TRISTAN POV
“I never anticipated that our lips would come into contact in that way. Time seems to have suddenly stopped for both of us. Hanggang sa, malakas na pagtulak ang iginawad niya sa akin. Saka ko siya binigyan nang matamis na ngiti.”
Nagising na lamang ang kaisipan ni Tristan. Nang masilayan niya ang malayong kinaroroonan ni Lea. Nagmamadali itong naglalakad sa gitna ng daan. Napangiti si Tristan. Saka siya nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. At sumakay sa kaniyang pag-aaring kotse. Minabuti na lamang niyang tawagan ang kaniyang pinsan na si Harry. Subalit, out of coverage area ito. Kaya naman isang text message na lamang ang kaniyang ipinadala.
“Let's meet at the Blue Sky Bar. I just have to share something important with you. Wherever you are, I'll be waiting.”
Makalipas ang ilang minuto. Narating ni Tristan ang Blue Sky Bar. Tanging maingay na musika ang kaniyang naririnig. Naupo siya sa bar counter para kumuha ng alak naisasalin niya sa hawak nitong shot glass.
“Long time no see, Mr. Tristan Conziñigi.” Pagbati sa kaniya ng isang bartender na nasa kaniyang harapan.
Napangiti rin ang binata.
“How are you?” wika ni Tristan.
“Heto, wala pa rin pagbabago. Marami pa rin pong mga babaeng gusto akong maisama palabas ng bar na ito,” pagbibirong wika niya kay Tristan.
“Si Mr. Harry Conziñigi, po ba? Bakit hindi niyo po siya kasama?”
“He still has too much work to do. That is why I came here to wait for him.”
Hindi pa man natatapos ang kanilang pag-uusap ay dumating na si Harry. Kaagad nitong kinuha ang wine at nagsalin din sa shot glass nakabibigay lang ng kanilang bartender.
“Maybe, if I didnʼt text you, Iʼm sure you wouldnʼt be here.”
“Sandali, ano ba ang importante nating pag-uusap?”
“Gusto ko sana sʼyang ligawan. Iyon ay kung tutulungan mo ako sa babaeng nagugustuhan ko.”
“Have you never tried courting a girl?” seryosong wika ni Harry, habang nakangiti itong nakatitig sa kaniya.
Ngunit, bago pa man sumagot si Tristan sa tanong sa kaniya ni Harry, ay mabilis muna niyang ininom ang hawak niyang wine.
“Naturally, she is not the only woman I have dated. But when I think of her, I get frightened.”
“Bakit hindi mo muna ligawan bilang isang kaibigan? At pagkatapos, saka mo gawin ang binabalak mo. Basta sa tamang paraan lang, Tristan.”
“I don't know, kung gugustuhin niya akong maging kaibigan. Maliban na lang kung may isang pagkakataon na hindi namin inaasahan.”
“Panahon lang Tristan, ang makapagsasabi nʼyan. Besides, natitiyak kong magugustuhan niya ang isang tulad mo. Sandali, sino baʼng babae ang tinutukoy mo? Kilala ko ba sʼya?”
“Of course, you know her.”
Napakunot ang noo ni Harry. Bago ito muling nagsalita. “Si Lea Lincoln ba, ang tinutukoy mo?”
Tanging ngiti ang sumilay sa mga labi ni Tristan. Nang marinig niya ang pangalan ng dalaga. Kasunod nang pag-inom muli nito ng wine. “Aalis na muna ako Harry. Nang masimulan ko na ang pakikipagkaibigan ko sa kaniya.” Tinapik niya ang balikat ng kaniyamg pinsan. Matapos siyang magpaalam.
“Sandali. Saan ka pupunta?”
“Saan pa ba? Eh, ʼdi sa kaniya.”
“Asshole! Galingan mo para pumasa ka sa kaniya. Goodluck!” tanging sigaw ni Harry. Habang papalayong naglalakad si Tristan, patungo sa main door ng bar.
Ilang minuto pa lang siya na nasa restaurant ay hindi mawala-wala sa kaniyang isipan ang dalaga. Binabalak na sana niyang umuwi sa kaniyang mansion. Subalit, mas ginusto niyang maglibang kasama ang iba niyang school mate. Ilang buwan na lang kasi ay magtatapos na siya sa kurso na kaniyang kinuha. Kaya naman pumayag na rin siya sa alok ng mga ito sa kaniya.
“Bro, anong balak mo, after ng graduation natin? Babalik ka ba ng Paris?” tanong nang isa niyang kaibigan.
“Maybe, mag-stay muna ako rito for a month. Then, saka ako babalik ng Paris. May mga dapat lang akong i-accomplish dito. Bago sana ako umalis ng Pilipinas.”
“Wow! Congratulations, bro. Magkita na lamang tayo sa Paris. At sana makilala mo na ang babaeng nararapat sa ʼyo.”
“Don't worry, Dave. Sa iyo ko unang ipakikilala ang babaeng mamahalin ko.”
Mag-aalas otso na nang gabi. Nang magpaalam si Tristan sa kaniyang mga kaibigan. Kasabay nang malakas na buhos ng ulan. Habang binabagtas niya ang madilim na daan. Napansin niya ang nag-iisang store, na hindi naman kalayuan sa kaniyang kinaroroonan. Ititigil na sana ni Tristan ang kaniyang kotse. Nang mapansin niya ang pagtigil ng isang itim na sasakyan. Marahan niyang ibinaba ang glass window ng kaniyang kotse. Saka siya sumilip sa hindi niya maaninag na itsura ng dalaga. May pagtataka man siya ay minabuti na lamang niyang hindi ito pansinin. Sumasakit na rin ang sintido ng kaniyang ulo, dahil sa alak na kaniyang nainom. Sumandal siya nang bahagya sa kaniyang kinauupuan. Habang hinihintay niya ang malakas na pagtigil ng ulan.
Sa isang rest house niya naisipang magtungo. Mas payapa ang kaniyang pag-iisip. Lalo naʼt hindi niya roon makikita ang kaniyang ama. He is tired of every decision his family makes for him. Iyon naman talaga ang isa sa mga humahadlang sa kaniyang kagustuhan. He wants a happy family. And make love with the woman he chooses. Samantala, malakas na pagsigaw ng dalaga ang kaniyang naririnig. Isang tawag na tila humihingi ng tulong. Nakita pa niya ang paghawak ng isang lalaki sa maselnag parte ng katawan ng dalaga.
“F*ck!” inis niyang sambit.
Tila walang pag-aalinlangan na pinaharurot ng binata ang kaniyang kotse. Halos malakas naman ang naging pagsalpok nito sa bandang likuran ng itim na sasakyan. Kasunod nang mabilis niyang pagbaba sa loob nito. Hindi na siya nagdalawang-isip na kalabitin ang gatilyo ng baril, sa mga lalaking nangahas bastusin ang babaeng hindi niya inaasahang makita. Walang iba kundi si Lea Lincoln. Nakita ni Tristan ang pagkatakot sa mga mata nito. Akmang lalapitan na niya ang dalaga. Nang dumating ang mga kapulisan. Nagbigay na lamang siya ng kaunting impormasyon sa kaniyang mga nasaksihan.
“She's my wife,” huling bulong na sambit ni Tristan. Bago pa man siya bumaling nang tingin sa dalaga.
Dahan-dahan niya itong nilapitan. At napansin niya ang pagkatakot nito. Habang yakap ang magkabilang tuhod nito.
“Hu-huwag! Huwag mo akong lalapitan!”
“I didn't intend to hurt you. I am Tristan Conziñigi.”
Naramdaman na lamang ni Tristan ang pagkatakot ng dalaga. Ang mga luhang nagmumula sa mga mata ng babae ay tila nagiging sakit ng binata. Napakagat ang kaniyang labi. Pakiramdam niya ay gumuguhit sa kaniyang puso ang takot na nararamdman nito. Walang pag-aalinlangan niya itong nilapitan. Saka niya hinawakan ang mga kamay nitong nangangatal.
“You're safe, honey. Hindi kita sasaktan.”
“Pa-pakiusap. Ilayo mo ako sa lugar na ʼto. Natatakot ako sa kanila.”
“As long as you are here by my side. You won't be harmed by anyone.”
Marahan niya itong itinayo. Kasabay nang mahigpit niyang pagkakayakap. Unti-unti rin niyang pinalis ang mga luha ni Lea. Kasunod nang pagdampi ng kaniyang halik sa noo ng dalaga.
“This is one of my reasons. Why do I have to stay with you?” tanging sambit ni Tristan sa kaniyang isipan.