sa ʼyo sa bahay mo,”natatawang wika ng isang lalaki sa kaniya. Kaba naman ang lumulukob kay lea. Hindi niya alam kung anong paraan ang nararapat niyang gawin? Kasunod nang matapang niyang pagharap sa mga lalaking bumaba ng sasakyan. “Pasensʼya na. Ngunit, hindi ko kailangan ng tulong nʼyo. Ma-may hi-hinihintay lang ako. Kaya maraming salamat na lang.” “Naku, miss. Mas matutuwa kami kung sasama ka sa amin. Mas ligtas ka kung kami mismo ang maghahatid sa ʼyo.” Napabuntong-hininga si Lea. Saka siya muling nagsalita. “Na-naghihintay kasi sa akin ang asawa ko,” mautal-utal pa niyang sambit. Hindi maintindihan ni Lea, kung bakit iyon na lamang ang kaniyang nasabi? Naisip niya na iyon ang kaniyang magiging ligtas, kapag nagsabi siya ng kasinungalingan. Pero, hindi siya nagtagumpay. Nakita niya ang pagtapon ng naubos na sigarilyo mula sa isang lalaki. Kaagad siya nitong hinawakan sa kamay. Habang masama siya nitong pinakatitigan. “Sabi nang sumama ka sa amin, eh!” matapang na sigaw ng lalaki. “Bitiwan nʼyo nga ako!” Pagpupumiglas ni Lea. Ngunit, ang mapilit na lalaki ay isang suntok sa kaniyang tiyan ang ginawa. Nabitawan ni Lea ang dala-dala niyang bag. Kasunod nang mga halakhak na kaniyang mga naririnig sa anim na kalalakihan. “Pakiusap. Maawa na po kayo sa ʼkin. Gusto ko na pong umuwi,” pagmamakaawang sambit ng dalaga. Kasabay nang kaniyang pagluhod sa harapan ng mga ito. “Ang tigas-tigas kasi ng ulo mo! Kami na nga ang maghahatid sa ʼyo sa bahay mo.” Malakas na paghagulhol ang iginawad ni Lea. Napayakap siya sa kaniyang sarili, habang pʼwersahan siyang itinatayo ng dalawang kalalakihan. Naririnig pa niya ang pagbibiro nito sa kaniya. Habang pinagmamasdan ang kabuuan ng kaniyang katawan. “Sige na! Isakay na ninyo ang babaeng ʼyan, para ating mapagsaluhan.” Ilang hampas na rin ang iginanti ng dalaga. Subalit, wala siyang lakas para pigilan niya ang paghila sa kaniyang mga kamay. “Tulong! Tulong!” “Hoy! Tumahimik ka nga! Subukan mong mag-ingay kung ayaw mong mamatay ka nang maaga.” “Napakasama nʼyo! Mga wala kayong puso!” “Huwag kang mag-alala, miss. Mag-e-enjoy ka naman sa aming gagawin.” Matapos ang katagang salita na sinabi ng lalaki. Isang magkakasunod na busina ng sasakyan ang nagpaingay sa madilim na kapaligiran. “Patahimikin nʼyo nga ang maingay na sasakyan na ʼyon!” Pag-uutos ng lalaking may hawak kay Lea. Akmang lalapit na ang apat na lalaki ay bigla na lamang itong humarurot ng takbo. Patungo sa itim na sasakyang kinaroroonan ni Lea. Malakas ang naging pagsalpok nito sa likod ng sasakyan. Halos mawasak ang likuran nito na naging sanhi nang malalang pinsala. Sabay pagbaba nito sa kaniyang sasakyan. “Who gave you the right to touch my wife?” matapang niyang wika, sa mga lalaking may hawak sa dalaga. Halos lumabas ang ugat niya sa kaniyang noo, dahil sa init at galit na nagmamarka sa kaniyang mukha. “Ikaw pala ang asawa ng magandang babaeng ito. Kaya naman pala hindi nakapagtataka na kahit sinong lalaki mahuhumaling sa ganda nito.” Mas lalong umigting ang galit ng binata nang makita niyang hawakan ng lalaki ang maselang likuran ng dalaga. “P-please, he-help m-me . . .” nanghihinang pagmamakaawa ni Lea. “Set her free . . .” “At sino ka naman para sundin namin ang sinasabi mo?” “Like I said. Don't touch my wife,” may inis na pagkakasabi ng binata. “I will count to three. And when you don't follow what I want. You will die.” “Talaga. Eh, kung—” Nahinto ang sasabihin ng lalaki. Nang mabilis nakuha ni Tristan, ang nakatago niyang baril sa bandang likuran ng kaniyang baywang. Sunod-sunod na putok ang iginawad niya sa anim na kalalakihan. Halos magkakapareho ang bawat tama nito sa magkakabilang binti. Gayunpaman, nakahalukipkip na nagtatago si Lea sa likod na nagtataasang damo. Nangangatal ang kaniyang mga tuhod at takot na takot. Tanging pag-aalala naman ang naramdaman ni Tristan nang masilayan niya ang humihikbing pag-iyak ng dalaga. Lalapitan na sana niya ito, nang dumating ang mga pulis. “No matter what happens, I won't let you get hurt,” huling sambit ni Tristan. Habang nakatitig sa umiiyak na dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD