“Malakas ang t***k ng puso ko. Nang maramdaman ko ang simpleng halik na nagmula sa kaniya. Ang takot na nararamdaman ko ay tila nagbago. Isang pagbabago na nagkulong sa akin na mula sa kaniyang mga bisig. Dahan-dahan kong iniangat ang aking mukha sa kaniya. Malalim ko siyang pinakatitigan. Habang nasisilayan ko ang mga matang may ibig na kahulugan. Lumayo ako sa kaniya. At maagap niyang hinawakan ang aking mga kamay.”
“Do you want me to drive you to your home?” bulong ni Tristan sa dalaga.
Napangiti ng bahagya si Lea. Kasunod nang pagtanggi niyang tugon sa binata. “May mga pulis naman na pʼwedeng maghatid sa akin. Mas makabubuti sigurong umuwi ka na lang din.”
“No . . . I insist.”
“Thank you, for saving my life. Pe-pero, hindi mo na ako kailangang ihatid pa. Ayoko ring makaabala pa sa ʼyo. Sapat na ʼyong tinulungan mo ako. At utang na loob ko iyon sa ʼyo.”
“Please, regardless of what you say. Ihahatid pa rin kita.”
Makikita sa mukha ng dalaga. Ang saya na kaniyang nararamdaman. Hanggang sa, maalala niya ang lalaking hindi niya kayang kalimutan. “Kung alam lang sana ni Harry ang nangyari sa akin. Sigurado akong mag-aalala iyon sa akin. Siguro, naririto rin siya para iligtas ako. Bakit ba kasi hindi siya mawala sa isip ko? Bakit siya pa ang mas nakikita ko?” tanging tanong ni Lea, na bumabagabag sa kaniyang isipan.
Inalis niya ang mga kamay ni Tristan, na nakahawak sa kaniyang magkabilang pisngi. Ang nanlalamig niyang mga kamay ay nakaramdam ng mainit na nagmumula sa mga palad ng binata.
“Sa-salamat ulit.”
“Let's go. Masyado ng malamig dito sa labas.”
Nang makapasok sila sa loob ng sasakyan. Isang blanket ang inilagay ni Tristan, sa katawan ng dalaga. Nagulat pa ito dahil sa kaniyang ginawa. “Take a rest, honey. Gigisingin na lamang kita kapag nasa bahay na tayo.”
“A-anong sa-sabi mo?” mautal-utal na tanong ng dalaga. Habang kakaibang sensasyon ang dumadaloy sa kaniyang katawan.
“Just go to sleep, that's what I said.”
Matapos marinig ni Lea, ang mga katagang iyon. Kaagad siyang bumaling nang tingin sa glass window ng sasakyan. Dahan-dahan pa niyang ibinaba ang salamin nito. Upang maibsan ang kakaiba niyang nararamdaman. “Bakit pakiramdam ko hindi naman iyon ang sinabi niya?”
Sumandal siya ng bahagya sa kaniyang kinauupuan. Habang yakap-yakap niya ang blanket na sumasangga sa kaniyang katawan. Ilang oras din ang naging byahe nila. Bago pa nila narating ang mansion. Nagising na lamang si Lea, sa dampi ng kamay ng binata.
“Bakit parang ang haba yata ng naging byahe natin? Eh, tatlong Barangay, lang naman ang ating daraanan.”
“Mas safe kung dito ka muna magpapalipas ng gabi sa mansion ko.”
“A-ano?” Napabalikwas ang dalaga sa kaniyang kinauupuan. Kasabay nang masamang tingin nito sa binata.
“Wala ka nang magagawa. Masyado nang gabi kung uuwi ka pa sa bahay mo.”
“Nababaliw ka na ba? Isa ka rin pala sa mga lalaking hindi mapagkakatiwalaan!”
“Do you think, kung hindi kita iniligtas sa mga lalaking ʼyon, hindi ka nila pagsasamantalahan. Iyon ba ang gusto mo?” naiinis na sambit ni Tristan.
“Mas gugustuhin ko pang mamatay. Kaysa makasama ka— at ang mga abnormal na ʼyon! Wala ka rin naman pinagkaiba sa kanila.”
“Can you, please, shut up?”
“Paano ako mananahimik? Eh, dito mo ako dinala sa napakalaki mong mansion.”
“Natatakot ka ba?” Sabay pagtitig ni Tristan.
Natahimik si Lea. Kasunod nang pagkagat sa kaniyang ibabang labi. “Wala akong dapat katakutan sa ʼyo! So, please. Leave me alone. At gustong-gusto ko nang umuwi sa bahay. Nag-aalala na ang magulang ko sa akin. Tiyak katakot-takot na naman na salita ang maririnig ko sa kanila.”
“I promise you, that I will take you to them tomorrow. So, don't you worry.”
Natahimik na lamang si Lea. Wala na rin naman siyang magagawa, kung makipagtalo pa siya kay Tristan. Nagpasya na siyang bumaba ng sasakyan. Pipigilan pa sana siya ng binata. Subalit, tumanggi na lamang siya sa alok nitong pagbubuksan siya ng pinto ng kotse.
“Napakalaki naman talaga ng bahay na ʼto. Kahit sampung pamilya ay kayang-kaya sa loob nito,”sambit ni Lea sa kaniyang isipan.
Nakita niya ang pagbukas ng pintuan ng mansion. May tatlong babae na sumalubong sa kanilang dalawa. Iyong isa ay may katandaan na. At iyong dalawa ay halos kasing-edad lamang nʼya.
“Señorito Tristan. Biglaan po yata ang pagdating nʼyo. Sana naman po ay nagpasabi kayo sa amin na darating po kayo.”
“It's okay. Hindi naman ganoon ka-importante ang pagdating ko.” Kasunod nang pagsulyap niya kay Lea.
“Ganoon po ba? Ano po ang gusto nʼyong kainin? Nang mapaghandaan po namin kayo ni Señorita Lea.”
Nagulat ang kaisipan ni Lea, nang marinig niya ang pagbanggit ng isang babae sa kaniyang pangalan.
“Miss. Paano mo nalaman ang pangalan ko?” pag-uusisa niyang tanong.
“Si Señorito Tristan po kasi ang—”
“I called them. That's why they already know your name.”
“Wow! Ibang klase ka rin talaga, ano? Lahat sa ʼyo nakahanda na. Siguro, kasabwat mo ang mga lalaking gusto akong kuhanin kanina. Pati ang mga pulis. Tama ba ako?”
“Isipin mo na lang, kung ano ang gusto mong isipin? Itʼs up to you. Kung maniniwala ka o, hindi.”
“Hoy! Tristan Conziñigi. Kung inaakala mo na makukuha mo ako sa ganitong paraan. Nagkakamali ka! Paghihirapan mo muna bago mo ako—makuha.”
Halos tawanan ang namutawi sa paligid, mula sa tatlong babaeng na nasa kanilang harapan. Napatigil sa paglalakad ang binata. Saka ito bumalik sa kinaroroonan ni Lea.
“Why? Do you want to try me? Are you good in bed? Magaling ka bang sumayaw? Makakaya mo ba akong angkinin?”
“Baliw!”
“Kung hindi ka naman pala magaling sa mga ninanais ko. Bakit ka matatakot sa akin? Relax. Wala akong gagawing masama sa ʼyo. Maliban na lang kung ibigay mo.” Kasabay nang pagpasok ni Tristan sa loob ng mansion.
“Señorita. Bagay na bagay po kayong dalawa ni Señorito Tristan. Sana po kayo na lang ang magkatuluyan.”
Kinikilig na umalis ang tatlong babae sa harapan ni Lea. Kasunod nang buntong-hininga na pinakawalan ng dalaga. “Bakit ba sa dinarami-rami na pʼwedeng magligtas sa akin, si Tristan Conziñigi pa ang dumating? Oo, may utang na loob ako sa kanʼya. Pero sana naman hindi sa berdeng utak na katulad nʼya, tsk,” naiinis na sambit ni Lea.